CHAPTER TWENTY-NINE

7 0 0
                                    

C-29

Sa lahat ng taong hindi ko inaasahan, bakit siya pa?

Bakit ang taong nakita ko, siya ring  taong nagbigay kalituhan sa isip ko.

"Why are you here, Adriel?" I asked unconciously.

Hindi ko maiwasang magtanong dahil sa hindi inaasahan kong pagkikita namin.

Hindi ko maiwasang magulat dahil ang ilang taon na hindi ko nakita, naririto sa harap ko na para bang hindi siya umalis.

"You're not answering my question," he said while smirking.

"Answer my question first, Adriel Rylan Celino."  Pinakatitigan ko siya. "Of all people, bakit ikaw pa ang nakita ko? Anong ginagawa mo rito?"

Hindi agad siya sumagot at tila pinagmasdan muna ako bago dahan-dahang napangising muli.

"Why are you sounds as if karma ang pagkikita natin?" Nagtatakang tanong pa niya.

"Answer me-------"

"Well obviously, it's Claireez birthday." Ngumisi siya. "You know her right?"

Bahagya naman akong lumayo sa kaniya nang mapansin kong masiyado siyang malapit sa 'kin. Agad naman siyang nagtaas ng kilay kung kaya't agad akong umiwas ng tingin.

"Bakit ka lumalayo? Aren't you miss me?" Nagtataka pa kunwaring tanong niya.

Hindi ko siya sinagot at pinakatitigan na lang. Pinagmamasdan ko ang pagbabago ng kaniyang pisikal na anyo ngunit hindi maipagkakailang kung anong pag-uugali ni Adriel noon, hindi kailanman nagbago hanggang ngayon.

"Are you happy to see me?" Aniya habang may seryosong ngising naglalaro sa kaniyang labi.

Hindi ko alam kung bakit naramdaman ko ang dahan-dahang pagsalubong ng kilay ko dahil sa tanong niya. Hindi ko malaman kung bakit pakiramdam ko, nakakainis at sarkastiko ang pagkakatanong niya.

Napansin niya yata ang pagsalubong ng kilay ko dahil sa pagkakunot ng noo niya. Dahan-dahan naman siyang lumapit sa 'kin at hindi naman ako nagpatinag sa puwestong mayroon ako at hinintay ko pa siyang muling lumapit.

"Lia? What's wrong? Ganiyan ka ba masorpres---------"

"You really asking me if I'm really happy to see you?" Sarkastiko kong pagtatanong. "Nagbibiro ka ba? Sa tingin mo magiging masaya akong makita ka't nasa harapan ko?"

Mas nangunot ang noo niya at nagtangka pang lumapit ngunit sa pagkakataong 'to, hindi ako gumalaw sa puwesto ko at hinintay siyang muling kainin ang distansiya namin.

"Did I say something bad?" Naguguluhang tanong niya na ikinangisi ko nang bahagya.

Lumapit pa 'ko sa kaniya upang ipakita sa kaniya ang inis ko dahil naririto siya sa harapan ko. Sinalubong naman niya ang mga tingin ko kung kaya't mas sinamaan ko naman ang pagkakatitig sa kaniya.

"Pagkatapos mo 'kong bigyan ng mga isipin." Bahagya kong itinulak ang kaliwang balikat niya. "Matapos mong pinagulo ang isip ko." Muli ko naman tinulak ang kanang balikat niya. "Matapos mong mawala na lang nang biglaan." Tumingin ako ng masama sa kaniya. "Naririto ka sa harapan ko para itanong kung masaya ba 'kong makita ka? Kung namiss ba kita?!"

Hindi ko napigilan ang pagsigaw ko sa kaniya at hindi ko namalayang napasandal na pala siyang muli dahil sa malakas kong pagtulak sa kaniya.

Masamang tingin akong nakatingala sa kaniya habang naka-awang naman ang labi niyang nakikipagtititigan sa 'kin na animong nagulat sa ginawa ko sa kaniya.

Heartbreaks Cure (SIGHTSERIES#2)On viuen les histories. Descobreix ara