CHAPTER THIRTY-SIX

3 0 0
                                    

C-36


"I just wanna rest," pagbawi ko sa kaninang sinabi ko.



Nararamdaman ko pa rin ang panghihina ng katawan ko dahil sa pagsakal sa 'kin. It was really tight to the point that if walang tumulong sa 'min, I'm sure that it would be the cause of my death.




Naramdaman ko ang pag-angat kong muli dahilan para makatayo ako. Naramdaman ko pa ang patuloy na panghihina ng tuhod ko ngunit sa pagkakataong 'to, hindi na ito kagaya kanina.



Nang tuluyan na 'kong makatayo, unang pumukaw sa aking paningin ang lalaking hindi ko namalayang nakahiga pa rin pala dahil sa bugbog na natamo niya mula kay Claude kanina.




Muling nanumbalik sa aking isipan kung gaano naging mabilis ang pangyayari nang dumating si Claude. I was surprised how he punched that man. I haven't ever seen him like that. I didn’t expect that I would see such anger in him. Ibang-iba ang Claude na nakita ko.




Wala sa sariling napatingin na lang ako sa direksiyon nila Claude kung saan tila inaalo niya pa rin ang aking kaibigan. Napangiti ako nang mapait habang pinagmamasdan ko sila. Napabuntong-hininga na lang ako bago lumapit sa gawi nila upang tingnan ang lagay ni Molly.



"Is he the reason why you felt dissapointed?"




Napatigil ako paglapit ko sa gawi nila Molly. Napatigil ako ngunit hindi ako agad humarap sa gawi ni Adriel na alam kong nakatingin at naghihintay lamang ng sagot mula sa 'kin.




"Or are you dissapointed dahil hindi siya ang naririto sa harapan mo?" Bigla'ng dugtong niya dahilan para ako'y humarap na sa kaniya.




Mabilis at sinubukan kong basahin ang reaksiyon sa mukha niya ngunit wala akong ibang makita kung hindi ang lungkot sa mga mata niya.



Lungkot na ilang beses ko nang nakikita at nararamdaman ngunit tila bago pa rin para sa 'kin at nagtataka pa rin kung bakit may pakiramdam akong nasasaktan.




Sinubukan kong lumapit sa kaniya ngunit binigyan niya lamang ako ng isang ngiti na dahilan upang mas labis kong maramdam ang kung anong nararamdaman niya.




"Bakit hindi ka makasagot?" Nangungunot ang noo na tanong niya at siya na ang kumain sa pagitan naming dalawa. "Alin sa dalawang 'yon, Lia?"




Napalunok ako. "Wala sa dalawang 'yon. No... it's not like that. I was just..." I can't find the right word to describe how I truly feel. Hindi ko alam kung paano ako sasagot sa paraan na hindi niya mararamdaman ang hindi ko gustong maramdaman niya. Ayaw kong isipin niyang dismayado ako sa kabila nang pagtulong niya sa 'kin.





"You don't have to answer it, Lia. But next time..." He stopped which made me feel worried about how he really feel.
"Don't make me feel that even if I'm here in front of you, your eyes are still looking for someone else... dahil hindi mo alam kung gaano kalaki'ng epekto sa 'kin no'n."




Napabuntong-hininga na lamang ako, hindi na nakapag-react pa sa sinabi niya. Namayani ang katahimikan sa pagitan namin, tila parehong hindi mapirmi ang mata sa kakalibot ng direksiyon na maaabot nito. I feel the awkward atmosphere between us and I don't know how would I break the silence.



But honestly, the reason why I don’t really want to break the silence between us, 'cause I feel guilty because I gave him the feeling that I didn’t mean and want him to feel.




Napailing na lang ako at sinusubukang kumbinsihin ang sarili. Minsan nga'y naiinis at nagugulat ako sa mga inaakto ko whenever Adriel is involved. It seemed like it was hard for me to lower my pride for him. I really don't know why but I really noticed it to myself. I really do observe that to myself.




Heartbreaks Cure (SIGHTSERIES#2)Where stories live. Discover now