Chapter 24

394 18 0
                                    

[Unedited]

Distraction


Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Isa ito sa lalaban sa grupo namin pero 'di ko alam pangalan nito. Ako ba ang pinaparinggan nito? Nakatingin lang kasi ito sa gitna.




"Focus, magsisimula na."




Natauhan ako sa sinabi nito at tumingin sa dalawa na pumunta na sa harap. Inayos ko ang upo at tiningnan ang bawat galaw ng mga ito habang naglalaban.




Mabibilis ang bawat kilos at walang nagpapatalo pero sigurado akong may bibitaw din mamaya. Wala akong pinalampas na oras at inanalisa ang mga gagawin maging ang kalalabasan no'n. Hindi ko napansing ako na pala ang susunod na ilalaban sa sobrang focused.





Pasimple akong napahawak sa dibdib, kanina pa talaga ako kinakabahan. Kalmado naman ang mukha ko at pang labas na pakiramdam, pero may kakaiba akong kaba na nararamdaman.




"Let's welcome! The next participants... Kathelyn Amperssam and the newly comer Elara Aridne Aldelia. I'm sure it's exciting fight! We all curious whose gonna win!"




Hindi ko pinansin ang mga palakpak at kaniya-kaniyang cheer, sigurado akong para 'yon sa babaeng makakalaban ko ngayon. Tumikhim ako at tumingin kay prof. Allardian, tinanguan ako nito sinyales na pumunta na sa gitna. Kalmado akong naglakad habang nakatingin sa babaeng naka crossed arms at nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa habang naglalakad.




"Okay girls, position!"




MUNTIK na akong mapamura nang mabilis itong sumugod sa akin. Inilihis ko agad ang katawan ko at sinipa ito na mabilis ding umiwas. Sinipa ako nito sa gilid ngunit mabilis kong nasangga.




"A-aray..." mahina akong napaigik nang hindi ako naka-ilag sa suntok nito.




Napangisi ito pero mabilis na napawi nang-iikot ko ang paa nito na hawak ko at sinipa ang babae sa tiyan. Napaigik siya at masama akong tiningnan.




Bitch, it's painful isn't?




Susuntukin ko pa sana ito nang nasalo nito ang kamay ko at sinampal ako. Napahawak ako sa pisnge, p'wede pala 'yon? T-tangina? Physical training na may halong sama ng loob. Sinunod nitong inikot ang katawan ko ngunit ginaya ko lang ang ginawa nito at inikot din ang katawan. Sa huli, pareho kaming natumba at nag-unahang tumayo. Hindi ko pinansin ang tahimik na paligid at nag pokus lang sa katunggali ko.





Sinubukan ako nitong tadyakan ngunit mabilis kong isinangga ang dalawang kamay kinulong ko ang isa niyang paa at walang pasabing sinapak siya sa mukha.



Ahm! Tangina ka! Masakit ang sampal mo kanina.





NAPANGANGA ang karamihan sa manonood at nakalimutang sumigaw at pumalakpak dahil sa tension sa paligid. Nakatutok lang silang lahat sa dalawang babaeng naglalaban. Hindi maipagkakailang pareho itong magaling at may potential dahil pareho lang na nakakabawi sa isa't isa at parehong nagpapalitan lang ng mga suntok, sipa, tadyak, sapak at sampal. Maging ang ibang mga galaw nito ay pulido simula sa pag-ikot ng katawan, pagsangga at pag-iwas sa mga atake.




Sampung minuto na ang nakakalipas ngunit wala pa ring nagpapatalo at gustong magpatalo, pareho nilang gustong manalo.





SA kabilang banda, napangisi ang isa sa lalaking nanonood. Hindi nga siya nagkakamali, ang mga galaw nito ay may pagkakahawig sa pamilyar na lalaki sa kaniya. Impossibleng natural na galaw lang 'yon ng babae gayong hindi ito marunong. Bakit hindi niya napansin agad gayong may pagkakahawig ang dalawa? Lihim siyang natawa.




"Makakaganti na rin ako, sayo."







"Wala bang makiki-cheer diyan?!" maganang announce ng isang professor na may hawak na mike ng makabawi sa pagkabigla dahilan para umingay ang buong ground.




