Chapter 28

362 13 0
                                    

[Unedited]

Sweet gestures: Wild Rat





Inis akong umupo at ginulo ang buhok. Bakit nakalimutan ko 'yon? "Sa'n ako maliligo, master?" peke akong ngumiti sa kaniya.




Umirap muna ito bago inilagay ang towel na hawak sa gilid ng balikat at lumabas. "Follow me."




Napasimangot ako at lumabas din. 'Follow me' raw, e. Lihim akong namamangha sa dinadaanan namin, lumiko pa kami bago huminto sa isang pinto. Seriously? Hanggang saan ang abot nitong underground na ito?




"Come in... kukuha lang akong susuotin mo."




Aalis na sana ito nang hawakan ko ang kamay nito. Natigilan siya at napatingin sa kamay na hawak ko, napakagat naman ako sa labi at nahihiyang tumingin sa lalaki.




"Ahh, master... wala akong pamalit na underwear..." Yumuko ako para matago ang hiya sa katawan.




Sandaling natahimik ang lalaki bago tumikhim. "Use my brief and boxer," he casually muttered at iwinestra ang kamay na pumasok na ako. Tumango ako habang naglakad naman pabalik ang lalaki.





Binuksan ko agad ang pinto at sinilip ang laman nito. Napaawang ang labi ko habang naiwan naman sa ire ang kamay kong nakahawak sa hamba ng pinto.




Pinikit-pikit ko pa ang mata at bahagyang kinusot para makasigurado na totoo ang nakikita ko at hindi ilusiyon lang. Napahawak ako sa bunganga at pinigilan ang tumili sa saya. Nakapaloob kasi sa k'warto ang isang gubat, maliit lang ito at nasisigurado kong walang mabangis na hayop ang naroon maging ang mga delikadong hayop. Tanging ang nakikita ko lang ay damo na may malilit na bumaklak na iba't ibang kulay, mga malalaking bulaklak na hindi pamilyar sa akin, mga ibon, maliit na talon. It's look like a forest talaga! A beautiful forest full of beautiful view to be exact! Hindi rin nakalagpas sa mata ko ang isang hot springs sa gilid lang din. Hindi na ako nagulat kung paanong nangyaring nagkasiya ito sa isang k'warto dahil puno naman ng mahika itong lugar na pinasukan ko. Namamangha lang ako kung paano nito nagawang pagandahin ang lugar.





"EL, are you there?"




Hindi muna ako sumagot. EL raw eh... 'di naman EL pangalan ko. Panget naman ng tawag ng lalaki.




"EL... ara," ani nito na idiniin ang dalawang letra ng pangalan ko.




EL... hehehe. Maganda rin pala pakinggan.





"O-oh?"




"You're naked, already? Papasok ako."






Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan ito. Nagulat pa ang lalaki pero mabilis 'ding nakabawi at binigay sa akin ang susuotin ko.





"Babalik na ako roon, you already know the way.  Make it fast. "





Napairap ako at tumango nalang bago sinarado ang pinto. Tiningnan ko ang binigay na damit ng lalaki at napakagat ng labi nang makita kung ano ito.





"Plain T-shirt, brief and boxer." Bakit walang bra?






"I don't have any clothes rather than mine, 'di naman p'wedeng mag brief ka lang. Wala rin akong bra, makapal naman 'yang T-shirt na pinili ko. Bear with it, amica mea."





Napairap ako nang marinig ko nanaman ang lalaki na nagsalita sa isip ko. Paano nito nalaman na hinuhusgahan ko damit nito? Tsk, anong amica mea? Nakailang beses na nito sinasabi ang salitang iyan.





Hindi ko na lang pinansin ang lalaki at naglakad sa hot springs pero inilapag ko muna ang damit sa gilid, nagsimula na rin akong maghubad hanggang sa wala na ni-isang saplot ang natira.




Napasinghap ako sa sarap na dulot ng init ng tubig, nakangiti kong hinaplos ang bahagi ng aking katawan at isinandal ang likod sa makinis na bato. Tumagal ako hanggang kalahating oras bago tumayo at kinuha ang damit na pambihis. Hindi na a-apply sa akin ang 'make it fast' na salita. Pake ko sa 'yo Wrathrome.




Inikot ko ang tingin sa paligid upang maghanap ng towel at sa mabuting palad meron akong nakitang nakasampay sa pinakagilid. Kinuha ko 'yon at pinunas sa katawan bago sinuot ang dalang damit ng lalaki.





"Not good, not bad, either..." ani ko nang masuot ko na lahat nang binigay ng lalaki.




Ang plain T-shirt nito ay abot hanggang tuhod ko dahil malaki ito kumpara sa damit ko, ang brief at boxer naman nito ay napaka komportableng suotin, although naiilang ako. Totoo ngang hindi halatang wala akong bra dahil makapal ang T-shirt.




Lumabas na agad ako bitbit ang hinubaran kong uniform at ngingiti-ngiting naglakad pabalik. Pag pasok ko'y bumungad agad ang masamang tingin ng lalaki sa akin pero mabilis ding naglaho nang makita ang suot ko.




"It looks good," ani nito habang nakahiga. Ang kaliwang kamay nito ay nakatukod sa ulo niya habang nakaharap ito sa akin.




I didn't feel any shame at all, maganda naman ang katawan ko kaya confidence ako, balak ko ngang ipamahagi sa iba. Hindi ko na lang pinansin ang lalaki at inilagay sa gilid ang uniform bago ako humiga.




Pipikit na sana ako nang magsalita ulit ang lalaki. "'Wag ka diyan matulog, there's always a rat,  here."





Pagkarinig ko sa sinabi ni Wrathrome ay mabilis pa sa alas k'watrong kinuha ko ang unan at sumampa sa kama kung saan ito nakahiga.





"Ta-talaga?" Inilibot ko ang tingin sa kabuohang parte ng k'warto.





"Yeah... a big wild rat."




Umatras pa ako at idinikit ang katawan sa lalaki. I'm afraid! Nang bata pa ako'y kinagat na ako ng daga, it's painful. At hindi na ako uulit! Pero namatay din naman ang daga pagkakagat sa akin, now I know. Hindi kasi ako ordinaryong babae lang.




"Afraid?"




Hindi ako nakagalaw nang maramdaman kong pumalibot ang kamay ni Wrathrome sa bewang ko habang ang labi nito'y nasa bandang tainga ko. I immediately felt a familiar feelings everytime the man was near at me. His presence gives horror and debilitating to my knee, his hands give a strange feelings everytime it touches softly to my body.




"Master?" agarang ani ko.




"Hmm?"  Inamoy ng lalaki ang leeg ko at hinigpitan ang hawak sa bewang ko kaya napigil ko panandalian ang paghinga.




"A-ah ang be-bewang ko–" napapikit ako nang iharap niya ako "... hawak mo."




"You say you afraid..."




Napatigil ako sa sinabi ng lalaki at tumingin sa mata nito, ito ba dahilan kaya niyakap ako nito? Dahil takot ako sa daga?




"Ta-takot ako sa daga, oo. Pero, kailangan pa ba akong yakapin?" tanong ko sa lalaki at sinubukang umurong.



"No need to worry." Hinapit ulit ako nito pabalik at bumulong sa tainga ko. "I'm talking about myself, earlier. A big wild rat..."

The Central Crest: Alestria Academy Book 1 [ONGOING]Where stories live. Discover now