Chapter 40

388 6 4
                                    

Unedited

Elemento Ng Kalikasan; Pagsubok






KINABUKASAN, nagising ako sa paghalik-halik ni Wrathrome sa mukha ko. Sinamaan ko ito ng tingin nang magmulat ako ngunit napaigik sa sakit ng maramdaman ang kirot sa gitnang bahagi ko. Napansin ito ng lalaki kaya tumingin ito roon at minasahe ang gilid ko. Napahawak ako sa balikat niya at napapikit sa ginawa nito! Ano ba iyan! Masakit pa ang gitna ko, e.




"I massage it to ease your pain, amica mea..." akmang ilalapit nito ang mukha sa pagkababae ko nang sambunotan ko siya.




"Aw—stop! Amica mea!"




"Letse kang lalaki, umalis ka diyan. Naka-isa ka na kagabi, iisa ka ulit. Hala! Lumayas ka na at baka masapak pa kita. Kailangan ko ng maghanda," inis na inis kong sambit sa kaniya.




Ang lalaki nama'y naglalambing na pumantay sa akin at hinalikan ang leeg ko at labi. "High blood," ani nito at tumawa. Sinamaan ko siya ng tingin kaya napahinto ito.




"Hindi ka pa ba aalis? Magbibihis ako... pupunta na rin ako kay maestro."




"But your thing still hurt. I can talk to our maestro—"




"Tumahimik ka, walang magagawa ang pagkausap mo ni pagliban sa pagsasanay sa kalandian nating dalawa, kagabi." Tumayo ako ng dahan-dahan. Hindi na ito masiyadong masakit, kaya ko na kahit papaano.




"If you say so..." Tumayo rin ito matapos akong alalayan at ito na ang pumili ng susuotin ko para sa akin.




Tinulungan  ako ni Wrathrome sa pagbihis at binuhat ulit ako sa kama. Nang masanay ako sa sakit at unti-unti ulit nawala ang kirot ay tumayo na ako. Nakatingin lang ang lalaki sa akin.




"Tara na, umuwi ka na. Magsasanay na rin ako," ani ko at inabot ang kamay sa lalaki.




Nagkibit balikat ito at tumayo rin hawak ang kamay ko. Lumabas kami at naabutang naka-upo ang maestro sa bato, nakapikit. Sumenyas si Wrathrome na aalis na kaya tumango ako, hinalikan muna niya ng mabilis sa labi bago ito naglakad paalis.




"Handa ka na ba?" Tumango ako sa matanda. "Ang elemento ng kalikasan, lupa ay tiyak na dilikado at nangangailangan ng matulis at matinding pag-iisip." Tinuro nito ang gubat at kakahuyan. "Naglalaman ang gubat na iyan ng mga mababangis na hayop na makikita rin sa apat na bayan. Hindi sila nilalang na nabubuhay sa kabutihan, lahat sila ay iisa lang ang layunin. Ito ay ang kumain..."




Napalunok ako. Letse! Ayaw kong maging umagahan ng mga ito!




"A-ano ma-master pu-p'wede ba silang ka-kaibiganin?" gusto kong tanungin malay mo kapag naging kaibigan ko ang mga ito ay biglang umamo.




"Roar!"


"Awooo!"


"Shh!"



Marami pa kaming narinig kaya napaatras ako.





Tiningnan ako ng matanda habang naghahamon. "Kaya mo ba?"




Namumutla akong nakatingin sa gubat nang makita ang isang malaking liyon na nakatingin sa direksyon namin, tila naghihintay lang na umapak ang kung sino man sa teritorya nito.



The Central Crest: Alestria Academy Book 1 [ONGOING]Where stories live. Discover now