CHAPTER SEVEN

16 2 0
                                    

C-7


"Ate? May ginagawa ka po?"





Napatingin ako sa pinto nang marinig ko ang boses ng kapatid ko. Agad akong tumayo upang pagbuksan siya. Nakita kong may dala siyang laruan at mukhang balak niyang maglaro rito sa kwarto ko.






"Play as long as you want here, it's okay." I come closer to give her a peck of kiss. Tumango naman siya at dumiretso na sa kama.







Wala akong pasok ngayon at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Until now, hindi pa rin kami nakakapagusap nila Raylene at Molly. Dalawang araw na kaming hindi nakakapagusap. Bukas ay may pasok na naman.





As what my parents said, umalis din naman agad sila after nilang makipagusap sa lalaking isa pa sa nagbibigay problema sa buhay ko.




Ang gulo niya!






"Ate?" Lea called me in a small voice.





Napatingin ako sa kaniya na naglalaro pa rin. Napaisip man pero hinintay ko siyang magsalitang muli. Akala ko nga'y trip niya lang akong tawagin pero nagkamali ako.






"Are you mad at mommy and daddy?" She asked innocently which made me stunned a bit.





Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto kong magsabi ng oo pero alam ko namang magiisip lang si Lea. Gusto kong umoo pero alam kong malulungkot siya kung 'yon ang isasagot ko.





"I-I'm not, Baby. Why?" Napalunok pa 'ko just to make sure na hindi niya mahalata na nagsisinungaling ako.





Inangat ni Lea ang tingin niya at binitawan saglit ang mga laruan niya. She was looking at me so seriously so I averted my gaze a bit.





"You're lying, Ate," siguradong sabi pa nito.





Bumalik ang tingin ko sa kaniya? "What makes you think than I'm lying?"





Hindi ko ipinahalata ang emosiyon ko para hindi niya malaman. I don't want her to worry about what I feel towards our parents. Mas gusto ko pang kimkimin ang nararamdaman ko kaysa marinig niya pa dahil ayokong makaapekto 'yon sa kaniya.






Lumapit siya sa 'kin upang magpakandong sa 'kin. Humarap siya sa 'kin na may nanunuring tingin. She's being an observant again.






"Base on your eyes, Ate. It's really easy for you to tell a lie using just your mouth but it also easy for me to know if you're lying base on the emotion of your eyes."






Wala na 'kong nagawa kun'di ang tumango na lang dahil halata namang hindi ako makakapagsinungaling sa kapatid ko.





"Is it that bad to feel mad? Or to feel any negative feelings towards them?" I took a deep breath, asking her curiously. Mukha pa 'kong siraulo dahil mas bata pa sa 'kin ang pinagtatanungan ko.





She smiled. "No po, Ate. It's a normal emotion for all humans. Nagiging bad lang po kung nakakagawa na po ng bagay na masama dahil sa sobrang galit."





Napangiti ako, naiintindihan ang sinasabi niya. It's just that... I didn't expected na ganito siya magsalita sa harap ko. Napakatalinong bata!




"E, ikaw? Are you mad at them?" I tried to sounds nicely dahil ayokong magtanim siya ng galit sa magulang namin. Ngunit agad sumilay ang ngiti ko nang agad naman siyang umiling.





Heartbreaks Cure (SIGHTSERIES#2)Where stories live. Discover now