Chapter 33

403 10 0
                                    

[Unedited]

Courtship Under Pride







Ngumiti na lang ako at tumango sa kaniya. Hinaplos nito ang buhok ko at hinalikan ako sa noo. Hindi na ako umimik pagkatapos, ang lalaki naman ay kumuha ng plato at kutsara para ipag-handa ako. Baka masanay ako, tapos iiwan lang din pagkatapos. Aray naman.




"Let's eat," sambit ng lalaki.



Tumango ako bago nagsimulang kumain. Sabay naming hinugasan ang pinggan dahil hindi pumayag si Wrathrome na ako nalang ang maghugas, ayaw din naman nito na ito lang. Gusto niya na sabay silang dalawa, demanding.






INAYOS ko ang pag-upo. Pareho na kaming nasa k'warto ni Wrathrome at nag-iisip ng una naming gagawing hakbang. Partner in crime raw kami dapat, napa-irap ako. 'Pag kaharap ang iba'y tinutubuan ito ng sungay, kapag kami na lang parang maliit na batang gustong magpalambing sa nanay niya.




"You're thinking about, what?" biglang tanong nito sa akin kalaunan.




Dumiretso ako ng upo nang may maisip. "You—I'm thinking about you."




Pinanood ko kung paano nagbago ang emosiyon sa mata  ng lalaki. Bahagyang nakataas ang kilay nito, at seryoso ngunit mababakas pa rin ang kislap sa mata. Baka may crush siya sa akin. Unfair, alam ko sa sarili kong mahal ko siya tapos siya crush lang? Lagi pa niya akong tinatawag na amica mea, feeling ko sweet endearment, s'yempre patulan ko na dapat. Kawawa naman kasi si Wrathrome kung hindi mapupunta sa akin.




"Stop that! Let's talk about our plan," sambit ng lalaki at inilihis ang usapan. Kahit pa'y alam kong nagustuhan nito ang sinabi ko. Ehe.





Napatango-tango na lang ako, magandang mag plano kami. I really need to know who's behind these shits. Killing innocent students, pinapag-away ang mga may ranggo, nililito ang bawat balita. Kung hindi lang sana paiba-iba ang nakakalap kong balita tungkol sa academy ay nakaraan ko pa sana nalaman ang puno at dulo nitong lahat.




Unti-unti ko nang napapagtagpi-tagpi lahat. Alam ko na ang tungkol sa angkan ng Alphamias, ang gusto ko nalang malaman ay kung bakit namatay ang mga ito. Namatay nga ba? That's why I will let Wrathrome do his plan and then boom, I will freely do what's in my mind.





"Nasaan ang dating library na nasunog? Is that placed still exist?" tanong ko pagkaraan ng ilang minuto.




"Yes, you can escape at midnight?"




"Hindi ba masiyado ng late iyon?" alanganin kong tanong sa lalaki.




Sumandal ito sa head board ng kama. "That's the only moment students won't see you walking down the corridor. We're good when you get out, I'm the strongest in the dark."




I bite my lower lip, trying not to chuckle. This man is something I can't get enough of. Masiyadong mayabang yet may katotohanan.




"Konektado ang abilidad mo sa dilim?" I mumbled, pretending that I know nothing.




Ang alam ko lang na abilidad ng lalaki ay telepathy and darkness, ngunit hindi ko alam ang iba pa nitong abilidad. Napag-alaman ko kasing dalawa o tatlo ang hawak na abilidad ng mga nasa council.





"Dark Dimension, to put it simply, teleportation using the dark dimension allows me to travel to some locations as long as the dark is present. Mas malakas ako sa dilim."




The Central Crest: Alestria Academy Book 1 [ONGOING]Where stories live. Discover now