CHAPTER 6

3.1K 82 0
                                    

STILL ESTAN/EERO POV

FLASHBACK

MAHIGIT dalawang linggo ang nakalipas mula ng lisanin ko Ang kaharian. Kagagaling lamang din ng aking mga sugat dulot ng pagkahulog ko sa bangin at ngayon ay nagbihis ako

"Gabi na. Saan ka pupunta?"tanong ni Axillom.

Siya Ang nakakita sa akin at kumupkop.

"Pupunta ako sa Harsa"sagot ko.

"Ang munting kaharian na pinamumunuan ni Duke Horio? Ano ang gagawin mo doon?"tanong pa niya.

"May kukunin akong pag-aari"sagot ko.

"Anong pag-aari?"tanong pa niya.

"Ang anak niya. Si Herah na aking kasintahan"sagot ko

"Ngunit baka mapahamak ka"aniya.

"Huwag kang mag-alala. Mag-iingat ako"sagot ko.

Tinangka pa niya akong pigilan pero Hindi ako nagpapigil. Umalis ako. Dalawang linggo ko na siyang hindi nakikita at nananabik na ako sa kanya. Naglakad lamang ako paparoon at inabot ako ng halos isang oras. Umakyat ako sa mataas na pader kung saan madalas akong dumaraan tuwing magkikita kami ng palihim. Ngunit pagtalon ko ay may sandata na kaagad na tumutok sa akin.. tinutukan ako ni Duke Horio. Ang ama ni Herah.

"At ano ang ginagawa dito ng nasirang Prinsipe?"tanong niya sa akin.

"Si Herah... Nais ko siyang makita.. pakiusap mahal na Duke!"sagot ko

"Wala na siya dito... Nasa Marna na siya. Nagtungo siya doon upang malimutan ka kaya umalis kana dito bago pa ako mag-ulat sa palasyo"walang emosyong Turan niya na siyang dumurog sa puso ko.

"H-hindi ako naniniwala Sayo! H-hindi niya ako kayang limutin at talikuran ng ganon nalang!"nangangatal na Turan ko

"Ilabas mo siya!"mariin pang Saad ko.

"Nagsasabi ako ng totoo. Kung gusto mo ay maghanap ka sa loob"aniya at ibinaba Ang kanyang sandata.

Pumasok ako sa loob at naghanap ngunit hindi ko siya Nakita.

"Nahalughog mo na Ang buong kaharian ko kaya makakaalis kana Bago pa ako mag-ulat sa kapatid mong hari"Sabi ng ama niya kaya bigo akong umuwi.

Hindi ito maaari Herah! Hahanapin kita!! Hindi ako makakapayag na lilimutin mo ako ng ganon nalang.

Ipinagpatuloy ko Ang paghahanap ngunit sa paglipas ng mga taon ay Wala parin... Hindi ko parin siya nakikita Hanggang sa Isang Araw ay Nakita ko si lily sa pamilihan. Siya ay lingkod ni Herah.

"M-mahal na Prinsipe?"nagulat ngunit mahinang Turan niya nung lapitan ko siya.

Kaagad ko siyang hinila palayo at kinausap.

"Ano Ang sadya mo sa akin?"tanong niya.

"Si Herah. Nasaan siya?"tanong ko sa kanya

"Hindi ko alam"Ang pagkakaila niya dahilan para mahawakan ko siya sa mga balikat niya at niyugyog siya.

"SABIHIN MO SA AKIN!! NASAAN SIYA!!"sigaw ko habang niyuyugyog siya.

"N-nasa p-palasyo"nangangatal na sagot niya.

"Ano ang ginagawa niya Doon?"mahinahon ngunit nagtitimpi kong tanong.

"Siya Ang napiling makaisang dibdib ng Hari"nakayukong tugon niya.

"HINDI!! HINDI!!!"nanggagalaiting sigaw ko.

"Paumanhin ngunit kailangan ko nang umalis"aniya at dali-daling umalis...

