EPILOGUE

3.9K 67 3
                                    

HERAH POV

NGAYON na ang itinakdang araw ng digmaan. Ang lahat ay nakahanda na lalo na ang aming mga kawal at ang mga kawal ng aking ama. Oo kasama namin sila dahil mula nung tumakas si ama ay dito na sila tumuloy sa Goshen. Kaming dalawa ni Eero ay nakagayak pandigma na din.

"Ayokong sumama ka Herah ko! Ngunit bakit ba sadyang matigas ang iyong ulo?"tanong ng mahal kong Emperador sa akin.

"Hindi ko maaatim na manatili dito sa  palasyo habang ikaw ay nakikipagdigma Mahal na Emperador!"tugon ko.

"Ipangako mo sa akin na iingatan mo ang iyong sarili! Ayokong mawala ka sa akin!"aniya at niyakap ako.

"Huwag kang mag-alala dahil tinitiyak kong hindi ako mawawala! Ikaw, mangako kang iingatan mo ang iyong sarili! Kailangan ka ng kahariang ito at ng anak mo at higit sa lahat ay kailangan kita"Ani ko.

Patungo na kami sa may bulwagan ngunit habang kami ay naglalakad ay narinig naming nag-uusap sina Kuya at si Laarni.

"Mangako ka na uuwi kang ligtas Lazaro! Hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa akin!"ang umiiyak na turan ni Laarni habang nakayakap kay kuya.

"Huwag kang mag-alala mahal ko dahil tinitiyak kong uuwi ako ng ligtas at tutuparin ko ang ipinangako ko sayong kasal!"tugon ni kuya at niyakap siya pabalik.

Si Laarni ay maiiwan dito sa palasyo kasama Ang ilan pang mga lingkod at maging si Akie ay maiiwan din.

"Tunay ngang wagas ang pag-ibig nila sa isa't Isa"ani ko kay Eero na ikinangiti niya.

"Katulad nating dalawa mahal kong Herah"ang nakangiting tugon niya.

"Mga kamahalan handa na po ang buong kawan at kayong dalawa at si Lazaro na lamang ang hinihintay! Naroroon na din si Duke Horio"ang turan ni Greco at kasama niyang si Felipe.

"Kailangan na nating umalis Lazaro!"ang pagtawag ni Eero kay kuya.

"Mauna na kami Laarni! Ipsnalangin mo nalang na maging ligtas at matagumpay kami!"Ani ni kuya kay Laarni.

"Mag-iingat kayong lahat!"Sabi ni Laarni sa amin.

"Ikaw na muna ang bahala sa aming anak Laarni!"ang sabi ko sa kanya na ikinatango niya.

Paglabas at kaagad kaming sumakay sa kani-kanya naming mga kabayo. May kasama kaming anim na raang mga kawal sa kabuuan. At nung nakarating kami sa bukana ng Lanta ay sinalubong kami nina Emperador Jacob at ng hanay nina Emperador Gio ng Tangra. Nagulat sila nang Ang halos kalahati ng mga kawal na nagmula sa lanta ay tumalikod sa kanila at sumama sa amin. Kasama na si Vener at si Clara. Nagkaroon ng madugong labanan sa pagitan naming lahat dahilan para magkahiwa-hiwalay kami. Nawala sa paningin ko sina Eero, si ama at si kuya.

"Nagkaharap din tayo sa wakas Herah!"ang nakangising turan ni Jacob.

"Matagal ko ding hinintay ang pagkakataong ito!"tugon ko sa kanya.

"Hinintay ko din ito at tinitiyak kong ito na ang magiging katapusan ninyo!"madiing turan niya at sinunggaban ako ngunit nagulat siya nung nilabanan ko siya.

"Marunong ka palang humawak ng sandata ngunit tinitiyak ko sayo na malapit nang matapos ang buhay mo dahil hinding-hindi ako patatalo Sayo!"aniya at pilit akong nilabanan.

"Gawin mo! Huwag kang husto sa salita!"madiing turan ko.

Nagtagal ng halos ilang minuto ang aming labanan hanggang sa nabitawan na niya ang kanyang sandata at nasaksak ko siya sa dibdib at tumagos ito sa kanyang likuran hanggang sa binawian siya ng buhay. Napalaban pa ako sa mga kahanay nila. Tiyak na madami akong mapapaslang sa labanang ito! Hanggang sa nakita ko si Eero at ang Emperador ng Tangra na naglalaban. Nagulat ako ng sobra sa nasaksihan dahil ang sandata ni Emperador Gio ay bumaon sa tiyan ng aking asawa at bumulagta siya.

They All Abandoned Me Where stories live. Discover now