CHAPTER TWENTY-EIGHT

5 0 0
                                    

C-28

"Kanino 'to galing?" Nakakunot-noo kong tanong habang kinikilatis ang sulat at nagbabakasakaling may pangalan na nakalagay.



'Sino naman kaya ang nagbigay nito?'



"Hindi ko rin alam, Iha. Pero para sa 'yo raw 'yan, e," pagpaliwanag bigla ni 'nay Sarah na ikinakunot ng noo ko.




"Pero 'Nay! Hindi naman po ganitong disensyo ang pinili ko no'ng sinukatan ako. Malayong malayo ito sa napili kong susuotin para sa event." Pinakatitigan kong mabuti ang gown na nasa harapan ko.



Pinakatitigan niya rin ito. "Mukhang mamahalin 'to, Iha."



Napapatango ako at namamangha dahil sa mga kagamitang ginamit. Nakakabilib din ang bawat kung anong detalyeng mayroon sa gown kung kaya't mas gumaganda ito sa paningin ko.



"I really bet that this is really expensive." Bumaling ako kay 'nay Sarah pinagmamasdan ang bawat parte ng gown. "More expensive than you think, 'nay."



Nakita ko ang gulat sa mukha na bumalatay sa mukha ni nanay at muling sinipat ang gown. Ngumiti pa 'ko sa kaniya at tumango, tanda na posibleng totoo ang sinabi ko, na mahal ang gown na 'to.




"Kung gano'n, iha." Napakunot ang noo niyang tumingin sa 'kin. "Sino naman kaya ang gagastos nang ganiyang kamahal na gown?"





Agad akong nagkibit-balikat dahil mismo ako, hindi ko alam o wala akong ideya kung sino ang nagpagawa. Wala rin kasi talagang nakalagay na pangalan kung sino ang nagbigay kung kaya't nakadagdag isipin pa sa 'kin ang bagay na 'yon.




Wala sa sarili akong napabaling sa direksiyon ni Lea, ang nakababatang kapatid ko. Agad nagtama ang paningin namin ngunit kusa rin siyang umiwas na ikinataas nang bahagya ng kilay ko.




Nagpasimple pa siyang sulyap sa 'kin at nang makita niya pa rin akong nakatingin sa kaniya ay agad siyang napapakamot sa ulo na ngumuso pa dahilan para mas mapataas ang kilay ko.



"Lea?" Pagtawag ko ngunit hindi siya lumingon. "Look at me." Utos ko at dahan-dahan naman siyang bumaling sa 'kin na mas napanguso pa.




"A-Ah.... Why po, ate?" Napapakamot pa rin sa ulong tanong niya at mas pinakatitigan ko pa siya. "Don't stare at me like that, ate."



Ngunit hindi ko siya sinunod at patuloy pa rin ako sa pagmamasid sa kaniya. Naramdaman ko pa ang pagpalit-palit ng tingin ni 'nay Sarah sa 'min na tila naguguluhan pa. Hindi ko maiwasang mapailing dahil na rin sa napapansin ko sa kapatid ko.




Base sa hindi pagsalubong ni Lea sa tingin ko, paniguradong posibleng tama ang hinala ko.



"Kilala mo ang nagpadala nito, right?" Tila sigurado ngunit naniniguro pa ring tanong ko.



Muli na naman siyang napaiwas ng tingin sa 'kin at maya maya'y napakamot muli sa kaniyang ulo dahilan para mapabuntong-hininga naman ako.



'I knew it!'



"E-Eh kasi ate, ano kasi, e...." Hindi niya matapos ang kung ano man ang gusto niyang sabihin. Napapalunok pa siya kunwari na tila kabado.




Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kaniya at bahagyang bumaba upang magpantay ang aming tingin. Sinubukan kong dahan-dahang hawakan ang kaniyang panga upang humarap siya sa 'kin na ginawa rin naman niya.




Heartbreaks Cure (SIGHTSERIES#2)Where stories live. Discover now