CHAPTER 15

2.4K 55 1
                                    

ESTAN/EERO POV

NAGTUNGO ako sa silid ni Herah ngunit Wala siya kaya nagtanong ako.

"Nasaan si H-Lucille?"tanong ko sa Isang aliping babae.

"Nasa hardin Po kamahalan"sagot nito.

"Bakit hinayaan ninyo siyang pumunta Doon?"naiinis na tanong ko.

"Sinikap ko pong pigilan kamahalan ngunit mapilit siya"sagot nito.

Sinundan ko siya sa Hardin at Nakita ko siyang pinagmamasdan ang mga magagandang bulaklak..

"Ang gaganda ng mga bulaklak ano? Pero mas maganda ka"Turan ko.

"Bakit kaya kahit saan ako magpunta ay may nakasunod na malas?"tanong niya habang nakatingin sa akin.

Ganito talaga siya kahit nung una kaming nagkakilala. Ngunit hindi bale. Kung dati napaamo at naangkin ko siya, Ngayon pa kaya?.

"Maganda parin Ang aking magiging Reyna kahit nagsusungit siya"nakangising Turan ko.

Bigla siyang humarap at ngumiti sa akin..

"Nais mo bang matikmang muli Ang aking mga labi?"nakangiting tanong niya.

"Makita ko pa lamang Ang maganda mong Mukha ay masaya na ako iyon pa kayang mahagkan kitang muli?"Ani ko.

"Kung gayon ay ipikit mo ang iyong mga mata"Turan niya kaya kaagad akong pumikit at ngumuso.

Ngunit biglang may bumulong sa akin.

"Hindi mo ako maiisahan! Asa ka!"madiing turan niya.

Napamulat ako sa inis. Kaya hinila ko siya at akmang hahalikan ng biglang.

"Ina pwede Po ba tayong maglaro?"biglang tanong ni Akie dahilan para maitulak niya ako at iniwan ako sa Hardin.

"Wala ka paring ipinagbabago Herah"

FLASHBACK

NARIRITO nagyon si Duke Horio Kasama Ang kanyang Asawa at dalawang anak. Napakaganda talaga ng kanyang Unica Hija na si Herah. Dalawang buwan na akong nanliligaw sa kanya. Nakaupo siya Ngayon sa Isang upuan sa Hardin at nakatingin sa mga bulaklak kaya tinabihan ko siya.

"Ang gaganda ng mga bulaklak ano? Pero mas maganda ka at mas mapula Ang iyong mga labi kumpara Doon sa mga Rosas!"Ani ko.

"Nais mo bang matikman ang aking labi?"tanong niya.

"Oo aking HERAH"sagot ko

"Kung gayon ay pumikit ka mahal na Prinsipe"sabi niya na kaagad kong ginawa at ngumuso na din ako. Ngunit sa halip na humalik ay bumulong siya.

"Kung inaakala mong maiisahan mo ako ay nagkakamali ka...  Sa hitsura mo Ngayon ay para kang sumisipsip ng kuhol!"aniya at nilayasan ako.

END OF FLASHBACK

---

HERAH/LUCILLE POV

PAGKATAPOS kumain ay naligo na ako at nagbihis ng magarang kasuotan. Ngayong araw ang araw ng aming kasal ng Emperador. Suot ko din ngayon ang magagarang alahas at mamahaling sapatos. Katatapos ko lamang ayusan ng may kumatok.

"Bukas iyan!"Sabi ng isang lingkod na nag-ayos sa akin.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Felipe.

"Kamahalan naroroon na po ang lahat maging ang Emperador at Prinsipe. Ikaw na lamang ang hinihintay"aniya.

"Kung gayon ay Tayo na!"Sabi ko sa kanila bago lumabas.

May Kasama ako ngayong sampung aliping babae at dalawampung imperial knights patungo sa mismong looban ng palasyo kung saan naroroon ang trono ng hari at reyna.

"MAGBIGAY PUGAY SA MAHAL NA REYNA!"Ani ni Greco na Hepe nung Makita ako na siyang ginawa naman ng mga kawal.

Habang naglalakad palapit sa unahan ay nakita ko si Akie. Bakas sa mukha niya ang matinding kasiyahan. Nung nakarating ako sa unahan ay napako ang aking tingin sa lalaking ngayon ay nasa harapan ko na, Ang Emperador dahil napakakisig niya.

"Napakaganda mo!"aniya na ikinangiti ko.

At sinimulan na nga ng Arsobispo ang seremonya. Ikinasal niya kami at inabot ito ng halos isang oras bago natapos.

"Inaanunsyo ko na kayong dalawa bilang mag-asawa! Binabati ko kayong dalawa, Mahal na Emperador at Mahal na Emperatris!"ang pagbati ng Arsobispo.

Naupo kami sa trono at kinoronahan ako bilang bagong Reyna ng Goshen.

"MABUHAY ANG EMPERADOR AT ANG EMPERATRIS!"

"BBOOOMMMMM!!"

Nagulat kami nang may narinig kaming Isang napakalakas na pagsab*g mula sa labas dahilan para mapatakbo si Akie palapit sa amin na umiiyak at nangangatal.

GRECO POV (Chief)

MATAPOS ang nangyaring pagsab*g ay pinayuhan namin ang hari at reyna na lumabas. Lumabas ako Kasama Ang lahat ng mga kawal na naririto. Masyadong malaki Ang palasyo kaya Hindi na nakakapagtaka kung hindi napahamak Ang mga nasa kaloob-looban mismo. Bago pa man kami makalabas ng palasyo ay pansin na ang pinsalang inabot ng Entrada ngunit Lalo akong nanlumo nung kami ay nakalabas na. Nakabul*gta at duguan ang mga panauhin sa labas ng palasyo maging Ang mga bantay na imperial knights.

"Tulong! Tulungan ninyo kami!"umiiyak na Turan ng ilang mga sugatan na may malay.

"Libutin ninyo ang paligid at siguruhin ninyo na Wala nang b*mba! Felipe ipagbigay alam Ang lahat ng ito sa Emperador!"utos ko sa kanila.

Sinipat ko ang lahat. Nakakapanlumong sabihin ngunit ang ilan sa mga biktina ay nagkapira-pir*so Ang katawan.

They All Abandoned Me Where stories live. Discover now