Chapter 3

1K 40 0
                                    

[Unedited]

Alestria Academy


"Hindi ako sasama sa 'yo!"




Mahirap na, kung hindi talaga ako normal na tao tulad ng sinasabi nila marahil ay marami na ring naka-paligid sa akin na katulad ng nasa harap ko ngayon. Sabagay, tama ang sinabi ng lalaking iyon... nagsisimula na silang kumilos, panahon na ba upang bumalik?




"Doon sa Alestria malalaman mo lahat-lahat ng tungkol sa kung sino ka at ano ang kaya mong gawin. Halika sumama ka sa akin..." turan ng lalaki na nakapagpabalik sa ulirat ko. Unti-unti nitong iniangat ang ulo habang nakangisi.




Sandali akong natigilan, alam ko ring mahahalata ang gulat sa ekspresyon ko nang makita ang mukha ng misteryosong lalaki. Hindi ito gano'n ka tanda, makikita pa rin ang gandang pagkalalaki nito.




Lihim akong napangisi. "Hindi mo ako maloloko! Kahit anong gawin mo hindi ako sasama sa'yo!" buong tapang na sigaw ko sa lalaki.




Ayaw kong sumama sa lalaking ngayon ko lang nakita, kahit pa madalas niya akong kausapin sa aking isipan.




Sumilay ang maliit na ngiti sa labi niya ngunit hindi ko na napagtuonan pa ng pansin.




"Magaling, kung ganoon wala na akong magagawa kundi gawin ito sa'yo."




Bago pa niya magawa ang sinasabi ay kumaripas na ako ng takbo. Wala akong paki-alam kung saan na ako. Ang gusto ko na lang ngayon ay makatakas sa lalaking gusto akong dalhin sa kung saan. Takbo lang ako ng takbo at hindi lumingon sa likod kung sumusunod pa ba siya sa akin o mananatili pa ring nakatayo sa p'westo niya kanina.





Napangiti ako nang makakita ng mukhang lagusan na umiilaw. 'Di bale ng mapunta ako rito, huwag lang makuha ng weird na lalaking iyon. Isa lang ang naisip ko.




Isa.





Tinalon ko ang pagitan no'n at napatili nang dumire-diretso ako na parang nahuhulog sa malalim na bahagi.




"Ahh! Aleng Lennie– dapat ikaw 'andito!"





NANGUNOT ang noo ko sa silaw na tumatama sa mukha ko at sa sakit ng aking likod. Unti-unti kong iminulat ang mata kasabay ng pagbungad ng gubat sa aking sistema. Kung ihahalintulad sa mga naturang gubat, naiiba ito sa gubat na nakikita ko sa probinsiya. May kakaiba at nakakatakot na atmospera na bumabalot dito, hindi ko alam na may nag e-exist pa rin pala na gubat na katulad dito. Teka... nasaan ba ako?



"Nasaan ako?" nagtatakang sambit ko at luminga-linga sa paligid.




Nasagot ang tanong ko nang may nagsalita na boses tulad ng aking nakasanayan.




"Maligayang pag dating sa lugar ng Liminous... dumiretso ka at makikita mo ang Alestria, lady."




Napatampal ako sa noo nang marinig ang bulong sa hangin ng isang pamilyar na boses.




"Dapat sinabi mong papunta pala rito ang nakita kong liwanang para naka iwas ako," sarkastiko kong sambit pero 'di na ito sumagot sa akin.




Luh. Iniwan agad siya, sanay na siya.




Nag lakad nalang ako habang lumilingon-lingon sa paligid. 'As if I have a choice' ani ng maliit na boses sa aking isipan. Ang creepy talaga, ilang minuto pa akong naglakad hanggang sa may nakita akong malaking gate. Napangiti ako at tumakbo nang makarating ay hingal akong huminto sa harap.




The Central Crest: Alestria Academy Book 1 [ONGOING]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن