CHAPTER EIGHT

13 2 0
                                    

C-8


"Ano bang pinagsasabi mo? Umayos ka nga!"




Gusto ko siyang kurutin dahil ang bigat niya pero hindi ko magawa dahil alam kong may pinagdadaanan siya.
Inilabas ko na lang ang cellphone ko nang marinig kong nagring 'to. Agad kong sinagot nang makita ko ang pangalan ni Sef.






"Tara dito sa may eskinita! Nandito 'tong kaibigan mong inalmusal ang alak!" Iritang bungad ko sa kaniya.





[How is he?] Naramdaman ko ang pagbungad niyang pagaalala base sa boses niya.





Tumingin naman ako kay Adriel na nakasandal sa balikat ko. Hindi na 'ko nagreklamo kung gaano kabigat ang ulo niya dahil mukhang inaantok na rin naman siya.





"He's not good. Mukhang naparami ang alak na nainom niya." Nakatingin pa rin ako kay Adriel, pinagmamasdan ang bawat kilos ng katawan niya.




[Ihatid natin siya sa bahay nila. May bahay siya dito na madalas niyang tinitirhan kasama ang kapatid niya. Papunta na 'ko kaya ibababa ko na 'to.] Tumango na lang ako at hinintay na lang ang pagpatay niya sa tawag. Mukhang hindi rin namam magtatagal, nandito na rin naman siya.





Pinagmamasdan ko ang bawat galaw niya, sinisipat kung iiyak na naman ba siya. Nakaramdam ako ng kaunting awa sa kaniya dahil mukhang malalim ang dahilan niya kung bakit uminom siya kahit umaga pa lang.






O baka kagabi pa siya umiinom at ngayon lang siya natapos?





"Geez! So hindi ka pa yata naliligo?" Nakangiwi kong pagkausap sa kaniya nang mapagtantong posible nga 'yon.





But he doesn't smell anyway. Sa katunayan, ang bango niya.




Nagulat ako nang bigla siyang umupo ng tuwid. Tumingin siya sa 'kin at binigyan ako ng ngiti.





"Hi Lia! Ikaw pala 'yan," natatawang sabi pa niya at itinuturo pa niya ang mukha ko.





Napairap naman ako. "Obviously."




Itinulak ko at inalis sa harapan ko ang hintuturo niyang nakaturo sa mukha ko. Bahagya siyang napakamot sa ulo niya, tila naguguluhan. 







"Y-you know what? I don't understand myself whenever I saw you."





My brows furrowed. I didn't know na mas weird pa pala siya kapag lasing. Sino bang tao ang hindi alam mismo sa sarili niya kung bakit siya umaakto ng ganoon?





"Y-you know what? I-I should blame my...myself." Yumuko ito pero inangat ko lang ulit ang ulo niya dahil mas lalo lang siyang mahihilo.





"You're drunk already. Wait lang natin si Sef so he can accompany you to your house," pagkausap ko pa at bahagyang pinitik ang noo niya dahilan para samaan niya 'ko ng tingin.






I tried to stop myself from laughing because of his funny reaction. Mukhang bata. Nakita kong napapapikit siya ulit kung kaya't nagdesisyon akong isandal muli ang ulo niya sa balikat ko.





"You also know what? Even I, don't undersand why you're always acted as if I did something wrong to you. Like, the hell? All I can remember was the time when I once asked you." Sinilip ko pa siya habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ko.





Mukhang nakakatulog siya sa balikat ko dahil bumibigat ang paghinga niya. Pinakatitigan ko lang tuloy siya habang nakapikit ang mata niya.





Heartbreaks Cure (SIGHTSERIES#2)Where stories live. Discover now