"Tanny, samahan mo ako. I want to pee!" saad ng isa sa member ng council nang makaramdam na kailangan niyang pumunta sa Cr.





"You can't hold a little longer, Arrilyn?" ani naman ng isa habang tutok na tutok sa dalawang babaeng naglalaban sa gitna.




"No please... bilisan lang natin. Naiihi na talaga ako!"




"You two are so noisy. Tsk, join her Hera..."




Wala ng nagawa ang isa kundi samahan ang kaibigan ayon na rin sa utos ng commander na tahimik kanina pa at nagmamasid sa paligid.




"Oh? Akala ko ba iihi ka?" tanong nito sa kaibigan nang mapansing hindi sa Cr ang direksyon ng pupuntahan nila.




Hindi nagsalita ang babae sa halip ay umikot ito at tumakbo kaya napatakbo rin ang isa.




"Anong problema Arrilyn? Anong nararamdaman mo?" sunod-sunod nitong ani.




May kakayahan ang babaeng maramdaman ang ano mang panganib na nasa paligid. Hindi na nagulat ang isa nang may bigla nalang itong hablutin na studyante at pabalyang isinandal sa pader.




"Who you?! What are you planning to do?!" nanggagalaiting sigaw ng isa.




Ngumisi ang babae sa mga ito. "Too late," sambit nito.





Parehong natigilan ang dalawang babae tumingin sa isa't isa nang na-realized ang ibig nitong sabihin nito. Pabalyang binitawan nila ito at nagmamadaling bumalik sa ground.




Danger!




NAPAIGIK si Elara nang hindi siya nakabantay sa tadyak ng katunggali kaya natumba siya at gumulong nang ilang hakbang sa babae. Sapo-sapo niya ang tiyan habang nakaupong nakatingin sa katunggali. Walang rules na ibinigay sa kanila, nasasakaniya kung susuko siya at sasabihing panalo ito. Hindi niya 'yon gagawin dahil para niya na ring inamin na wala siyang kakayahan o kayang gawin man lang.




Tumayo siya at ginantihan ito at tinadyakan sa tiyan. Namilipit naman ito sa sakit, sinaman siya nito ng tingin habang ngumisi naman siya sa babae. Susugod sana ulit siya sa babae nang may mapansin siyang naglalakad sa gilid.




Kampante itong naglalakad habang nasa daan ang tingin hanggang sa lumabas ito sa training ground at nakangisi siyang nilingon bago ulit nagpatuloy sa paglalakad. Umawang ang labi niya nang mapagtanto kung sino ito, pa-paanong n-nandito ang dalaga? Namamalikmata lang ba siya? Ngunit sigurado siyang ang babae iyon!





"Elara!"





Nanlaki ang mata niya nang tumingin siya sa kalaban niya at makitang may hawak itong ano mang bagay na umiilaw, wala 'yon sa rules!




Wala na siyang lakas para sanggain ito at hindi pa siya handa sa atake nito. Imbes na umiwas ay hinarang niya nalang ang dalawa niyang kamay at wala sa sariling napasigaw, kitang-kita niya ang liwanag na tila panang pabulusok sa kaniya pumikit siya nang mariin.




"Aaahhh!"




DAHAN-DAHAN akong napamulat nang may marinig na malakas na tunog ilang minuto na nakakalipas. Nagtataka akong walang nangyari sa akin at inilibot ang tingin sa buong ground at napakunot ang noo nang mapansing lahat ng mga ito ay natigilan, may ibang napatayo at karamihan ay gulat na napaatras habang nakatingin sa likuran ko.




Wala sa sariling napaatras din ako nang lingunin ang likuran. Nanginginig kong tiningnan ang sariling kamay habang wala sa sariling napahawak sa labi kong nanginginig.





"An... anong nangyari? H-hindi ako may ga-gawa niyan..." Umatras ako nang umatras hanggang sa natalisod kaya natumba ako sa sahig.




Hindi ko inalis ang tingin sa babaeng wala nang buhay at dilat ang matang nakatingin sa direksyon ko.




H-hindi ko ma-magagawang pumatay...



The Central Crest: Alestria Academy Book 1 [ONGOING]Where stories live. Discover now