Chapter 2

1.3K 37 0
                                    

Unedited

Hoodie Man


Nginitian niya muna ako bago ito nag paalam at umalis. Bumalik naman agad ako sa loob para makapag bihis ng komportableng susuotin.



Ang trabaho namin ni Ashley dito sa probinsya ay pag bibinta ng gulay sa palengke. Mahirap pero kailangan naming gawin 'yon, may mga magulang pa naman si Ashely pero gusto niyang makatulong sa mga ito kahit na may pagka-istrikto ang papa niya. Pareho kaming hindi naka pag tapos ng kolihiyo sa edad na beinte.




LUMABAS na agad ako at sumunod kay Ashley, tulad ng napag-usapan. Paniguradong nag hihintay ito sa akin sa bahay nila Aleng Lennie. Hindi nga ako nag kamali nang matanaw ko ito na kausap si Aleng Lennie sa harap mismo ng bahay nito.




Naramdaman 'ata ni Ashley ang prisensiya ko kaya humarap ito sa direksyon kung nasaan ako, nang makita niyang palapit ako ay mabilis itong kumaway kaya napatingin din sa direksyon ko si Aleng Lennie.




"Magandang umaga Ash, Aleng Lennie. Pasensiya medyo natagalan," ani ko nang makalapit ako sa kanila.




"Ayos lang iha, ngayon na ba kayo mag titinda ni Ashley?" balik namang tanong ng matanda sa akin na mabilis ko namang sinagot.





"Opo, Aleng Lennie. Para marami kaming matindang mga gulay diba, Ash?" Binaling ko ang atensiyon kay Ashley at tulad ko ay mabilis ding sumagot ang babae.




"Oo nga Aleng Lennie, saan na ba ang ititinda namin?" tanong ni Ashley sa matanda.




Tinawanan niya muna kami bago ibinigay ang mga ititinda naming gulay sa palengke. Kumukuha kami sa matanda ng gulay o mas madaling sabihin na tinitinda namin ang mga gulay niya at binibigyan lang kami ng pera pag nabinta na lahat. Umalis din kami ni Ashley para ibenta ang mga gulay kalaunan.




Mahabang oras din ang ginugol namin para mabinta lahat bago ito naubos, pag katapos bumalik kami sa bahay ni Aleng Lennie para ibigay ang pera sa kaniya.





Nangmakadating ay kumatok si Ashley pero hindi binuksan ni Aleng Lennie ang pintuan na rati naman ay ilang katok palang, 'ngiti na agad ng matanda ang bubungad sa amin.




"Aleng Lennie! Naka-uwi na po kami!" Sigaw ni Ashley sa pintuan pero wala paring sumasagot. Nalipat ang atensyon namin nang may mag salita sa likuran.




"Si Lennie ba kamo? Ay wala s'ya diyan mga ineng... nakita ko s'yang pumunta sa gubat. Marahil ay dadalawin n'ya roon ang mga alaga n'ya," turan sa amin ni Aleng Flora na kapit-bahay lang din ng matanda. "Sige maiwan ko muna kayo."




"Sige po, maraming salamat ho Aleng Flora," magalang na sabi namin sa matanda na tinanguan lang kami bago tuluyang pumasok sa katabing bahay na tinutuluyan nito.




"Ano na gagawin natin n'yan? Siguro mamaya pa babalik si Aleng Lennie," ani naman ni Ashley sa akin. Bakas sa tono nito ang pag-aalala.




"Okay, umuwi kana. Ako nalang pupunta kay Aleng Lennie, baka hinahanap kana ng mga magulang mo."




"Sigurado ka Elara? Sasama nalang ako sa'yo... delikado ang mag-isa sa gubat!" pag vo-volunteer pa niya sa akin pero s'yempre hindi ako papayag.




The Central Crest: Alestria Academy Book 1 [ONGOING]Where stories live. Discover now