Chapter 45

277 6 6
                                    

Unedited

Bad news



Naka-posisyon na ang lahat na akala mo'y doon naka depende ang kanilang buhay, na makatotohanan din naman. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang electus mors... bagaman may kaba sa kanilang dibdib ay wala silang pagpipiliin kundi lumaban kaysa sa mamatay.




Sa Silangan kung saan matatagpuan ang Erephoria ay nakahanda na ang mga studyanteng nakatalaga upang makipagsapalaran sa ano mang nilalang na maaaring magpakita. Sa gitna ng Silangan pa Kanluran kung saan nakatayo ang nayon ng Dangetrinos ay handa na rin ang lahat bagaman mas nangibabaw ang kaba sa kanila. Sa pagitan naman ng Kanluran pa Hilaga ay nakaposisyon na ang lahat na animo'y ilang sandali na lang ay malalaman na nila ang kanilang kapalaran. Sa mismong hilaga kung saan makikita ang nayon ng Sintephos ay mararamdaman ang kakaibang aura ng paligid halos kaparihas ng nakakakilabot na pakiramdam sa nayon ng Dangetrinos. Marahil dahil iyon sa mga nilalang na nakatira sa dalawang nayon. Ang halamang gamot na gingko, turmeric, flax seed; ay matatagpuan sa Erephoria. Tea tree oil, echinacea, grapeseed extract; ay makikita sa Dangetrinos. At ang lavender, chamomile, evening primrose oil; ay mahahanap sa Sintephos. Ang mga studyanteng nakatalaga sa pagitan ng bawat nayon ay magsisilbing alalay ng mga nakatalaga sa tatlong nayon kapag may posibleng masamang mangyari o hindi masunod ang nakaplano. Sila rin ang kailangan upang magsilbing mga mensahero't mensahera sa tatlong nayon upang masiguradong alam ng bawat isa ang mangyayari o nangyayari sa isa't isa, sila'y magsisilbing suporta ng mga studyanteng nakatalaga sa tatlong nayon.





LIMANG minuto, hindi maipapagkaila ni Elara ang kabang bumabalot sa kaniyang sistema bagaman maayos nilang nailatag ang plano nila. Nakadagdag pa sa kabang naramdaman niya ang duda sa mangyayari, pamilyar na pakiramdam noong nasa training pa siya.





"Zyna... tell to others that be ready... electus mors will start from now on."





"Sure," ani nito. Mabilis na nag-teleport ang babae at ipinabatid din sa apat na may kasing ka abilidad niya ang mensahe ni Elara.




ILANG sandali lang ay nangyari na ang kanilang kinakatakot. Pinanood ni Elara kasama ng iba kung paano naglapit sa isa't isa ang dalawang buwan at naging isa, segundo lang ang tinagal ng may kung anong nilalang na lumiyaw galing sa kung saan isa lang anino dahil sa pagdilim ng buong kalangitan. Natitiyak nilang isang bakunawa ang lumabas at kinain ang buwan, ang prisensiya nito ay nakakatakot. Nakuha ng lahat ang atensiyon sa tunog na nanggagaling sa himpapawid man o sa lupa. Sari-saring nakakakilabot na tunog ang kanilang narinig kasabay ng simulang pagbalot ng hamog sa paligid na nakadagdag pa sa nakakatakot na atmosperang dala ng mga nilalang na kanilang naririnig.





EREPHORIA


NAGSIMULANG mabahala si Elara ng mabuwal ang lupa sa kanilang harapan at lumabas ang kakaibang nilalang na ngayon lang nila nakita.




"What creature it is?"




"Ngayon lang ako nakita ng ganiyan kapanget na nilalang!"




"Be alert guys! That creature is no joke!"




"In your position, now!"




Mabilis na tumalima ang grupo na nakatalaga sa erephoria dahil sa sigaw ni Elara sa kanila, pumunta sila kung saan sila naka posisyon kanina at naghintay ng utos ni Elara. All of them become serious when an unknown creature begin to step out and roar. Mabilis na nag-isip si Elara ng maaaring gawin, she can't be reckless. Isang maling utos niya lang sa kanila ay maaaring isa o lahat sila ay mapahamak. After a seconds and finally, she decide!





The Central Crest: Alestria Academy Book 1 [ONGOING]Where stories live. Discover now