CHAPTER TWENTY-FIVE

4 0 0
                                    

C-25

"Miss? 'Yung paninda ko po, paano na?" Bumalik ang aking atensiyon dahil sa boses na aking narinig na tila may lungkot.

Agad akong napatingin sa babaeng tila malungkot. Napatingin ako sa paligid bago muling ibinalik ang tingin sa babaeng nasa harapan ko.

"A...ako ba ang may gawa niyan?" Itinuro ko ang mga panindang nakakalat sa kalsada. "OMG! I'm so sorry! I didn't intended to... A...are you okay? Nasaktan ba kita?"

Hindi ko maiwasang mag-alala dahil baka nasaktan ko rin siya. Hinawakan ko ang kamay niya at bahagyang tiningnan ang ibang parte ng katawan niya kung may galos o sugat ba.


"'Yung paninda ko po ang inaalala ko. Magsisimula pa lang akong magtinda pero ganito ang nangyari." Mas nakaramdam ako ng guilt nang makita ko ang pagluha niya. "Anong maiuuwi ko para sa kapatid ko? Anong mapapakain ko kung ganito?"


Mas nakaramdam ako ng awa dahil sa sinabi niya. Kahit hindi ko nararanasan ang buhay na mayroon siya, nararamdaman ko kung gaano siya namomroblema para sa pangaraw-araw nila.



"Ilang taon ka na? Mukhang bata ka pa. Anong pangalan mo?" Pagtatanong ko. "Hindi ba dapat sa mga oras na 'to, nasa eskwelahan ka at nag-aaral?"



Dahan-dahan niyang pinunasan ang kaniyang luha bago bahagyang yumuko. Hinawakan ko ang kaniyang balikat dahil naramdaman ko ang paggalaw nito dahil sa kaniyang paghikbi.


"Teresa po ang pangalan ko. Sampong taong gulang pa lamang po ako." Iniangat niya ang kaniyang ulo upang salubungin ang mga tingin ko. "Hindi po ako nag-aaral. Mas kinakailangan ko pong maghanap-buhay dahil kinakailangan ko pong mailabas ang aking ina sa ospital samantalang maaga po kaming naulila sa aming ama. Mas kinakailangan ko pong kumayod para sa isa ko pa pong kapatid. Bata pa po siya kaya hindi ko alam kung saan ako kukuha ng panggastos ngayon lalo na't wala pa 'kong benta. Kinakailangan ko rin mag-ipon para sa pagpapagamot ng aking ina."



Naramdaman ko na lamang ang pangingilid ng aking luha sa aking mata, hindi naiwasang maluha dahil sa narinig mula sa isang bata na kaedaran ni Lea. Hindi ko tuloy naiwasang yakapin siya dahil sa lungkot dahil sa sinabi niya.



"I am sorry kung ako ang dahilan kung bakit ka nawalan ng kikitain ngayon." Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya. "Magkano sa isang araw ang kinikita mo?"


"Kung matumal po, aabot naman po sa tatlong daan lamang po ngunit kung maayos ang benta." Bahagya siyang tumigil upang mag-isip. "Limang daan po."


Hindi ko naiwasang mas malungkot dahil ang kinikita niya sa isang araw, gastos ko lamang sa isang bagay. Hindi ko lubos na maisip na ang mga halagang ginagastos ko, puwede na palang makapagtawid-gutom sa pamilya. At dahil do'n, bumalik sa isip ko ang sinabi ng misteryosong babae kanina.

""Tititigan mo lang ba 'ko? Hindi ka man lang ba hihingi ng tawad sa mga ginagawa mo? Na habang ikaw, nagpapakasarap sa buhay... may isang tao namang nangangarap na sana maranasan din niya ang dapat niyang maranasan gaya ng buhay na mayroon ka!"


Grabe palang pribelehiyo ang nakukuha ko kumpara sa ibang tao... na habang ako, ginagastos lang ang perang mayroon na hindi iniisip ang presyo ng isang bagay samantalang ang batang nasa harapan ko, pinoproblema kung paano siya makakakita ng kita na pangtulong niya sa kaniyang pamilya.


"Do you want to study?" Biglaang pagtatanong ko. Napakunot naman ang kaniyang noo ngunit nang maproseso ang tanong ko, mabilis na siyang tumango.


Heartbreaks Cure (SIGHTSERIES#2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt