CHAPTER TWENTY-THREE

5 0 0
                                    

C-23

"Ahm, Ate? Are you okay?"

Napatingin ako kay Adrianna na may nag-aalalang tingin sa 'kin. Mabilis kong iniiling ang ulo ko bago ngumiti na lang sa kaniya upang tumango.

"Hoy babae! Bigla mo na lang akong iniwang nakaupo roon! Ako'y kinakabahan sa 'yo ha!" Napatingin ako kay Raylene na sinundan pala ako.

"Pasensya na ulit, ah. I--I need to go," nakangiting pagpapaalam ko bago bahagyang itinuro ang phone na hawak niya. "'Yung kausap mo, baka nariyan na. Ingat ka ha? Alis na kami."

Tumango naman siya at nginitian ako. "You should go na talaga, Ate. I'll just wait him here na lang since he said on the way na siya." Ibinaba na niya ang phone niya.

Ngumiti na lang ako at kumaway bago siya talikuran. Inaya ko na lang si Raylene na nakabusangot ang mukha sa 'kin.

"Nakakagulat ka, alam mo ba? Bigla ka na lang kanina nagturo at sinabing may nakita ka tapos ito ka? Maaabutan kita na may kinakausap lang pala?" Nagpunas pa ito kunwari ng pawis sa noo. "Umuwi na lang talaga tayo! Ako na ang maghahatid sa 'yo."

Tumango na lang ako at sinundan na lang siya hanggang sa makarating kami sa parking. Nang tuluyan na kaming makapasok, napatitig na lang ako sa kawalan habang dinadama ang paggalaw ng sasakyan.

"It was to hear your voice.... again."

"It was nice to hear your voice.... again."

"It was nice to hear your voice.... again."

Iniiling ko na lang ulo ko dahil sa boses na paulit-ulit na naririnig ko. Sinusubukan kong ituon ang atensiyon sa mga sasakyan pero tila nakarecord na sa isip ko ang boses ng taong nasa kabilang linya na kausap ni Adrianna.


"Nangyayari ba sa 'yo? Kanina ka pa umiiling, e. May problema ba?" Bahagya niya akong sinilip bago niya ibinalik ang paningin sa kalsada.


Agad na lang akong umiling at mas pinili na lang na ibaling sa ibang atensiyon ang mga bagay na hindi ko naman dapat pang isipin.


"If you want, you can take a nap muna." Bahagya niyang binuksan ang bintana sa puwesto ko. "Para mahanginan ka. Baka kasi nahihilo ka, sukahan mo pa 'tong sasakyan."

Umirap na lang ako at kinuha sa likuran ang travelling pillow na iniregalo ko pa sa kaniya bago ito inilagay sa aking leeg. Inayos ko muna ang aking puwesto hanggang sa tuluyan na 'ko lamunin ng antok.

"I'll take Lia first to her home then after that... we can meet na." Bahagyang napadilat ang aking mata at sinilip ang taong kausap ni Raylene sa kabilang linya.


"Who's that?" Agad naman niyang itinuro ang cellphone niya kung kaya't nakilala kong si Grey pala ang kausap niya. "May pupuntahan kayo?"


[Oh! Si Lia ba 'yon?] Napairap naman sa kawalan si Raylene. [Ipapaalam ko lang sana 'tong bestfriend mo na kung puwede kaming mag-date?]


"Hoy ang kapal mo! Date date ka riyan!" Bahagya niya akong binalingan. "Nagpapasama lang naman ako sa 'yo 'no!"

Narinig ko ang pagtawa mula sa kabilang linya. Napataas ang aking kilay na hindi nakaligtas sa paningin ni Raylene.

"Alam mo, Lia? Kahit hindi ako diretsong nakatingin sa 'yo, kitang kita ko 'yang pang-aasar na tingin mo." Naramdaman ko ang kainisan ni Raylene ngunit ikinatawa ko na lang bago kausapin si Grey na nasa kabilang linya pa rin.

"Alam mo, Grey? Hindi mo naman kailangang ipaalam 'tong babaeng 'to, e." Mapang-asar akong tumingin sa seryosong nagmamanehong si Raylene. "Kahit huwag mo na nga iuwi, baka matuwa pa kami. At least, nabawasan 'yung ingay sa paligid."

Heartbreaks Cure (SIGHTSERIES#2)Where stories live. Discover now