Bakit mo ito ginawa sa akin Herah? Paano mo ako nagawang talikuran ng ganon na lamang?? At Ngayon magpapakasal ka sa taong pumasl*ng sa aking ama?? Sump*in na sana kayong dalawa!! Maghihiganti ako at ako ang magiging malaking bangungot sa mga Buhay ninyo!!

END OF FLASHBACK

"WALA na bang paraan para mapatawad mo siya Estan?"tanong niya sa akin.

Mula nung ako ay kupkupin nila ay nagtago na ako sa pangalang Estan.

"Sinaktan niya Ang puso ko Felipe at titiyakin kong magbabayad din siya ng malaki sa ginagawa niya sa akin"walang emosyong sagot ko.

LILY POV

NARIRITO kami ngayon sa harap ng korte. Ngayon na babasahin Ang hatol laban sa Reyna. Ayaw papasukin si Akie pero nagpumilit siya kaya pinayagan na rin sa bandang huli.

"INA!"tawag nito sa kanyang Ina at nanakbo palapit habang kinakaladk*d ng mga kawal Ang Reyna.

Pinigilan siyang makalapit at pilit na inilayo Ang Ngayon ay nagwawala nang munting Prinsipe sa kanyang Ina. Pilit siyang pinaupo ng hari sa aking tabi. Wala akong ibang nagawa kundi Ang yakapin siya.

"Nangako ka sa akin alipin *hik. Bakit hindi mo siya mailigtas?"umiiyak na tanong niya sa akin.

Magsasalita pa sana ako nang biglang nagsalita ang hukom.

"Tumahimik Ang lahat at sisimulan na Ang pagdinig! Ngunit Bago ito ay nais kong marinig Ang panig ng Reyna"Ani ng hukom kaya dinala nila sa unahan Ang Emperatris at ito ay nagsalita.

"Maniwala kayo.. Wala akong kasalanan.. natutulog pa ako ng mga Oras na iyon at nagising na lamang ako nung sinasabing nasa pagamutan na Ang Emperador! Hindi ko iyon magagawa! WALA AKONG KASALANAN!"sigaw niya habang umiiyak.

"Ngunit may ebidensya laban Sayo!"sagot ng hukom.

"HUWAG NA NATING PATAGALIN ITO!! PWEDE BA?? BASAHIN MO NA ANG HATOL!"sigaw ng Emperador.

"Ang mahal na Emperatris ay napatunayan na nagkasala sa pagl*son sa Emperador. Siya ay pinapatawan ng parusang kamat*yan!"Ani ng hukom.

"I-ina"tanging nasambit ni Akie Bago nawalan ng malay. lumapit Ang ilan sa mga lingkod at dinala ang Bata sa pagamutan.

BIGLA akong tumayo at nagsalita.

"Huwag ninyo siyang parusahan! Wala siyang kasalanan!"madiing turan ko.

"MANAHIMIK KA ALIPIN!"sigaw ng hukom.

"Hindi ko magagawang manahimik Lalo na sa pagkakataong ito. Hindi siya Ang may kasalanan.... AKO ANG NAGTANGKA G LUMAS*N SA HARI!"sigaw ko na ikinagulat ng lahat.

Kita din sa Mukha ng Reyna Ang matinding pagkagulat

"Naiwan ko bote ng l*son sa silid ng Reyna"Turan ko.

Ang totoo nito, itinanim ko talaga iyon sa mga gamit niya kagaya ng nais ni Prinsipe Eero pero hindi ko kayang mawala siya.

"Mabigat na bagay Ang ginagawa mong pag-amin alipin. Alam mo bang maaari kang maparusahan ng kamat*yan!"madiing Turan ng  hukom.

"Ayos lang. Dahil iyon Ang katotohanan"malungkot na sagot ko.

"KUNG GAYON AY DAKPIN NA SIYA AGAD!"sigaw ng hari.

Dinampot nila ako at ikinulong habang Ang Reyna ay nakalaya na.

They All Abandoned Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon