32 | Explosion

40 3 0
                                    

"Thank you po, Doc Celine."

Matapos kong magpa-salamat kay doktora ay agad akong pumasok sa kwarto ng apat na batang naririto. Mag-isa lamang ako ngayon dahil may kanya-kanyang agenda ngayon kami ng mga kasama ko. Ngayon lamang ako ulit naka-bisita sa kanila tutal weekend naman na. Ang sabi ni Doc, hindi pa raw dini-discharge ang mga bata dahil under observation pa ang mga ito lalo na't wala pa ring progress sa regaining ng memories nila.

Wala ring idea or any background man lang ang health dept sa nangyayari sa mga ito, unusual daw na ganito ang nangyari sa kanila kaya mas lalong pinu-pursue nila Doc ang case ng mga ito.

Pagpasok ko ay sumalubong sa'kin ang tatlong batang naglalaro sa sahig, habang 'yung isa ay nasa kama niya at nagbabasa ng libro.

"Ate Ely!" masayang bati sa'kin ni Yara at Trisha.

Napangiti naman ako ng bahagya dahil doon, lumapit sila sa'kin at tyaka yumakap parehas. Ginulo ko naman parehas ang buhok nila. Napatingin naman ako kay Pablo na nakangiti sa'kin habang kumakaway.

Inabot ko naman sa kanila ang dala kong dalawang paper bag na puno ng luto nila Avery at Vera sa dorm, hinayaan ko na silang pag-kumpulan ang mga laman niyon. Lumapit naman ako sa batang busy sa kanyang sariling mundo.

Naupo ako sa paanan ng kama niya at tyaka siya pinagmasdan. Mahahalata mo sa kanya na tila wala siyang pake sa mundo ngunit napapansin ko ang manaka-nakang sulyap niya sa mga ka-edad niya.

"You should join them, I brought some food that Avery and Vera cooked." saad ko habang nakatingin sa sinusulyapan niya.

Ibinaling ko sa kanya ang tingin ko at naroon na naman ang seryoso niyang postura na tila ba'y mas matanda siya kaysa sa'kin.

"What are you doing here?" seryoso niyang tanong.

Wala man lang ate, grabe naman.

"Ate, what are you doing here... po." pagtatama ko sa sinabi niya, inirapan niya lamang ako kaya't napangiti ako doon.

Kinuha ko ang librong binabasa niya at tyaka ito ipinasok sa small cabinet sa gilid ng kama niya. "Kumain ka na bata." anyaya ko sa kanya.

Matapos niyon ay lumapit na akong muli sa iba pa, na nagtipon sa coffee table na naririto. Pa-ikot silang nakupo sa sahig habang inihahanda ang mga tupperware ng pagkain. Tumulong naman ako doon habang nakikipag-kulitan sa kanila. Napansin ko na rin ang paglapit nung isa at tyaka siya naupo sa tabi ko.

Hinainan ko na sila ng mga putaheng naririto at sabay-sabay kaming nagsikain, kasama ako kasi hindi pa ako nagu-umagahan. Nagkuwento naman sila ng kung ano-ano, lalo na tungkol sa kanilang excitement na makalabas na para pumasyal sa buong academy.

"Gusto ko na po talagang lumabas miss ko na po ang dorm ko ate." kunwaring naiiyak na saad ni Yara habang tumatawa.

"Ako din po gusto ko ng lumabas, hindi pa po namin nakikita ng maayos ang academy e." ani naman ni Pablo.

Tinanong ko naman 'yung tatlo kung anong nilo-look forward nila sa magiging experience nila rito.

"Makipag-interact po sa iba pang ka-edad namin dito!" mabilis na sagot ni Pablo.

"Ahm— siguro po 'yung mga classes na gagawin namin." nahihiyang saad naman ni Trisha.

Napatingin naman ako dun sa isa, hinihintay ang kanyang magiging sagot. Mukha siyang timang dahil para bang sinasabi ng ekspresyon sa mukha niya na bakit siya kasali sa pinag-gagagawa ko. Tinaasan ko naman siya ng kilay at sinamaan niya naman ako ng tingin.

Aba'y pasaway 'tong batang 'to, jusme.

"To learn my abilities." maiksi niyang sagot.

Napatango naman ako. Grabe abilities agad, ayaw bang mag-enjoy ng batang 'to.

Hemitheos: Eternal AcademyWhere stories live. Discover now