CHAPTER THIRTY

5 0 0
                                    

C-30

Namutawi sa aming paligid ang katahimikan at tila pinapakiramdaman pa ang isa't-isa. Pasimple pa 'kong sumusulyap sa kaniya na nakatingin lang sa direksiyon kung saan dumaan ang sinakyan ni Claireez.



Napapaisip pa 'ko kung sino ang kasama niya ngunit alam kong nasa mabuting kamay ang kaligtasan ni Claireez, nakakasiguro ako at alam ko ring nararamdaman din niya 'yon.




Agad akong napasinghap nang walang ano-ano'y bumaling siya sa 'kin dahilan para agad kong ikinailang. Naningkit pa ang kaniyang tingin na animong pinag-aaralan ang reaksiyon ko dahilan para agad naman akong mapalunok bago mag-iwas ng tingin.




"Why are you looking at me... li-like that?" Seryoso kunwaring tanong ko ngunit ang totoo, naiilang ako.




Ngunit imbis na sagutin niya, mas naramdaman ko pa rin ang paninitig niya kung kaya't lakas-loob kong ibinalik ang atensiyon ko sa kaniya dahilan para makita ko siyang mas pinagtuunan na nang pansin ang kabuuhan ko bago tumigil ang paningin niya sa gown na suot ko.




Agad akong napalunok dahil hindi na talaga naalis ang tingin niyang 'yon. Napapaisip pa 'ko kung bakit base sa nakikita ko sa kaniya, mukhang may kasiyahan akong nararamdaman at nakikita sa mga mata niya.




"Bakit ba tumitingin ka?" Mabilis kong tiningnan ang gown ko bago ibinalik ang tingin sa kaniya. "Gusto mo bang suotin? Tsh!"




Ngunit tila wala siyang narinig na sinabi ko dahil patuloy pa rin siya sa pagtitig sa suot ko. Pinagkunutan ko na siya dahil naguguluhan na 'ko sa inaakto niya.




"Ano ba? Huwag mo nga 'ko tingnan!" Masamang tingin ang ipinukol ko sa kaniya. "Kung titingnan mo lang ako nang titingnan... mabuti pa't maiwan na kita rito dahil baka hinahanap na 'ko sa loob."




Agad naman akong napabuntong-hininga dahil parang wala lang siyang narinig na sinabi ko. Napailing na lang ako sa iniaasta niya kung kaya't pinili ko na lang na huwag hintayin siyang magsalita at tumalikod na bago nagsimulang maglakad.




"Inaasahan ko nang babagay sa 'yo 'yan," biglang aniya. Agad tuloy akong napatigil sa paglalakad ngunit hindi pa rin ako tuluyang humarap.




"Inaasahan ko nang sa kahit ano pang ipasuot sa 'yo, alam kong babagay talaga sa 'yo," pagdugtong niya pa ngunit hindi pa rin ako humarap.




'Ano bang sinasabi niya?'




"Do you like it?" Tila makahulugan niyang tanong dahilan para tuluyan na 'kong mapaharap sa kaniya.





Pinakatitigan kong muli ang kabuuhan ko bago ako nalilitong napatango sa kaniya na agad naman niyang ikinangiti.




"What's up with you ba? Para kang sira!" Sinamaan ko pa siya ng tingin.




"I'm happy na nagustuhan mo ang binigay ko," nakangiting sabi niya.




Agad naman napataas ang kilay ko at wala sa sariling lumapit sa kaniya at nakipagtitigan.




"What do you mean?" Pinaningkitan ko siya. "Are you the one who gave me this?"




Bahagyang nanlaki ang mata niya na tila hindi niya inaasahan sa bibig niya mababanggit ang ginawa niya. Agad siyang napaiwas ng tingin lalo pa't mas pinaningkitan ko pa ang mata ko katitig sa kaniya.




"Woi! Sagot! Bilis! Huwag ka ngang umiwas diyan!" Irita kong sabi sa kaniya na agad din naman niyang sinunod at ibinalik ang tingin sa 'kin.




Heartbreaks Cure (SIGHTSERIES#2)Where stories live. Discover now