CHAPTER TWENTY

9 1 0
                                    

C-20

"Lia, ano ngang sukat?"


Napatingin ako kay Raylene habang nakalahad sa harapan ko ang sketch pad niya. Ipinasilip ko naman sa kaniya ang sa 'kin para malaman niya ang sagot sa tinatanong niya.



I decided to do my works here sa place ni Raylene so I can guide her because she had absence for a week for unknown reason. Hindi ko na lang din siya kinulit dahil magkukusang kuwento rin naman siya.



"Grabe! Ang laki ng improvement mo sa pagdedesign." Lumapit siya nang bahagya. "Well, you already good na rin before pero mas lalo kang gumaling sa totoo lang."



Ngumiti naman ako sa kaniya bago ibinalik ang atensiyon ko sa ginagawa. Masiyadong madaldal si Raylene kaya mas pinipili kong huwag siyang kausapin dahil once na kausapin ko siya, wala nang tigil sa kuwentuhan ang magaganap.



"Ang serious mo naman! Ayaw mo ba 'kong kausap?" Lumingon ako sa kaniya saglit bago bumalik sa ginagawa. "Fine! Gagawa na lang din ako."



"That's good to hear, then." I smiled at her slightly which made her just rolled her eyes at me.



Tahimik na lang kaming gumagawa ng mga sketch designs namin nang bigla naming marinig ang malambing na boses ni lola Rita, ang lola ni Raylene.



"Ang sisipag naman. May pasalubong ako!" Naramdaman kong sabay kaming nagtaas ng tingin ni Raylene bago rin kaming sabay binitawan ang mga gawain namin.




"Lola!" Naramdaman ko ang kagalakan sa boses ni Raylene na ikinangiti ko.



"You suprised us po. I thought you're staying in  province for good?" Agad din naman akong lumapit sa kaniya para magmano. "Anyway... We missed you, lola!"



Sabay naman niya kaming niyakap at binigyan ng halik sa aming noo. Nagkatinginan pa kami ni Raylene bago sabay kaming humiwalay sa pagkakayakap.



"Where's Molly? Grabe! You really grew up so fast." Bahagya niyang ginulo ang buhok namin. "Soon, you guys will achieve the dreams na matagal niyo nang gustong makamit."



Napangiti kami at taas-noong tumayong nakaharap sa kaniya. Napatawa naman si lola Rita sa iniasta namin.




"Molly is always MIA these past few weeks dahil na rin sa mga training niya since she'll be the one to handle their company soon so." I shrugged my shoulder a bit. "She's in her first year but still, kailangan niya talagang pag-igihan."



"It's too early to give her too much frustration and works." Lola sighed. "Gusto naman ba niya ang kursong kinuha niya? O napilit lang siya ng mga magulang niya?"



"At first, ayaw niyang itake but she realized that she really need to." Ngumiti ako. "But for sure, knowing Molly... If she saw some potential on herself on the things she doesn't even imagine, she wouldn't think twice but to continue taking that things until she satisfied."



Napatango na lang si lola Rita bago kami nginitian. Mukha namang gusto na rin ni Molly talagang itake ang kursong gusto ng mga magulang niya. Hindi rin naman niya nilinaw sa 'min ang kung anong gusto niya.




"But one thing is for sure... We know, isa ka po sa mga papalakpak sa 'min habang sabay-sabay na kinakamit ang mga pangarap namin. Thank you for being an inspiration to us, lola," matamis na wikang sabi ni Raylene.



Nakangiting tumango naman si lola Rita bago bumaling sa 'kin. Ngumiti rin ako sa kaniya pabalik at pinapakiramdaman ang kagalakan sa puso ko habang pinagmamasdan ang mukha niya. Hindi ko malilimutan ang mga oras na ipinapagtanto niya sa 'kin ang mga bagay na talagang gusto ko. Isa siya sa mga dahilan kung bakit naglakas loob akong kunin ang kursong gusto ko kahit pa alam kong hindi papayag ang magulang ko.




Heartbreaks Cure (SIGHTSERIES#2)Where stories live. Discover now