CHAPTER FORTY-SEVEN

3 0 0
                                    


Hi guys! Tomorrow is my graduation for shs hehe. Hope you like this update :))


C-47

Tahimik lamang akong umiiyak. Alam kong pasimpleng tumitingin sa 'kin at naririnig ni kuya driver ang mga hikbi ko and I'm thankful that he doesn't ask anything at pinabayaan niya lang ako kahit pa alam kong gusto niya akong kumustahin.


Napapikit ako nang mariin at pinipilit na patahanin ang sarili. Ngunit kahit anong gawin ko, tila mas dumarami ang luha na lumalabas sa mata ko.




Hindi rin naman nagtagal ang naging byahe dahil hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng bahay. Mabilis akong lumabas at isasara na sana ang pintuan nang marinig ko ang boses ni kuya driver.



"Kung ano man po ang nararanasan niyo ngayon, isipin niyo na lang po na may dahilan kung bakit naging ganoon..." Ngumiti siya na bahagyang ikinatigil ko. "Nangyari ang bagay na 'yan dahil marahil gusto kang ilayo  lamang ng ama sa mga taong nagbigay dahilan kung bakit ka lumuluha ngayon para makita mo at mapagtanto na isa silang kaganapan na magiging aral sa buhay mo para mas tumatag ka at para mahanap mo rin ang mga taong nararapat ng pagmamahal mo at ang taong magmamahal nang totoo sa 'yo."




Napatitig ako sa kaniya at pinoproseso ang kaniyang sinabi. Nginitian niya muli ako at tinanguan. Ngumiti rin ako sa kaniya at nagpasalamat bago tuluyang isinara ang pintuan. Hindi na rin ako nagtagal at pumasok na sa gate namin. Bahagya ko pang sinipat ang sarili ko at bahagyang napamura nang halatang-halata sa akin ang pag-iyak.




Mabilis akong nag-ayos at nang masigurong hindi na gaanong halata ang mga nagmumugto kong mata, tuloy-tuloy na akong pumasok at hindi na kumatok pa sa labas dahil  nagmamadali ko nang binuksan ang pintuan




"Welcome back, Lia!" Bahagya akong napatalon at napatigil sa mga sigaw na bumungad sa 'king pandinig.





Mabilis kong inilibot ang paningin ko sa lahat. Kitang-kita ko pa ang tuwa sa mga mata ng pamilya ko. Nandito rin si Raylene na nakangising nakatingin sa 'kin. Ngumiti ako pabalik ngunit mabilis ko rin iniiwas ang tingin ko sa kanila sa takot na mapansin nila ang lungkot ko at ang pag-iyak ko.




"Nasorpresa ka ba namin, ate?" Magiliw na tanong ni Lea na wala sa sariling ikinatango ko.




"I..." I sighed. "I didn't expect this. Thank you." I tried so hard to act normal infront of them.




I'm happy to see them here, complete. Pero hindi ko magawang sumaya nang buo knowing that before I got here, nalaman ko na niloloko ako. Hindi ko na nga alam kung naitatago ko pa ba ang lungkot ko ngayon. All I want right now is to go straight to my room and rest.



But I know, the rest that I'm talking about is not really the rest that I really wanna do. I know that when I get straight to my room, muli na naman akong iiyak nang iiyak pero sa pagkakataon na 'to, mas malalabas ko ang lahat-lahat nang hindi iniisip ang makakakita pa.



Which is that's what I really want to do right now. Hanggat maaari, I don't want them to know kung anong nangyari. I know, things will get better at doon ko na lang sasabihin ang nangyari na wala nang bigat sa dibdib pa akong nararamdaman. Ayokong magkuwento na may sakit na nararamdaman. Mas lalo lang akong mahihirapan.




Pero kailan ko kaya mararanasan 'yon?





Kailan ako magiging okay? Knowing na ang dalawang tao na importante sa 'kin, niloko at pinagtaksilan ako.





"Are you okay?"





Bumalik ako sa reyalidad nang maramdaman ko ang hawak nang kung sino. Nang iangat ko ang tingin ko, nag-aalalang tingin ni ate ang sumalubong sa 'kin. Hindi ko naramdaman na nasa harapan ko na siya. Ganoon na ba kalalim ang iniisip ko? Napansin kaya niya ang mata ko?





Heartbreaks Cure (SIGHTSERIES#2)Where stories live. Discover now