CHAPTER THIRTY-THREE

7 0 0
                                    

C-33

Someone's P.O.V


'May napapansin na kaya siya? O may kutob na bang bumabagabag sa kaniya?'



Kitang-kita sa aking paningin ang mabilisang pagtalikod ni Lia, mukhang wala pa sa sariling naglalakad. Pasimple ko siyang sinundan ng tingin, tinitingnan kung saan siya magtutungo ngunit tila nasa kawalan ang wisyo niya dahil kitang-kita ko rin ang bawat taong nakakabangga niya na hindi niya nalalaman



Napailing na lang ako bago napabuntong-hininga. Hindi ko maiwasang makaramdam ng konsensiya sa tuwing nakikita ko siya.



Hindi ko maiwasang gawin ang kinakailangan dahil gusto kong masaktan siya.



Masama na kung masama ngunit gusto kong masaktan siya upang magkaroon ng liwanag sa isip niya. Malay natin, ang mga pangyayaring lingid sa kaalaman niya, makatulong pala para sa kaniya.



I want to do this because I need to. And if I tried to ask myself why? Hindi ko rin masagot dahil hindi ko rin alam.


"I need your help and I know, hindi mo ako matatanggihan," tila siguradong aniya.



Nagtaas naman ako ng kilay sa kaniya, pinagmamasdan ang walang reaksiyon niyang mukha ngunit mararamdaman mo ang tila malakas nitong presensiya.




"I know what you did... what you and that guy did." She stopped. "Alam ko lahat-lahat. And I know, alam mo ang ibig kong sabihin. Huwag mo nang subukan pang ipagkaila."




Nakaramdam agad ako ng kaba sa dibdib ko, ngunit sinubukan kong maging normal at kunwaring hindi kinakabahan. Bahagya rin akong nagtataka sa kung paano niya nalaman ang nagawa ko.




"At kung may natitira ka pang konsensiya para sa kaniya, gagawin mo ang nais ko." Nagkaroon nang emosiyon ang mukha niya dahilan para bumakas ang inis at galit sa itsura niya.




"Then w-what do you want me to do?" Hindi ko maiwasang mautal. Naramdaman ko ang panginginig ng boses ko.



Mabilis na bumalatay ang ngisi sa labi niya ngunit naroroon pa rin ang galit at inis sa itsura niya.



"Continue what you're doing." Napatingin ako sa gilid niya dahilan para makita ko ang isang lalaking nakasuot ng mask at sumbrero. "Make him fall for you... or if he didn't... then atleast do the things na sa tingin mo, makakatulong para malaman ni Lia ang lahat-lahat."



Muling gumapang ang kaba sa dibdib ko na alam kong napansin na nila. Hindi ko na maitago ang kaba ko dahil may kung ano sa sinasabi nila na naidudulot sa sistema ko.



Ngunit mas nauunahan ang kaba ko dahil sa pagtataka ko sa lalaking hindi ko man kilala ngunit sa mga salitang binitawan niya, nakaramdam ako ng takot sa posibleng kalalabasan ng gawaing gusto niyang ipagawa.



"I-I don't like what you're talking about." My forehead furrowed. "And who the hell are you?" Nagtatakang tanong ko pa ngunit tila wala itong narinig dahilan para balingan ko naman ang babaeng kausap ko.



"Ayokong gawin ang gusto niyo. Pinagsisihan ko ang nagawa ko at ayoko na muling ulitin pa 'yon!" I pointed out.



Hindi ko gusto ang kung ano mang gusto niyang ipagawa. Ayokong gawin dahil alam kong magiging dahilan ito upang magkasiraan kami.



Heartbreaks Cure (SIGHTSERIES#2)Where stories live. Discover now