29 | Erased

64 3 0
                                    

"Welcome back, Aurum. I would like to congratulate all of you for the success of your recent quests." bungad na pagbati sa'min ni Prof Fiona.

Kakabalik lang namin kahapon galing sa mortal realm, at pagdating namin ay agad ding ni-report nila Luna at Crein ang naging progress ng quest namin sa office of the Headmistress, ngunit bago ang lahat ng iyon ay mukhang lahat kami'y nawala sa katinuan matapos kong ipabasa sa kanila ang sulat ni Delphine.

Maging sila ay hindi rin makapaniwala sa nangyari, lalong-lalo na si Avery na una't huling beses na palang makikita ang kanyang kapatid na babae. Hindi man sila buong magkapatid ay labis ang iyak na ipinakita niya kahapon na halos hindi na namin siya mapakalma, na siyang nakatigilan na lang niya matapos makatulog sa labis na lungkot. Nang malaman naman ni Ash iyon, ay labis rin ang lungkot na naramdaman niya, lalo pa't hindi man lang niya nakilala ang kapatid.

"I am deeply sorry about what happened. The administration already conducted a search and rescue operation, but they really couldn't find her anymore." malungkot na wika ni Prof patungkol kay Delphine.

Kahit alam na namin ang totoo ay umasa pa rin kaming mahahanap siya, kaya't ni-report namin ito upang matulungan kami ng administration, but I guess we really can't do anything about it now.

Nang sulyapan ko ang aking mga kasama ay napansin kong nangingilid na naman ang luha ni Avery pati na rin sila Blair at Vera.

"I know that all of you are still tired because of what happened on your quests, so I'm giving this day for all of you to rest for more." malambing na saad ni Prof.

Ako man na gustong-gusto ng pahinga ay hindi magawang maging masaya sa sinabing iyon ni Prof, para bang sobrang daming bumabagabag sa aking isipan na hindi ko mahanapan ng paliwanag.

"Ipapatawag ko na lang kayo incase the kids wake up. The health department is expecting their body to recover by this day." nang dahil sa ibinalitang iyon ni Prof, kahit papaano ay nabigyan kami ng pag-asa para masagot ang mga katanungan namin.

Matapos ng maiksing meeting na iyon ay pina-uwi na rin kami ni Prof sa dorm, ngunit imbes na doon kami dumiretso ay sa parke na nasa tapat ng mall na lang kami nagtungo upang maiwasan ang pagmumukmok naming lahat. Dito na lang din namin naisipang mananghalian dahil halos lahat kami ay wala sa mood upang manatili sa dorm. Nang makarating ay nagsi-upo na kami sa stone benches na nakapa-ikot sa isang malaking bilog na stone table, na mabuti na lang ay may kalakihan at nagkasya kami.

"Sige, dito na lang kayo. Kami na o-order." saad ni Blaze, sabay alis kasama si Ash. Manlilibre raw siya, dahil trip niya lang daw, na sa tingin ko'y paraan niya upang mapasaya ang mga kasama namin.

Nang makaalis naman ang dalawa ay namayani muli sa pagitan naming lahat ang malungkot na katahimikan. Narinig ko rin ang mahinang pag-singhot ni Avery tanda na umiiyak na naman siya, na mabuti na lang din ay nariyan si Ced upang pakalmahin siya.

"Kung sana pinilit namin siyang sumama dito," hingang malalim na saad ni Avery. "Huk— sana nandito siya at matutulungan natin." mahina niyang dugtong.

Sa sinabi niyang iyon ay nakaramdam ako ng mumunting paninisi sa aking sarili, ako kasi ang mismong nagsabi kay Delphine na babalikan namin siya, ngunit alam kong wala naman na akong magagawa. Tama si tuod, na hindi ko dapat sisihin ang sarili ko dahil tapos na ang tapos na.

Nang makabalik ang dalawa ay inihatid na rin ng mga waiter ang inorder nila dahil sa sobrang dami nito, psh, akala mo'y laging fiesta sa tuwing magkakasama kami.

Nagsimula na akong kainin ang napili kong kanin na ang ulam ay kaldereta. Naalala ko tuloy si nanay, na siyang niluluto iyon para sa'kin. Kumusta na kaya sila? Hindi ko pa sila nakakausap simula ng dumating ako rito. Hindi ko rin alam kung nasaan ba talaga sila, dahil no'ng sinubukan kong tawagan sila ay hindi ko na sila ma-contact pa or it's either they really did that because... I have a hunch that they really know something about this place, something about my real identity.

Hemitheos: Eternal AcademyWhere stories live. Discover now