31 | Library

44 3 0
                                    

"Summon your rare familiars." utos sa'min ni Prof Fiona. Kasalukuyan kaming nasa isla ngayon para sa last subject for today. Narito kami sa labas dahil magtatawag daw kami ng familiars namin.

First time nila Izell dito at manghang-mangha sila sa tanawin. Kaya't masayang nagkuwento sila Blair kanina sa mga naging experience nila dito sa isla.

Pagtingin ko sa mga kasama ko nagcha-chant na sila ng summoning spell kaya gumaya na ako. Sabay-sabay ang naging bigkas naming lahat sa spell, para tawagin ang mga rare familiars namin ay kailangan lamang banggitin sa huli ang pangalan nila.

Lumabas na sa paligid namin ang mga blue specks na dust tanda ng pag-gana ng spells. Ilang sandali lamang, ay nasa unahan ko na si Reigan. Ganun din sa mga kasama ko.

Ngayon ko lamang nakita ang familiars ng mga bago naming kasama at grabe ang cu-cute nila! Kay Zero ay isang nightingale na super cute. Kay Ishan ay isang arctic fox na sobrang puti. Kay Izell naman ay isang dolphin na may maninipis na stripes na kulay blue at green, nasa dalampasigan ito at cute na nakatingin sa'min.

I wonder kung ano ang mga mythical nila...

"They will help you to stabilize your energy if you lock the bond between the two of you, they will also serve as your companion on a battle," paliwanag sa'min ni Prof. "For our todays activity you need to balance the bond between you and your familiars. We all know that they can consume a lot of our energies... so now, I want you to focus on that matter."

Ah, kailangan naming mapatagal sila on this realm para masanay kami.

"To do this... you need to combat with each other. Bubunot ako ng dalawa and you will strictly just do a combat, so no using of weapons or abilities. Your familiars will be combating with your opponents familiar. You have ten minutes. This is a graded activity so do your best! Do you understand?"

"Yes ma'am. Yes!" malakas naming sigaw na nakapag-pangiti sa kanya.

"So, let's begin."

Lumabas ang isang holographic na arena sa tapat namin, may kalakihan ito sapat para sa combat training. Sa tabi ni Prof ay naroon ang mahiwang holographic na bunutan niya. Kumuha siya ng dalawang papel.

Please 'wag muna ako!

"Blair and Lein."

Pinapunta naman agad ang dalawa sa platform kasama ang kanilang mga familiar.  Matapos niyon ay nabalutan na ng barrier ang kinaroroonan nila.

"Begin."

Sa hudyat na iyon ni Prof ay agad na umakto si Lein ng combat stance tapos 'yung vulture niya ay bigla na lang gumawa ng ingay na kakaiba. Si Blair naman ay kalmado lamang habang nakakuyom ng marahan ang mga kamao sa tapat ng kanyang dibdib, cute ring nakapatong sa balikat niya ang maputi niyang kalapati.

Ilang sandali pa ay sumugod na agad si Lein, sunod-sunod na atake ang pinakawalan niya na siyang iniiwasan lamang nung isa.

Paulit-ulit na tadyak at suntok ang ibinigay niya kay Blair, ilang sandali ay natamaan niya na ito sa tiyan na nakapagpa-tumba ng marahan dun sa isa. Umatake naman ang dove ni Blair sa vulture ni Lein, kahit na maliit ay mabilis naman ito. Nang hindi pa tumatayo si Blair ay bigla na lamang sumugod sa kanya si Lein.

Pero bigla na lamang humuni ng sobrang gandang tunog ang kalapati, matapos niyon ay umilaw panandali ang katawan ni Blair at agad siyang tumayo para undayan ng suntok si Lein.

Parehas silang hindi nagpatinag sa ginagawa nilang dalawa, gayun din ang kanilang mga familiar. May inilalabas na abilities ang mga ito, na siyang ginagamit nila upang labanan ang isa't-isa. Kung titingnan e para silang nagsasabong, char.

Hemitheos: Eternal AcademyOn viuen les histories. Descobreix ara