24 | Orb of Protection

56 3 0
                                    

"Ano ba 'to?!" giit ni Lein sabay abot sa'kin nung papel na may nakasulat na mga letra na kailangan pa naming i-decode. "So, Luna, any answer about that?" pagtawag niya sa taong inaasahan namin sa ganitong bagay.

Nasa siyudad na kami, kakarating lang namin at mag-hahapon na, dumaan pa kasi kami saglit sa drive thru dahil sa gutom na inabot namin sa sobrang tagal ng byahe. Kasalukuyang naka-parada ang sasakyan namin sa tabi ng isang convenience store habang kami'y kumakain at sinusubukang hulaan kung ano man 'tong ibinigay sa'min ni Prof.

"It says azalpocra." sagot niya. Geez, azalpocra? psh, ano naman 'yon?

"Aza— what?! Is that some sort of other language? How did you get that?" tanong muli ni Lein, kaya't ibinaba naman ni Luna ang binabasa niyang libro at ang burger na kinakain niya.

"I've got the answer earlier with the help of that line, you have a clue, and it is really a clue. It means, you need to write the alphabet if how would you write it in the shape of U. Then after that, from top to bottom, then the equivalent letter is from bottom to top." mahabang paliwanag niya.

"With that. You'll get azalpocra, though I don't have any idea what's that. It may be some sort of a place or maybe a person." napa-ah naman kami sa sinagot niya. Na-gets ko naman agad 'yung explanation niya, kaso kanina niya pa pala nakuha ang sagot tapos heto kami hinayaan niya lang na mag-isip ng todo dito, mana rin 'to kela Prof eh.

"Is there really a word like that? Well, azalpocra, what the heck is that?!" maarteng wika ni Shera.

Azalpocra? Ano nga ba kasi 'yun?

Napa-sulyap na lang ako sa labas ng bintana kakaisip kung ano nga bang ibig-sabihin ng salitang iyon.

Hmm, a-z-a-l-p o-c-r-a.

"Wait..." panimula ko ng matuon ang aking paningin sa arch ng isang mini park. "I think it's the Plaza Arco. It was written backwards." imporma ko sa kanila, na agad nilang tinanong kung saan ba iyon makikita.

Kaya siguro hindi nila alam kung ano iyon dahil hindi naman sila madalas sa lugar dito, dahil sa pagkaka-alala ko'y karaniwang nasa sentro sila ng bansa o hindi kaya'y sa ibang bansa nagba-bakasyon.

"Heh, shuta 'yan. Pinapahirapan lang tayo ni Prof eh." reklamo ni Irys.

"Alright, we now have a lead. Do you know where's that?" tanong ni Luna sa'kin kaya't tumango naman ako bilang pagsagot.

"Nah, before we proceed, let's just enjoy our food for now. Kailangan natin 'to for the adventure." ani Lein na agad naming sinang-ayunan

Nagpatuloy na akong muli sa pagkain, habang iniisip kung ano ng ganap nung mga lalaki ngayon at kung ano nga bang quest nila.


⊱.·:*¨༺ ༻¨*:·.⊰


Blaze's POV

89, 90, 91, 92...

"Dre malayo pa ba?" naputol ako sa pagbibilang sa mga punong nadadaanan namin ng biglang magtanong si Crein kay Ash na siyang nagmamaneho.

Putek nasaan na ba kami? Takte 'yan, mababaliw na ata ako sa mga ginagawa namin. Kahapon pa kasi kami nasa daan at buma-byahe papunta sa lugar na pinapahanap ni Headmistress. Wala ba namang sinabing eksaktong address, ang ibinigay lang ay directions, ano kaya 'yun?! 'Langya, ngalay na ngalay na ang puwet ko sa tagal ng byaheng to.

"Don't worry, we're almost there." sagot ni Ash na nakatingin sa kanyang cellphone kung nasaan ang direction na ibinigay sa'min.

Hay buhay, imbes na hinahanap namin ngayon si Yara eh ganito naman ang lagay namin. Hindi tuloy kami makapag-focus ng maayos dahil sa kasong iyon, lalo na itong si Ishan na mukhang kanina pa ata malalim ang iniisip.

Hemitheos: Eternal AcademyWhere stories live. Discover now