CHAPTER FORTY - NINE

Start from the beginning
                                    

"Kung labag sa loob mo ang gamutin ako... puwede ka naman magsabi. Ang sakit kaya!" Aniya na animong batang nagrereklamo. Hindi ko tuloy napigilang pagtaasan siya ng kilay.


"Ay aba! Sino ba kasing nagsabi sa 'yong makipagsuntukan ka? Ayan tuloy napala mo. Tapos magrereklamo ka? Eh malamang masakit talaga..." Dinampian ko muli ang pasa na mayroon siya na ikinareklamo muli niya. "Ano? Sa susunod kasi habaan mo 'yung pasensya mo! Kung hindi ka nakipag-away, hindi mo sana nararanasan lahat 'to!"


Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tila frustated kong tono. Sumama tuloy ang tingin ko nang mapansin ko ang nakatitig na mata ni Adriel. Ano namang iniisip nito?



"A-Anong? Bakit ganiyan ka makatingin---------."



"I'm sorry! Mukhang pinag-alala pa kita," seryosong sabi niya.


Nanlaki naman ang mata ko. "H-Hoy! Anong nag-aalala? Kapal mo ah. Hindi kaya," pagdedeny ko.


Tumango-tango siya. "Okay. Sabi mo eh." Napakunot ang noo ko nang may malungkot na tono ang pagkakasabi niya at bahagya pang yumuko.



"A-Ano---Hoy! Napano ka na d'yan? Angat mo nga mukha mo! Hindi ko magamot..." I held his chin up ngunit ang bwiset, mukhang balak pa akong pahirapan. "Ano ba, Adriel! Parang sira naman oh. Kapag ako nainis, iiwan kita dito't ikaw papagamutin ko sa sarili mo!"


"Go," mahinang sagot niya. "Naiintindihan ko naman kung ayaw mo akong gamutin. Napilitan ka lang kaya ka nandito. Bakit pa nga ba ako aasang mag-aalala ka sa 'kin? Hay Lia! Hindi pa ba ako nasanay?"


Anak ng... Naalog ba ulo nito kaya ganito umasta?  Para siyang ano... para siyang nagpapasuyo. Like what the hell? This is not him ha.


"Alam ko naman na kahit mas malala pa ang abutin ko... syempre hindi ka pa rin mag-aalala. Like sino ba naman ako? Kaya sige na, kaya ko na 'to..." Napataas naman ang kilay ko nang subukan niyang agawin sa 'kin ang bulak ngunit inilayo ko. "Ano ba? Akin na 'yan. Kaya ko naman."


"Malakas ba pagkakasuntok ni Claude kaya ganito ka umasta?" Umangat naman ang tingin niya at sinamaan ako ng tingin. I know you're just playing along, Adriel. Sasabayan kita. "Akala ko pa naman mas malakas naging suntok mo sa kaniya but it turns out-----"



"Bulagta nga 'yung magaling mong ex," bigla'ng aniya sa may pagyayabang na tono.


"Ows? Bakit parang napuruhan ka pa yata? May pa 'Like sino ba naman ako?' ka na ring nalalaman..." Sinubukan kong gayahin ang sinabi niya kanina na mas ikinasama ng tingin niya. "Oh ano? Bakit mo 'ko tinitingnan nang ganiyan? Kasi totoo----"



"Gusto ko lang naman marinig mismo sa bibig mo na kahit papaano, nag-aalala ka sa 'kin," inis na pagrereklamo niya.



Napatigil ako nang bahagya sa mabilis niyang sinabi. Bakit naman umamin agad 'to. Pagtitripan ko pa nga eh.


"But it turns out you're really not------"



"Ano pa't nandito ako kung hindi naman pala ako nag-aalala?" I cut him off. "Hindi mo ba naisip na kung wala akong pake sa 'yo, kanina pa lang mismo bago tayo pumasok, hinayaan na sana kita..." Nakita ko ang bahagyang pag-irap niya na ikinangisi ko nang bahagya. "I'm worried, okay? Hindi man halata pero nag-alala ako sa 'yo."


Mabilis akong napasinghap nang mabilis niyang inilapit ang mukha niya sa 'kin. Mabilis kong iniharang ang kamay ko upang hindi tuluyan maglapit ang mga katawan namin.


"You really made me do that cringe things and words first bago ka umamin ha. Mahirap bang magsabi na lang agad at huwag na ideny?" Tila naiirita niya pang sabi.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 20, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Heartbreaks Cure (SIGHTSERIES#2)Where stories live. Discover now