Chapter 4

899 33 0
                                    

Unedited

Council




IYAN ang huli niyang sinabi sa akin. Sinabihan niya akong wala na raw akong magagawa kundi mag-aral dito. Dahil dito raw ako naka tadhana... napaka lalim naman.



Binigay rin niya ang susi ng dorm ko, at sinabing doon muna ako pansamantala habang hindi pa dumarating ang mga ka-roommates ko.




Bagaman hindi ako sanay at hindi pa tuluyang napo-proseso ang mga nangyayari ay pinili ko nalang na manahimik at sundin ang mga sinabi ng matandang babae na iyon sa akin.



Para saan pa ang pagtutol ko? Tiningnan ko naman ang binigay nito sa akin na mukhang papel na luma pero malawak pa kaysa sa ordinaryong papel. Inshort mapa.



Wala pa akong studyanteng nakikita o nakaka salubong man lang, marahil nando'n pa sila sa kaniya-kaniya nilang dorm, maaga pa raw, e. Tiningnan ko ulit ang papel na hawak ko at dumako ang tingin sa kung saan na parte nito tinuro ang magiging dorm ko. Umikot ako tulad ng nakalagay sa mapa.



"Gotcha!" impit akong napatili nang nasa harapan na ako ng nasabing dorm. Makakapagpahinga na rin.



Mahina akong kumatok at naghintay nang magbubukas. Ilang minuto pa akong naghintay bago ito bumukas.




Bumungad sa akin ang babaeng may salamin na nag tataglay ng nakakaakit na berdeng mata. Sandali akong natigilan nang biglang kumirot ang dibdib ko kaya pasimple ko itong hinawakan. Napatitig din ako sa mata nito, muntik ko ng makalimutang wala ako sa mortal na mundo. Mortal kasi immortal mga nandito...




"Ikaw ba ang pansamantala kong dormmate na sinasabi ni Ms. Christine?"



Napakurap kurap ako, maging sa pagsasalita niya'y mahinahon.



"Ah... oo," maikli kong turan.




"Pasok ka," sambit niya at umurong ng kaunti para maka pasok ako.




Mabilis naman akong pumasok at nilibot ang tingin sa dorm. Nabaling lang ulit ang tingin ko sa babae ng magsalita siya.




"I'm Imara Primrose Medira, nice to meet you, a?"



Pakikipagkilala nito sa akin at inabot ang kamay para mahawakan ang kamay ko. Wala sa sarili akong napatingala nang sa pakiramdam ko'y ilang bultahe ng kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan kasabay ng paglitaw ng malabong mga imahe at boses.




"Bakit ako?!"

"Sigurado ba kayong gagana ang plano?!"

"Ako?! Magpapanggap na isa sa kambal?! Ngunit alam niyo namang 'di ko kayang kalabanin ang aking ina at mga kapatid!"

"Wala na tayong oras... Ms. Duxtros."

"Siya? Makikipagtulungan ako sa babaeng ito?"

"Bakit? Ayaw mo, napilitan ka? Well, sorry. Hindi rin ako makikipagtulungan sa iyo kung hindi ako kinausap ng nakakataas."





Nabalik ako sa katinuan at habol hiningang napaupo. A-ano... a-ano iyong na... nakita ko? Bakit m-may ganoon? Si... sino sila? Napatingala ako sa babaeng kampanti lang na nakatayo habang nakatitig sa akin.



The Central Crest: Alestria Academy Book 1 [ONGOING]Where stories live. Discover now