Chapter 36

378 11 0
                                    

[Unedited]

A reason







PAGKATAPOS ng nangyari kanina ay naging tahimik ang buong klase hanggang sa dumating ang oras ng uwian. Tatayo na sana ako nang humarang sa akin ang isang babae, nasa likod naman nito ang isa.




Nangunot ang noo ko sa babae habang nahihiya naman nitong tinaas ang dalawang kamay niya tila pinipigilan ako sa tangka kong pag-alis.




"M-may kailangan ka?"




"Ano... i-iyong s-sa grupo natin. Napag-usapan kasi na-naming sabay na m-mag lunch, ka-kailangan ninyong sumama ni Ivy—" Umatras ito at umiwas ng tingin nang magtama ang tingin namin at hindi tinapos ang gustong sabihin nito.





"Takot ka sa akin?" mahinahong tanong ko na ikinatango ng babae, "pangalan mo?" dugtong ko.




"A-Aviko Yiena Reuxdemel, ano... Avi o Aviko nalang." Nakipagkamay ito sa akin, tinanggap ko naman ito.




Nilingon ko ang kasama nito sa likod, tinaasan ako nito ng kilay at umirap bago naglakad palabas.




"Ka-kaibigan siya ni Avy," sambit ni Aviko na ikinabalik ng atensiyon ko sa kaniya. Tumingin ulit ako sa likod ng babae na naglalakad. "Siya si Inca."




"Kaya naman pala," ani ko na nakatingin pa rin sa dinaanan ng babae. Nilingon ko ulit si Aviko, "pupunta ako sa faculty. Susunod lang ako sa cafeteria."


BUMUNTONG hininga ako ng matapos marating ang pinto ng faculty. Bubuksan ko na sana ang pinto nang marinig ang usapan sa loob.





"You know what will happen if your ability leaks, so you shouldn't do that!" ani ng boses. Tiyak kong boses iyon ni Professor Allardian.




"Come on uncle, I haven't done anything yet, and I won't do THAT thing," turan naman ni Ivy tila may pinupunto.




Uncle ni Ivy si professor Allardian? 'Di nakakapag-taka. Pareho sila ng ugali. Hinintay ko nalang na matapos ang usapan ng mga ito at sumandal nalang sa pader..




"Whatever!"




Narinig kong turan ng dalaga kaya tumayo na ako ng maayos. Bumukas ang pintuan at lumabas si Ivy, napatigil ito at bahagyang nagulat nang makita ako ngunit tumaas ang kilay kalaunan.




Hindi ko ito pinansin at naglakad papasok, gumilid ako ng bahagya para magkasiya dahil nakaharang pa rin ang babae sa pintuan.




"Excuse me," ani ko at sinarado ang pinto.





Nilibot ko ang tingin sa buong silid ngunit tanging ang lalaking professor lang ang naroon.




"Yes, Ms. Aldelia? Do you need anything?"




"Ah, si professor Alychie po. Nasaan na po siya?"




"Oh, may kinuha lang. Pabalik na rin naman siya, hintayin mo nalang."




Tumango ako at umupo sa gilid. Inilibot ko ulit ang ang paningin sa buong faculty, wala namang kakaiba. Puro mga papel at mga bagay na natural lang na kagamitan ng isang nagtuturo.


"Are you recovering from what happened, last week?"




Napukaw naman ng professor ang atensiyon ko. Nakapamulsa itong nakatingin sa akin habang nakasandal sa unahang bahagi ng table nito.




The Central Crest: Alestria Academy Book 1 [ONGOING]Where stories live. Discover now