Chapter 44

267 10 0
                                    

Unedited

BEST LEADER

Nilingon ko kung sinong tumabi sa akin sa paglalakad at nakitang ang grupo ko iyon. Nasa likod naman ang natirang grupo. Sampong grupo, kada-grupo ay may limang mga miyembro. Paano ko mapoprotektahan ang apatnapu't siyam kong mga kaklase? Ni-sarili ko nga hirap akong protektahan.


Ilang oras din kami naglakad hanggang sa marating ang bungad ng Erephoria. Kaysa sa dalawang nayon maliban sa Liminous, ang Erephoria ang mas ligtas na bayan. Bukod pa roon, ito ang pinakamalapit kaysa sa dalawang nayon. Kaya rito ko naisip na magpahinga, ngunit hindi kami ligtas dito pagdating ng electus mors.


"Dito muna tayo pansamantala," ani ko at umupo sa malaking bato.

Sumunod naman sila bagaman ang karamihan ay may reklamo.

"Bakit tayo tumigil dito?"

"Paano kong abutan tayo ng electus mors?"

"Wala pa talaga siyang alam sa mga ganito."

"Puwede bang manahimik at sumunod na lang kayo? Mga wala rin naman kayong ambag at puro lang reklamo."


Lihim na pinasalamatan ko kung sino man ang babaeng nagsabi noon sa kanila na naging dahilan ng pagtahimik ng mga ito.

Gamit ang bag na dala ni Cody ay kinuha ko roon ang list ng bawat miyembro maging ang abilidad na meron ang mga ito.

10 Healers
5 Super hearing
5 Electric ability
1 Invisibility
2 Super Strength
1 Clairvoyance
1 Psychometry or psychoscopy
4 Teleportation
1 Telekinesis
3 Camouflage
1 Levitation or transvection
2 Shape shifting
1 Telepathy
3 Mind control
1 Energy manipulation
1 Enhanced memory
2 Regeneration
3 Super Speed
2 Mediumship or Channeling
1 Energy Vampire


Sinunod kong binasa ang mga pangalan nila.

Sylvia
Sylvaine
Sphere
Chasspien
Calixta
Celine
Cynthia
Yzaia
Achie
Kade
Alondra
Fabian
Reignne
Lesley
Farnkly
Hariem
Kenzly
Ruka
Leo
Ellesiea
Rainie
Veronica
Elaine
Chrestinie
Zyna
Rhona
Alice
Lucas
Elaiza
Ariel
Anika
Mikey
Arvi
Aushia
Devonne
Eula
Quinn
Cody
Inca
Ivy
Aviko
Berry
Ziena
Hamida
Jeazell
Nevie
Alaiza
Nerry
Sarreah



Napatango-tango ako. May tiyansang maraming makaligtas ngunit mas malaki ang tiyansang malagasan ng mas marami. Malalakas ang abilidad na meron sila ngunit alam ko na halos lahat ay hindi pa kabisado dahil hindi sila ang 'main user' kumbaga na inherit lang nila ang abilidad na meron sila dahil sa lahing kanilang kinabibilangan. Sa ganitong sitwasiyon anong maaaring magawa ko? Napakuyom ko ang kamao ko bago tumingin kay Aviko.



"May ilang oras na lang tayo bago ang electus mors?"



"We have 5 hours."



Napamura ako. Hindi sapat ang five hours para lang sa paghahanda! Nakatayo ako ng may maisip.



"Kayo lahat, lumapit kayo rito. Wala ng oras." Lumapit naman ang iba habang ang iba ay nanatili kong saan sila.



The Central Crest: Alestria Academy Book 1 [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon