35 | Italy

41 3 0
                                    

Ely's POV

Isang marahan na haplos sa aking mukha ang gumising sa akin.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at tumambad sa akin ang mukha ng lalaking katabi ko. Maamo siyang nakatingin sa akin at patuloy na pinapahid ang mga mata kong kanina pa yata lumuluha.

Marahan kong tinapik ang kanyang kamay at tumalikod sa kanya upang ako na mismo ang magpahid sa aking mga luha. Napanaginipan ko kasi ang mga nangyari kaya kanina pa siguro ako sabog habang tulog.

"We're here." imporma niya sa'kin. Kaya't napatingin ako sa bintana at tumambad ang medyo madilim na paligid sa labas.

Tiningnan ko ang cellphone ko at madaling araw pa lang dito. Tumayo na ang mga kasama ko kaya kahit na pagod pa ako ay sumunod na rin ako sa kanila, naka-alalay naman sa akin si tuod na akala mo'y ginawa akong pasyente. Si Izell naman ay kakalabas lang galing sa loob ng flight deck, kung nasaan ang puwesto ng piloto.

Ang cool di'ba! Siya ang nagmaneho, at sobrang nakakamangha siya dahil doon! Ngayon lang ako nagkaroon ng kakilalang marunong magpalipad ng aircraft, and she's a woman. I promote girl power you know! Kaya sobrang astig niya sa paningin ko.

Nang makalabas na kaming lahat sa aircraft ay napansin kong nasa isa kaming port. Maliit lang naman ang aircraft namin, sapat para maiparada dito. Alam kong nasa Italy kami kasi dito kami na-assign, pero hindi ko alam kung nasaan kami eksakto.

"Where are we?" mahinang tanong ko sa katabi ko.

"San Felice Circeo." maiksi niyang sagot.

Well hindi ko pa rin alam ang lugar na'to, kung nasaan man kaming lupalop... bahala na si batman.

Bigla na lamang may matandang lalaki ang sumalubong sa'min, nakasuot siya ng formal attire. As in naka-tuxedo siya ganun, "Benvenuto a San Felice, Hemitheos. Sono Lorenzo, un membro del corpo docente dell'Accademia." bungad niyang bati.

Translation: Welcome to San Felice, Hemitheos. I am Lorenzo, a member of the faculty of the academy.

Well wala akong naintindihan sa sinabi niya, maliban na lang sa Lorenzo, na sa aking palagay ay pangalan niya. Hoo! Grabe naman, hindi naman ako na-inform na may pa-language quiz dito edi sana nag-prepare ako at nakapag-aral ng Italian.

"Dov'è la macchina?" mabilis akong lumingon ng bigla na lang magsalita ang katabi ko.

TL: Where's the car?

WAIT! WHAT THE?! HE CAN SPEAK ITALIAN?

Ngumiti naman si Mr. Lorenzo ata ang name bago kami pinasunod sa kanya.

Dinala niya kami sa isang parking lot at itinuro ang isang kotse na kulay itim. Nauna na ang iba naming kasama na pumasok sa loob.

"Torneremo, prenditi cura del nostro aereo. Grazie." saad pang muli ni tuod.

TL: We'll be back, look after our aircraft. Thanks.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa naririnig ko. Mas lalo pa akong namangha, ang ganda naman ng accent niya, grabe naman 'to.

Ngumiti naman si Mr. Lorenzo at tyaka tumango, "Mi assicurerò della sicurezza del suo aereo, signore." ngumiti rin siya sa'kin kaya ngumiti rin ako sabay tango.

TL: I will make sure the safety of your aircraft, sir.

Tumango lamang itong isa bago ako alalayan papasok sa passenger seat, matapos niyon ay umikot naman siya patungo sa driver's seat.

Wala man akong naintindihan kahit na ano sa sinabi ni Mr. Lorenzo, pero mukha namang mabait siya.

Nang masigurong ayos na kaming lahat ay pinaandar na niya ang makina, at bumusina ng isang beses bilang signal kay Mr. Lorenzo.

Hemitheos: Eternal AcademyWhere stories live. Discover now