CHAPTER FORTY-TWO

5 0 0
                                    

C-42

"W-Wow!" Nasabi ko na lang dahil sa mga nalalaman ko, namamangha na lang ako.



Namayani ang katahimikan sa paligid namin. Kitang-kita ko naman ang mga tingin nilang nakapukol sa 'kin, halata rin may gusto silang sabihin.



"Lia, anak..." My mom was about to touch me but I distanced myself before I turned my gaze on her.



Binigyan ko siya nang hindi makapaniwalang tingin. "Is it... Is it true? Na hindi ko buong kapatid si Lea at anak mo siya sa iba habang kasal na kayo ni daddy?"



Hindi agad sumagot si mommy pero nagmistulang karera ang luha niya dahil sa paguunahan dahilan kaya iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Ayokong makita siyang umiiyak o kahit na sino man sa pamilya ko. Masakit sa dibdib.



"I'm sorry, Lia... anak." Nakita kong napayuko siya nang saktong ibinalik ko ang tingin sa kaniya. "I'm sorry if I didn't tell you the truth. I just don't know------"



"Stop..." I commanded. "Saying sorry means pinagsisisihan mo ang mga bagay na ginawa mo at kasama na rin do'n ang pagluwal mo sa kapatid ko..." Naisip ko bigla si Lea, ang bunsong kapatid ko. "Nagkamali ka nga pero si Lea ang tumama sa pagkakamaling mong 'yon."




Tila binuhusan ng malamig na tubig si mommy dahil para bang narealize niya 'yung pinupoint ko. Muli na naman tuloy namayani ang katahimikan sa pagitan namin.



"Anak ko sa pagkabinata si Alexia, ang ate mo..." Mabilis naman akong lumingon. "'Yung nanay niya, namatay no'ng pinanganak pa lang siya..." Bahagya akong nagulat sa nalaman pero hindi ako nagpahalata. "Ang lola niya, siya ang nag-alaga sa ate mo...



Napaisip naman ako. "Nasa'n ngayon ang lola niya?" Nalilito kong tanong


Umiling muna si daddy bago napabuntong-hininga. "Wala na rin..."



Hindi agad ako nakapagsalita sa narinig. Grabe rin pala 'yung pinagdaanan ni Alexia. 'Yung nanay niya, hindi man lang niya nakita. Ang lola niya, wala na rin. Hindi ko maimagine kung paano hinarap ng kapatid ko ang gano'ng sitwasyon.


'Kapatid ko...'



"Kaya sana... tanggapin mo ang kapatid mo. Ituring mo siya as a buo kagaya kung paano mo itinuring si Lea." Mabilis naman akong tumingin kay mommy na nakayuko na lang din at nakikinig. Hindi ko rin alam kung paano ko siya kakausapin sa ngayon.



"Nasa'n ang tatay ni Lea?" Walang paligoy-ligoy na tanong ko ngunit binigyan lamang ako ng tingin ni daddy na para bang hindi niya alam ang sagot.



"Matagal na siyang nawawala," sagot naman ni mommy. "We don't even know kung buhay pa ba siya o hindi..." Napatitig na lang ako sa kawalan bago bumuga ng hangin. Grabe 'tong mga nalalaman ko!



Hindi na 'ko nagpaligoy-ligoy pa at umalis na lang din sa loob. Masiyado na rin kasing sumasakit ang ulo ko. Hindi ko maproseso nang sabay 'yung mga nalalaman ko.




Bahagya akong napatigil nang mapadaan ako sa harap ng kuwarto ni Lea. Nakatitig lang ako ro'n at tinitingnan 'yon.



"Magbabago na ba ang trato mo sa 'kin, ate?" Napaigtad ako sa pagkakatayo ko nang marinig ko ang boses na 'yon.



Mabilis akong lumingon sa likod ko at 'yon, nakita ko si Lea na lumuluhang nakatingin sa 'kin. Mabilis akong lumapit sa kaniya pero inilingan niya 'ko dahilan kaya napatigil din ako sa paglapit.



Heartbreaks Cure (SIGHTSERIES#2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat