Chapter 25

421 19 1
                                    

[Unedited]

Disaster




"Hi-hindi totoo 'yan... wala akong k-kasalanan..."




Paulit-ulit kong sambit habang nanginginig ang kamay sa takot. Unti-unti na ring naglandasan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.




"Hindi a-ako ang ma-may g-gawa niyan..." pangungumbinsi ko sa mga dismayadong nakatingin sa akin.




Nagsimula nang umingay ang paligid hanggang sa mapuno ng sigawan. Napahikbi ako at tumayo habang umaatras nang nagsimula na akong sisihin ng mga studyante. May iilang dinuduro ako, hindi nakalagpas sa aking mata ang pagwawala ng mga kaibigan ng babae at pagtangkang lumapit sa akin, mabuti nalang ay alerto ang mga professor at nagawang pigilan ang tangka ng mga itong paglapit.




Nangialam na rin ang council at pinigilan ang mga studyanteng nagsisigawan at nagtatangkang gawan ako ng masama.




"Elara! Takbo! Hahanapin ka na lang namin mamaya!" Sigaw ng isa sa kambal na hindi ko matukoy kung sino nang hindi na ng mga ito kayang pigilan lahat.




Naging hudyat 'yon para tumakbo ako palabas dala ang kabigatan sa pakiramdam. May mga nag tangkang sumunod ngunit gumawa si Professor Allardian ng barrier upang walang makaalis sa ground kundi ako lamang.




Nanginginig kong tinungo ang library habang walang humpay na tumutulo ang luha. Walang pumapasok sa isip ko kundi ang bangkay na naka higa sa ground at mga studyanteng ako ang sinisisi sa pagkamatay nito. Wala naman akong ginawa d-diba? H-hinarang ko lang ang kamay ko. Tama... hindi ako 'yon... makailang beses kong makukumbinsi sa sarili bago narating ang library.




Wala akong sinayang na oras at agad na pumunta sa secretong hagdan at siniguradong nasarado ang pader bago ako patakbong pumunta sa k'warto ng lalaki. Ito lang a-ang alam kong safe...




Pagkapasok ay sinarado ko agad ang pintuan at nanginginig na umupo sa gilid at siniksik ang sarili. Tinakpan ko ang bunganga para mapigilan ang paghikbi pero tuluyan akong napaiyak nang maalala ang posibleng mangyayari pag nakalabas na ulit ako. Hinilamos ko ang kamay sa mukha bago tinakpan iyon at doon umiyak.




"H-hindi a-ako... hindi ko magagawa iyon. Hindi a-ako."




Napakislot ako nang may humaplos sa ulo ko at itinaas iyon. Doon ko nakita ang lalaki na walang emosyong naka tingin sa akin. Nilukob agad ako ng takot at walang pagdadalawang isip na lumuhod sa harap nito habang humihikbi.





"Pa-parang awa m-mo na! Wag mo akong i-ibigay sa kanila! Please!" Hinawakan ko ang paa nito at doon lumuhod.




Hindi ko narinig na nagsalita ito na nanatiling nakatayo lang. Napahagulhol na ako sa takot... takot na pati ito'y maniwala na ako ang pumatay. Takot na paalisin ako nito at pagkaisahan pagkalabas. Takot na mamatay nang wala pang nagagawa para makaalis sa academy. Takot na 'di magampanan ang misyon na ibinigay sa akin.




Hindi ko ininda ang sakit ng katawan bagkos ay nanatiling nakaluhod. The scenario of death woman, wide-open eyes... looking at me... always entering to my mind. Hindi mapuknat ang kalabog ng dibdib ko habang paulit-ulit na nagmamakawa sa lalaki. Hindi ko na naisip ang dignidad ko pagkatapos lumuhod, masiyadong sarado ang isip ko para sa ibang bagay.




Napatili ako nang may humawak sa bewang ko. Sa takot na baka isa 'yon sa mga studyante ay sumigaw ako at nagpupumiglas habang inihahampas ko sa dibdib nito at binabaklas ang pagkakahawak sa bewang ko. Natigil lang 'yon nang nagsalita ang pamilyar na boses.




The Central Crest: Alestria Academy Book 1 [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon