Chapter 18

456 20 2
                                    

[Unedited]

Vanished Memory: Alestria


"Are you sure, ikaw ang may gawa nito sa sarili mo? Did someone bully you here?" tanong ni Theseus sa akin, mahihimigan ang seryoso nitong boses tila handang sumugod sa kung sino kapag sumagot ako ng 'oo'.



Tumango lang ako. Mukhang hindi ito kumbinsido pero hindi nalang ito nagsalita. Pagkatapos ng nangyari sa akin ay dumiretso na agad kami sa dorm, sakto namang 'andoon na rin ang mga ito. Napag-alaman kung isa sa abilidad ng kambal ang kakayahang paggamot sa mga sugat, pasa at iba pang may kinalaman sa paggagamot. They're the royal healer.



"Are you fucking stupid? Sinong matinong babaeng sasaktan sarili niya?" pabalang na saad ni Zienon.



Napairap ako. Pakialamero talaga. Sinuway naman ito ng iba pero umirap lang ito.



"I'm not stupid as you are. I like hurting myself, it's make me thrilled. You have a problem with that?" Nakataas ang kilay na ani ko sa lalaki.



Umawang ang labi nito. May gusto itong sabihin pero pinili nalang na hindi magsalita at tiningnan ako ng masama. Nilabanan ko ang tingin nito at bahagyang itinaas ang kilay. Mabait ako, pero hindi ibig-sabihin noon magpapaapi na ako sa mga katulad ng lalaki. I'm done handling their attitude... at isa pa, wala sa rules na binigay sa akin na 'di ko sila puwedeng labanan...



"It's okay now, it takes a minutes para tuluyang gumaling. 'Wag muna ulit sasaktan ang sarili mo Elara," pangangaral ni Theron sa akin..



Tumango ako at nagpasalamat sa lalaki maging sa iba pang naroon bago nagpaalam na papasok na sa k'warto. Hindi ko pinansin ang nakasunod na mga tingin habang naglalakad ako.  Excited kong malaman ang iba pang laman ng librong nasa akin ngayon! Kailangan kong malaman kung anong pagkakaiba ng librong nasa akin at librong nasa silid-aklatan. Kahit pa alam kung ito ang tinutukoy kanina sa pagpupulong... play dumb as many black chess where eyeing me...



Sinarado ko agad ang pinto pagkatapos ko pumasok at inilabas ang libro na nakatago sa damit ko. Nagtungo ako sa kama at dumapa roon. Bago ko binuklat ang librong hawak.



Nangunot ang noo ko. Tulad nga ng una kung buklat, karamihan sa pahina ay sunog na at hindi na mabasa. Binuklat ko nalang iyon ng binuklat. Lumalim ang gitla ng noo ko at napahinto. Mga listahan iyon ng mga bagay na wala rito makikita kundi nasa mortal na mundo. May nakita rin akong iilang Ingles na salita. Ito nga ang tinutukoy ng babae. Akala ko'y tungkol ito sa mga guardians? Bakit may mga ganito rito? Binuklat ko ulit ito ng binuklat pero pagdating ko sa gitna ng kalahati at dulo ay wala na itong laman.



'Yon lang na bahagi ang buo pa ngunit wala naman itong sulat. Ibabalik ko na sana nang may mapansin sa huling bahagi kaya binuklat ko ulit ang pahina.




Alphamias Academy
Tagapagtatag: Liminous Alphamias
Inilathala noong: Desyembre 20, ****



Listahan Ng Mga Konseho Batay Sa Henerasyon



Ika-unang Henerasyon ng Konseho

Pinuno: Liminous A.

Miyembro:
Christine Thavarian
Allardian Kamarione
Haladina Alychie
Morpheus Avenido
Ajax Salvistre


Ikalawang Henerasyon ng Konseho

Pinuno: Serenious A.

Miyembro
Wrathrome Vilnestore
Alestria Alphamias
Zienon Blake Vilnestore
Eagel Blythe Elatech




The Central Crest: Alestria Academy Book 1 [ONGOING]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن