Chapter 10

709 38 4
                                    

[Unedited]

The Revelation

Nagliwanag naman ang mukha ko sa sinabi nito. Wala akong sinayang na pagkakataon at pumayag agad. Ikinuwento nito sa akin na napadaan lang daw siya nang makita ako sa talon, inutusan daw kasi siya ng lola niyang maghanap ng halamang gamot. Marami raw ritong nakatanim na iba't-ibang gamot pero dilikado kung 'di mo kabisado ang pasikot-sikot. Tinanong ko siya kung hindi ba siya natatakot na mapahamak na ikinailing lang nito matagal na raw kasi niyang ginagawa ang pagkuha ng mga gamot kaya sanay na siya.


"Bakit mo nga pala kailangang kumuha pa rito ng halamang gamot kung may nagbibinta naman noon sa bayang sinasabi mo?" nagtatakang tanong ko.


Natigilan naman siya. Nabanggit niya kasing dito rin kumukuha ang mga nagtitinda sa bayan nila para ibenta. Pinakita niya sa akin ang supot na nakatali sa bewang niya.


Hindi ko iyon nakita kanina, a?


"Ito ang halamang gamot na sinasabi ko sa 'yo. Bihira lang ito rito kaya pahirapan sa pagkuha dahil na rin sa isa itong orihinal at walang mahikang gamot," sambit niya sa akin at itinaas ang...


Origano?! Marami n'yan sa probinsiya, e!


"Ano bang sakit ng lola mo?" mahinahong tanong ko rito habang hindi pa rin maalis ang tingin sa origano at sinusubukang i-proseso ang mga sinabi nito.


"Ubo."


Naiiyak kong binalingan ang babae, habang takang-taka naman ito sa naging reaksyon ko. "Bakit?" nakakunot ang noo na turan nito sa akin at may inosenteng tingin.


"Wala..." makailang beses akong umiling-iling. Sinubukan kong isipin ano bang mali sa origano... talaga namang gamot iyon sa ubo. Pero bakit gusto kong tumawa?



Napatingin ang babae sa akin nang kumawala ang 'di ko mapigilang tawa pero ngumiti lang ako sa kaniya at sininyasan siyang magpatuloy na sa paglalakad habang ako'y napakamot sa sintido at sumunod sa kaniya. Walang hiyang origano...



NAPASINGHAP ako at umawang ang labi nang makarating kami sa tinatawag na Serephoria na isa sa mga bayan. Ang ganda rito! Inilibot ko ang tingin ko at nanlaki ang mata nang may makita akong nagpapalutang ng mga bagay, maging ang mga mahika na ginagamit sa pag pipirya ay nasaksihan ko! Hindi na talaga ako makakatakas sa mundong ito, totoo ngang normal lang dito na may kapangyarihan o kakayahan.


Maraming tumitingin sa amin habang naglalakad. Ang iba'y takang tumitingin sa akin marahil ay iniisip ng mga ito kung bakit ngayon lang ako nakita rito. May iba namang titingnan ako mula ulo hanggang paa at pagbubulungan.


Pachismiss.


Napakunot ang noo ko nang nalampasan namin ang panghuling bahay bago pa ang gubat, tama ba ang daang tinatahak namin? Akmang tatanungin ko na sana iyong babae ngunit tila kompiyansa itong tinatahak ang daan kaya hinayaan ko na lang at sumunod sa kaniya. Pumasok kami sa gubat at ilang saglit lang ay huminto kami sa 'di kalakihang bahay.


Bahagya pa akong nagulat nang may sumalubong sa amin na matanda. Ito siguro ang lola na tinutukoy ni— hindi ko pa nga pala natanong ang pangalan niya.


"Selene! Natagalan ka 'ata apo?" saad nito at sinalubong ng yakap ang babae.


Selene pala pangalan niya, ang ganda naman... napatayo ako ng tuwid nang dumapo ang tingin ng lola nito sa akin.


The Central Crest: Alestria Academy Book 1 [ONGOING]Where stories live. Discover now