Chapter 15

588 31 1
                                    

[Unedited]

Discovered Place



"Elara? Elara... wake up..."




Napamulat ako nang may banayad na tumatapik sa balikat ko. Nilingon ko ito at nakitang si Hera ito na kasama si Arrilyn na ngumiti sa akin.





"Sorry... nakatulog ako."




"It's okay, let's go?" ani ni Arrilyn.




Tumango ako bago sila naunang lumabas, nilingon ko muna ang sulok nitong library bago naiiling na naglakad palabas. Bahagya pa akong nagulat nang bumungad sila Zienon, Eagel, Addi at ang kambal. Sumama pala ang mga ito.




Powta, ang alam ng mga ito natutulog ako dahil may sakit ako!




"Oh my gosh! Elara!"





"Fuck!"




A-aray, tangina... gusto ko lang namang magpanggap na nahimatay, bakit walang sumalo? Powta. Napaangat ang tingin ko nang may humawak sa braso ko at maingat akong inalalayan. Si Addi at iyong kambal pala, ano bang aasahan ko sa dalawa na pinanood lang kami?




"So-sorry... nahilo lang," ani ko.




"You should rest, don't push yourself," nag-aalalang sambit ni Arrilyn sa akin. Tumango lang ako sa kaniya habang kunwaring hawak ang ulo ko.





Mahahasa ang acting skill ko nito! Pero tangina. Literal na nagsisimula na talagang umikot paningin ko! Napalakas 'ata pag-untog ko sa pader na akala ko may sasalo.




"Elara!"






"Is she okay?"




"Probably, yes. Kailangan niya lang ng pahinga. Napalakas 'ata pagkaumpog niya sa pader..."




Muntik ng mapaikot ang mata ko buti na lang nga'y nakapikit ako. Nagising na lang ako na nasa komportableng kama na ako at malamang sa malamang sila ang nagdala sa akin dito.




"Let her rest."




Huli kong narinig ang boses ni Zienon bago ko narinig na tumahimik ang silid at pagsarado ng pinto. Siyaka ko pa lang minulat lang mata ko. Napabuntong hininga ako nang ilibot ko ang tingin, nasa kuwarto ko na ako. Isa namang katangahan ang nagawa ko sa sarili ko. Sinubukan ko na lang ulit matulog at hindi nga ako nabigo.





"Elara?" ani ng malamyos na boses.




"Hmm?" iminulat ko ang mata ko. Kanina pa talaga ako gising nakikiramdam lang. Bumangon ako at mabilis naman akong inalalayan ni Hera.




"Salamat," ani ko sa babae at ngumiti. Si Hera talaga iyong tipong mahihiya kang gawan ng masama dahil sa kunsensiya mo.




"Welcome, hatiran ba kita ng pagkain dito o sasabay ka sa akin ngayon?"




The Central Crest: Alestria Academy Book 1 [ONGOING]Where stories live. Discover now