CHAPTER TWENTY-TWO

5 0 0
                                    

C-22

"Babe?" Mabilis akong tumingin sa gawi niya. "I might have a busy schedule for tomorrow... sa sobrang busy, mukhang hindi kita maihahatid o masusundo."



Napatango naman ako bago ko siya nginitian. Ito 'yung ineexpect namin, na kung nasa kalagitnaan na kami ng klase, mas magiging busy kami dahil nga'y graduating.



"Molly told me about the works you guys need to do." My brows furrowed. " Bakit hindi mo sinabi na you were busy pala in the past few weeks? Maiintindihan ko naman, e. Hindi mo naman kailangan makipagkita sa 'kin araw-araw because I don't want you to get tired of everything you do."



"But everytime I see you, nawawala 'yung  pagod ko," he reasoned out.




"We're graduating now. I'll understand kung hindi tayo gaano magkita sa mga oras na 'to, sa mga araw na 'to." I sighed a bit. "I even felt bad kasi you were the one who insisted para kitain ako unlike me." I held his hand. "Kung hindi mo pa 'ko dinadalaw, paniguradong matagal na tayong 'di nagkikita."




Habang tumatagal ang klase, mas nahihirapan akong makausap si Claude. Kung hindi niya pa 'ko sinusundo, hindi ko maiisip na kumustahin siya. Tinetext ko lang siya just to say 'good morning' and 'good night' pero siya, pinupuntahan niya 'ko.





"I understand your schedule kaya ako na lang ang nagiinsist na pumunta." Dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin upang punwesto sa 'king likuran bago ako niyakap patalikod.





"We can see each other naman if we have spare time." Sumandal ako sa kaniyang dibdib. "I know you have things that you need to do sa mga oras na 'to but you're here... hugging me."





"That's because I love hugging you," he whispered to my ear. "I really love everything about you."




Napangiti ako bago kumalas sa pagkakayakap upang harapin siya. Mabilis ko siyang binigyan ng halik sa labi na ikinangiti niya.



"What did I do to deserve a man like you?" I held his right cheek. Napangiti naman siya bago niya hinawakan ang aking kamay na nakahawak sa kaniyang pisngi






"No! What did I do to deserve a woman like you?!" He smiled at me sweetly and held my hand on his cheek tightly. "You're too good for me to the point that I already consider myself as a lucky man because I have you."




"Woah!" I chuckeled a bit. "Stop it! Nangbobola ka na naman."




He shook his head. " Why would I? I'm just stating the fact."




Tumango-tango na lang ako sa harapan niya bago bahagyang umiwas ng tingin, pinipilit itago ang kilig na nararamdaman.



"Update me is enough so please?" Ipinalibot ko ang aking braso sa kaniyang bewang. "See me when you're totally free... not when you're resting."




Tumango na lang siya bago niya ako niyakap ng mahigpit. I know this would be the last time na ipagpipilitan niya ang sariling makipagkita sa 'kin kahit na busy siya. Alam ko namang naiintindihan niya ang pinopoint ko. I just don't want him to get tired of everything.




At ayokong makipagkita sa kaniya araw-araw dahil baka bukas o makalawa, magsawa na siya sa 'kin.




"But I know, that won't ever happen," I whispered to myself.




Mahigpit pang yakap ang dinama namin sa isa't-isa bago ako kusang humiwalay upang pauwiin siya dahil bukas, may pasok pa.




"Raylene! Ikaw na ang bahala dahil baka mas mauna pang makapasok ang prof natin kaysa sa 'kin," I said at the phone call while still running at the hallway bago ko kaagad binaba ang tawag.




Heartbreaks Cure (SIGHTSERIES#2)Where stories live. Discover now