CHAPTER 19

1.9K 57 0
                                    

LAZARO POV

NASASAKTAN ako dahil hindi na niya ako nakilala. Nais ko ding magpakilala sa kanya pero kailangan kong magsakripisyo alang-alang sa kaligtasan ni Herah. Apat na Oras muli akong naglakbay pabalik ng lanta at kaagad kong hinanap ang Emperador.

"Nakabalik kana pala Lazaro"Ani ng Hepe.

"Oo. Nasaan ang Emperador?'tanong ko.

"Nasa kanyang silid at nagpapahinga"sagot nito.

"Mauna na Muna ako"Turan ko at tinalikuran siya.

Nagtungo ako sa silid ng hari at kumatok. Binuksan niya ang pinto at pinapasok ako, nag-iinom pala siya.

"Kamusta ang ipinagagawa ko Sayo? Nalaman mo ba kung namat*y talaga siya at kung saan ba talaga siya inilibing?"tanong niya.

"Ayon sa aking pagsisiyasat ay puman*w nga talaga siya  at siya ay naunang inilibing sa sementeryo nila na pinangalangang Malaya. Ngunit Ang Balita ko ay inilipat din kaagad Ang kanyang mga labi sa loob ng palasyo nila dahil siya ay Isang Reyna Dito"walang ganang sagot ko. Naoangiti siya bago nagsalitang muli.

"DATING Reyna. Dahil magkakaroon na Tayo ng panibagong Reyna"nakangising Ani niya at ininom Ang alak na nasa baso.

Nagdidilim na ang aking paningin ngayon dahil sa ikinikilos niya. Gusto ko siyang saktan ngunit kailangan kong magtimpi.

"Ikaw Lazaro. Matanong lamang kita. Kanino ba ang iyong katapatan? Kay Herah o sa akin?"tanong niya.

"Walang iba kundi Sayo lamang kamahalan"Ani ko at pilit na ngumiti.

"Kung gayon ay mayroon na akong Isa pang mapagkakatiwalaan maliban kay Jiro na aking Hepe at sa Punong Ministro"nakangiting Turan niya at tinapik Ang aking balikat.

Magtiwala ka lang, dahil darating ang Araw na Isa ako sa magiging bangung*t sa Buhay mo. Magpakasaya ka Ngayon.

"Siya nga pala. Itinakda na sa Isang linggo Ang pag-iisang dibdib Namin ni Zairah at sa petsang iyon, marahil ay Isang buwan na rin Ang dinadala niya sa kanyang sinapupunan. Nais ko sanang dumalo ka"Sabi niya.

"Oo kamahalan. Hindi ko mapalalampas Ang kaganapang iyon"tugon ko.

"Salamat kung ganon. Sige na mukhang napagod ka, magpahinga ka Muna sa silid na inilaan ko para Sayo"aniya.

Tango na lamang ang naisagot ko bago lumabas. Sisiguruhin kong hindi mo malilimutan ang Araw ng iyong kasal. Kung ano ang ginawa mo sa kasal ng kapatid ko ay titiyakin kong higit pa doon ang mangyayari.

KINABUKASAN

LAZARO POV

UMUWI ako sa munting kaharian ng aking ama at kinausap siya tungkol kay Herah.

"Buhay si Herah?"nagugulat na tanong niya ngunit sa kabilang banda ay kita sa mga mata niya ang saya.

"Opo ama ngunit hindi niya Tayo naaalala. Nasa Goshen siya at siya ang panibagong Emperatris doon. Nagpakasal sila ni Eero"Turan ko pa na ikinagulat niya Lalo.

"Si Prinsipe Eero? Paano ito nangyari?"naguguluhang tanong niya.

"Siya ang Emperador ngayon ng Goshen. Pinakasalan niya si Herah hindi lang dahil mahal niya si Herah kundi para protektahan din siya"Ani ko pa

"Noon pa man ay talagang wagas na ang kanilang pag-iibigan. Bagay na tinutulan ko"malungkot na sabi niya.

"Huwag mo nang isipin pa ang nakaraan ama. Ang mahalaga ay buhay siya ngayon at ligtas"Ani ko.

"Nais kong ipaghiganti ang nangyari sa aking anak ngunit paano? Oras na kalabanin ko Ang Emperador ay matatalo Tayo at tiyak na mamamat*y"nanlulumong turan ni ama.

"Hindi mo iyan kailangang gawin ama. Ipaubaya mo na sa akin ang tungkol sa bagay na iyan"wika ko.

"Ano ang iyong gagawin Lazaro? Ano ang Plano mo?"nag-aalalang tanong niya.

"Unti-unti kong ibubulgar ang mga kalokohan niya at hihingi din ako ng tulong kay Emperador Eero"tugon ko.

"Ngunit paano kung mapahamak ka?? Hindi ko na Kasama Ngayon Ang Isa kong anak! Kaya hindi ko kakayanin kung pati Ikaw ay mapapahamak!"nag-aalalang wika niya.

"Huwag kang mag-alala ama dahil mag-iingat ako at ipinapangako kong magtatagumpay ako"sagot ko.

Napabuntong hininga na lamang siya at hindi na nagsalita.

FELIPE POV

NARIRITO kami ngayon sa lanta.. sa Lugar kung saan kami nagkukubli at ito din Ang Bahay kung saan nakasama Namin ang Emperador. Hanggang sa ngayon ay hindi ko parin natuklasan kung sino ang taksil sa aming hanay. Kalaliman na ng gabi ngunit hindi parin ako makatulog Hanggang sa nagpasya ako na bumangon at uminom ng tubig ngunit may naramdaman akong mga yabag ng paa palabas ng Bahay kaya sinundan ko ito. Nakita ko si Dario na Isa sa aming mga tauhan na tila ba may hinihintay sa labas at maya-maya pa ay may lumapit sa kanya at nag-usap sila.

"May importante akong sasabihin sayo"Ani ni Dario sa kausap.

"Ano iyon?"tanong ng kausap niya at pamilyar Ang tinig niya sa akin! Ang Hepe ng Lanta!!

"Tungkol kay He-"Hindi na natuloy pa Ang sasabihin niya nung lumapit ako at nagsalita.

"Oh Dario gising ka pa pala? At ano Ang ginagawa Dito ng Hepe ng Lanta?"magkasunod na tanong ko.

"Ahh kasi-"

"Nagtatanong lamang ako sa kanya kung may Balita kayo sa batang si Akie dahil Hanggang Ngayon ay Hindi parin Namin siya natatagpuan"Ang pagsisinungaling ng Hepe.

"Wala kaming Balita tungkol sa nawawalang Prinsipe"sagot ko.

"Kung gayon ay Mauna na ako"sagot ng Hepe at tumalikod na.

Sabay kaming pumasok ni Dario sa Bahay. Nasa likuran niya ako.. dumampot ako ng bote at pinukp*k siya sa ulo dahilan para mawalan siya ng malay. Kaagad kong ginising Ang aking mga Kasama at iginapos siya. Naglakbay kami patungo sa palasyo... Ang Emperador na ang bahala Sayo.

They All Abandoned Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon