CHAPTER FORTY-FOUR

1 0 0
                                    

Hi mga mhie! Nakapagupdate din sa wakas HAHAHAHA anyway I hope you guys enjoy reading this hehe :)

C-44

"Ahm," paunang sabi ni Raylene na agad naming ikinatingin sa kaniya. "He he grabe ang sarap nitong mga pagkain na 'to! The best!" Aniya bago muling sumubo ng pagkain.

Nakita ko pa ang hindi matigil-tigil na paglilipat-tingin niya sa kapatid ko at kay Molly. Nang dumako ang paningin niya sa 'kin ay agad ko na lang siyang nginitian. Ngumiti rin siya pabalik sa 'kin pero batid ko na maging siya ay bahagyang nailang.


"So Lia, when will you guys leave for your trainings?" Biglang-tanong na lang bigla ni Molly na agad din nakakuha nang atensiyon ko.



"We'll leave next month," I answered. "But of course since next month pa naman and I have already some free time, I would like to atleast have some bond with my family, especially now na kasama na namin si ate Alexia."



"Really? Good to know na magkakalapit na kayo. I'm so happy for you guys," masayang aniya.



Tumango naman ako at binigyan siya muli nang ngiti bago bumalik muli sa pagkain. Ngunit hindi nakaiwas sa pandinig ko ang bahagyang pag-ismid ni ate sa tabi ko. Hindi ko na lang pinansin at ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Muli sana ako susubo nang nakangiting lumapit si nanay. Naramdaman ko ang bahayang pagkunot-noo ko dahil sa 'kin mismo nakangiti si nanay.



"Narito na po si Adriel," narinig kong sabi ni nanay.



Agad kong ibinaling ang atensyon ko kay Adriel na seryosong naglalakad papalapit sa gawi namin. I didn't know na pupunta siya. He knows na may dinner kami since I mentioned it to him but he doesn't know kung kailan 'yon.


"I'm sorry! I just did something important that's why ngayon lang din ako nakarating," he explained before he turned his gaze on me.


"You surprised me, Adriel. I didn't know that you're actually coming since you told me that you have a lot of things to do pa. Anyway, have a seat," ate Alexia said. Wait, magkakilala sila?


He nodded. "Thanks for inviting me here, Alexia. And yes, marami akong kailangang tapusin at gawin kaya hindi ako gaanong magtatagal dito."


I just nodded at him kahit hindi naman ako ang kausap niya. Ibinalik ko na lang ang atensiyon ko sa pagkain at hinayaan sila na muling nagkaroon nang kaniya-kaniyang usapan. Bahagyang sumasagot din si Adriel especially if it's all about business. Anyway, Claude is not here since he said that may aasikasuhin siya sa company nila mismo.



"Are you okay?" Bahagyang tanong ko kay ate nang mapansin kong tahimik na lang siyang nagmamasid at hindi na muling kumain pa.


"Yeah. I'm fine." She smiled at me.



"Really?" Bahagya kong sinipat ang mukha niya. "But why as if you're thinking something?"



"No..." She shook her head. "I'm just happy that finally.." She held my hands  tightly. "I can now have the chance to get to know you and Lea. I'm always praying na sana makausap at makasama ko na kayo."



Napangiti ako. "Well honestly speaking, until now, I didn't expect na I still have a sister pala bukod kay Lea. I admitted that it was really hard to process na may kapatid pa pala ako. It takes a lot of time bago ko naintindihan pero hindi pa naman huli ang lahat and I also can't wait to know you more, anything about you, ate. Hindi na lang ako ang nag-iisang ate ni Lea, dalawa na tayong mag-aalaga sa kaniya."


Heartbreaks Cure (SIGHTSERIES#2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat