Chapter 5

800 37 0
                                    

[Unedited]

Opportunity





"Don't stare at me like that I might melt."



Nabalik ako sa katinuan nang magsalita ang lalaki. Nag-init agad ang ulo ko sa sinabi nito. Hindi dahil sa kilig kundi sa inis, ashumera rin pala itong lalaking 'to.

Pero g'wapo.




"'Di ako nakatingin sa 'yo."




"Really? But I caught you staring at me intently," casual nitong turan sa malamig na boses. Sasagot na sana ako na nahuli ko rin siyang nakatingin sa akin kanina pero naunahan na ako ni Ms. Christine.




"Enough with both of you. Where here to tackle some important things... hindi para magpalitan ng salita at magsukatan ng tingin," striktong sambit niya sa amin.




Tumango nalang ako at umupo sa bakanteng upuan, tahimik lang din naman ang council.




"Elara Ariadne Aldelia meet the council; sila ang leaders dito at nagpapanatili ng kaligtasan ng Academy sa tulong ko na rin at ng mga professors.
They will also take good care of you and train you, so that you can learn how to use your power or ability correctly. I explained to them what to do, join them so that you can better understand the details. Don't worry, they won't do any harm to you, pinagsabihan ko na sila."




Napaawang ang labi ko at hindi nakapagsalita. I can't find a right words to uttered to them. Para akong napipilan at hinayaan lang magsalita si Ms. Christine sa harap namin ng walang pumapasok sa isip ko.





PAGKATAPOS ipaliwanag ni Ms. Christine sa amin ang lahat, sinabi niya na pwede na raw kaming umalis, sumama na rin ako sa council ayon na rin sa utos ni Miss Christine sa akin.



Sinundan ko lang kung saan kami pupunta hanggang sa tumigil kami sa magarang pintuan, sandali akong natigilan nang buksan ng isa sa kanila ang pinto. Isa pala itong dorm; malaki kaysa sa dorm namin ni Primrose. Pero hindi na dapat ako magtaka, council ang mga ito kaya dapat talagang magara ang dorm. Isa pa siguradong sama-sama ang mga ito rito, pang walo ako kung sakali, sinabi rin kasi ni Ms. Christine na ililipat daw ako sa dorm na ito para mas mabantayan. Hindi ko alam para saan, hindi naman ako gagawa ng gulo. Napatingin ako sa isang babae ng magsalita ito.




"Where here," sambit niya sa mahinahong boses. Naglakad ito at umupo sa mahabang sofa at sumunod naman rito ang isang babae.




Napatingin ako sa limang lalaki nang nagkaniya-kaniya ang mga ito na pumasok sa mga k'wartong nakasarado, nagkibit-balikat nalang ako.




"Hey, come here."




Napatingin naman ako sa babaeng tumawag sa akin, bahagya pa akong nagpalinga-linga upang masiradong ako nga talaga ang tinatawag niya, baka mamaya lumapit lang ako tapos iba pala ang kailangan, hindi pala ako. Ouch! Edi napahiya ako? Pero siguradong ako ang tinatawag dahil ako lang naman ang isa pang babae maliban sa dalawa. Mabilis akong sumunod sa sinabi nito at umupo sa pang-isahang sofa.




"So, Elara right?"




Simple lang akong tumango. Wala rin naman kasi akong sasabihin.




"I'm Arrilyn Cassha. Tawagin mo ako kung saan ka komportable," simpleng ngiti ang binigay nito sa akin.




Sinuklian ko naman bago iniabot ang kamay niya.  Nabaling ang tingin ko sa babaeng tumikhim, ngunit napatitig muna ako sa mata ni Arrilyn, una kong napansin ang golden-yellow nitong mga mata.



The Central Crest: Alestria Academy Book 1 [ONGOING]Where stories live. Discover now