CHAPTER THIRTY-NINE

4 0 0
                                    

C-39




Hindi ko napigilang mapatingin sa kaniya, dahilan kaya nakasalubong ko rin ang tingin niyang nakapukol pala sa 'kin.
Napabuntong-hininga na lang ako, iniwas na rin ang tingin ko.






Ngunit kahit hindi na 'ko nakatingin sa kaniya, nararamdaman ko pa rin ang titig niya. May kung ano sa titig na ibinibigay niya at naiilang ako sa paraan na 'yon.







"T-Tara na nga," pag-aya ko na lang sa kaniya. Pasimple ko pang kinurot ang sarili ko dahil sa hindi maipaliwanag na pakiramdam. Bahagya ko pang ipinilig ang ulo ko at pasimpleng humugot ng hangin.







Those words... His words really has something that I couldn't explain. Gusto kong isipin na sinabi niya lang 'yon just for me to understand the situation. Puwede rin naman talagang isipin na nila na hindi na nila ako malalapitan  pa lalo na't sa paraan kung paano ako hawakan ni Adriel.






But on the other side... may kung ano sa sinabi niya na para bang may katotohanan 'yon. It was as if something that he really want to say but he just don't know how to actually say it. Ayokong mag-assume o mag-isip pero pakiramdam ko, 'yon mismo ang gusto niyang iparinig at iparamdam sa 'kin.






Wala na siyang balak bitawan ako? Sa klaseng emosiyon na naramdaman ko sa kaniya nang sabihin niya ang mga salitang 'yon... mas nagiging dahilan para mag-isip ako ng kung ano-ano. Damn it, Lia! Stop over-thinking!







"Ang lalim naman yata ng iniisip mo," narinig kong sabi niya.







Mabilis na lang akong umiling sa kaniya bago nagpaunang lakad. Naramdaman ko rin ang pagsunod niya lalo pa't hawak-hawak pa rin niya ang bewang ko, wala pa yatang balak bitawan hanggang sa makalayo kami rito.






Hindi ko pa naiwasang mapatingin sa gawi ng mga lalaking kanina lang, nakatingin sa gawi namin. Nahagip pa ng tingin ko ang lalaking lumapit sa 'kin kanina, mukhang may bagong natipuhan na.







"Eyes here, Lia," tila seryosong sabi bigla ni Adriel. Mabilis ko namang iniiwas ang tingin ko kaya muli kong nakasalubong ang tingin niya.






"What?" Ang seryoso naman kasi ng tingin niya. Parang sa klase ng tingin niya, mukha akong nakagawa ng malaking kasalanan sa kaniya.






"Hindi mo dapat itinutuon ang tingin mo sa iba," tila nangangaral niyang sabi.






Wala sa sariling napakurap ako. Ano bang sinasabi nito? "Kung ano-anong napupuna mo.   Parang tumingin lang, e..." Tinaasan naman niya 'ko ng kilay. "Don't you dare raise your eyebrow on me! Duh! Mas mataray pa rin ako sa 'yo."






Narinig ko ang palihim niyang tawa bago napapailing na pinakatitigan ako. Tiningnan ko naman siya na may pagmamayabang na ikinangisi rin niya.





"Mataray as always..." Tumango-tango pa siya. "That personality doesn't even change."





Napabusangot ang mukha ko sa sinabi niya. "Huwag kang tumawa-tawa, Adriel. Sa 'yo lang naman ako nagtataray."






Tumango-tango na naman siya. "Yeah... And I'm still very get used to that behavior of yours, Lia..."





Napairap na lang ako sa kawalan sa sinabi niya. 'Yan na naman 'yung mga sabi-sabi niya na para bang matagal na talaga kaming magkakilala.






"Dami mong hanash, 'no? Kanina pa natin inaaya ang isa't-isa pero nandito pa rin tayo, walang usad." Napatampal ako sa noo ko. "Aalis na ba talaga tayo o hindi?"






Heartbreaks Cure (SIGHTSERIES#2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant