Chapter 21

440 15 2
                                    

[Unedited]

Little Interaction






Iniligpit ko ang pinagkain pagkatapos ay tumayo na at saktong bumukas din ang pinto kaya napalingon ako roon.





"Done eating?" tanong ng binata matapos kong ligpitin ang tupperware.





"Yeah, patambay muna rito. Aalis din ako maya-maya, may klase pa kami..." imporma ko sa kaniya na tumango lang at kumuha ng susuotin.





S'yaka ko lang napansin na basa pala siya. Sa'n kaya ito naliligo? Para masilip ko... napailing ako sa naisip bago naglakad papunta sa kama nito at humiga.




"Your uniform."




Napalingon ako sa kaniya na naka upo na sa upuan na malapit sa drawer nito habang ang mga paa'y nakatanday sa kabilang gilid ng kama. Prente itong nakasandal habang nakatingin sa akin.





"Oh?" saad ko nang makabawi.





"You're belong to tres? Right?" tanong nito.





Wala sa sarili akong napatingin sa suot kong uniform. Hindi na ako nagtaka nang malaman ng lalaki, bawat rank ay may iba't ibang uniform. Sa tinagal na rito ng lalaki na alam kong nauna pa sa ito ay hindi na kataka-takang malaman nito iyon.





"Yeah..." ani ko nalang at ipinikit ang mata.




Hindi ko na narinig na sumagot ang lalaki kaya pinabayaan ko nalang. Baka umalis na ito dahil naiirita sa akin. Nagbabangayan kasi kaming dalawa pag paminsan-minsang binabara ko ito.





"Anong oras pasok mo?" tanong nito ulit kaya napakislot ako.





Nandito pa pala itong pesteng ito?





Akala ko'y umalis na ang lalaki dahil ilang minutong natahimik. "May kalahating oras pa. Training daw ngayon."





Isa pa 'yon sa inaalala ko. Kanina, bago umalis ang professor ay nag-announced itong may magaganap daw na training. Buwan-buwan raw itong ginaganap para malaman kung sino ang iaangat sa rank at malas ko dahil ngayong araw iyon. Physical training din pa naman, sabagay s'werte na rin ako roon dahil walang gagamit ng abilities.





"Are you okay with it? You look naïve and unsteady."




I glared at the man. Nakatitig pa rin ito sa akin tila nanghahamon ang mga mata nito kaya iniwas ko nalang ang tingin sa pamamagitan ng pag-irap. I can't stared any longer, hindi ko matitigan ng matagal ang lalaki dahil merong kakaiba sa mga titig nito na hindi ko masabi. Idagdag pa rito ang mata nitong  nakakatakot.





Well, I'm not scared anymore–but doesn't mean na padaskol ko nang itatrato ang binata. Marami pa akong kailangan dito, isa na ang makuha ang loob ng lalaki. Para sa planong aming nasimulan; dalawang araw na ang nakalipas. I need to act playful and normal, iyon na nga lang ang kailangan kong gawin sasablay pa ba ako? Hmm...




"I'm not okay with it, it's obvious. But I don't have any choice." Bumangon ako at umupo habang nakatukod ang dalawa kong kamay sa kama. "Isa pa, mag Tagalog ka nga."





Puro English, powta. Halos dumugo na ilong ko para masabing magaling ako sa English.





"Why? You're uncomfortable when you speak English?" saad nito.





The Central Crest: Alestria Academy Book 1 [ONGOING]Where stories live. Discover now