CHAPTER 7

3K 74 2
                                    

HERAH POV

HINDI parin ako makapaniwala sa nangyari. Siya pala? Ngunit hindi ko na kailangang magulat pa dahil alam kong may kinikimkim siyang galit sa hari. Patungo sana ako sa silid ng Emperador nang humarang bigla si Zairah.

"Saan ka pupunta?"nakangising tanong niya.

"Nais kong makausap ang Emperador kaya tumabi ka sa daraanan ko"walang emosyong sagot ko.

"Hindi! At isa pa wala kang karapatang kausapin ako ng ganyan Lalo na Ngayon"may pang aasar na Turan niya.

Nasampal ko siya ng malakas at kita sa Mukha niya Ang pagkagulat ngunit nakabawi din agad.. itinulak niya ako pero napaatras lang ako ng kaunti. Itinulak ko din siya dahilan para matumba siya pero nagulat na lamang ako nang biglang may palad na dumampi sa aking pisngi.

"WALA KANG KARAPATANG SAKTAN ANG INA NG MAGIGING ANAK KO!!"Ang nanggagalaiting sigaw ng Emperador.

"Ngunit napakabast*s ng isang iyan!"madiing turan.

Nagdidilim Ang Mukha niya Ngayon at bigoa akong sinak*l.

"Ahhkk!! B-bitiw!"nahihirapang Turan ko habang sinasak*l niya ako.

"Ina? Ina!"Ang pagtawag ni Akie sa akin.

Nakita niyang sinasak*l ako ng kanyang ama.

"Ama! Pakiusap huwag mong saktan si Ina! Huhuhu!"umiiyak na pagmamakaawa niya.

Halos mag didilim na ang aking paningin nang bitawan niya ako.

"Uhu! Uhu!"Ang pag-ubo ko

"Umalis kana sa harap ko Bago pa kita tuluyan!"Galit na Sabi ni Jacob at inalalayan ang k*bit niya.

Napatingin ako kay Zairah na nakatingin din sa akin at nakangisi. Umalis na ako Kasama si Akie upang pumunta sana sa kulungan ni Lily ngunit mahigpit akong pinagbawalan na kausapin siya kaya hindi na ako nagpumilit pa.

LILY POV

MATAPOS kong umamin ay kaagad akong hinatulan ng parusang kamat*yan sa oamamagitan ng pagpug*t sa aking ulo. Hindi inakalang sasapitin ko ito ngunit Wala na akong magagawa. Hindi ko kayang ipahamak Ang isang taong minsan na akong itinuring na matalik na kaibigan. Ngunit bago ako pumanaw, ay isa na lamang Ang nais kong gawin. Ang maihayag sa Reyna ang katotohanan may kinalaman sa kanyang anak. Gumawa ako ng liham at matapos nito...

"Mario, makikisuyo sana ako Sayo.. pakiusap"Sabi ko sa Isang kawal na nakabantay.

"Ano Ang iyong ipakikisuyo?"tanong nito

"Tawagin mo ang kapatid kong si Kleo. May importante sana akong sasabihin"Ani ko.

"Sige. Sandali"aniya at umalis.

Maya-maya pa ay bumalik na siya kasama si Kleo.

"Lily! Bakit mo iyon ginawa?"umiiyak na tanong nito.

"Wala na tayong magagawa kaya huwag ka nang umiyak. May ipagagawa sana ako"Ani ko.

"Ano iyon?"tanong niya.

"Ibigay mo ito sa mahal na Reyna Ngayon din!"utos ko sa kanya at iniabot sa kanya Ang ginawa kong liham.

"Tiyakin mong makakarating iyan sa kanya at huwag mong hahayaan na may ibang makakabasa maliwanag?",bilin ko pa

"Masusunod"sagot niya at tinalikuran na ako.

Wala akong ibang magawa kundi Ang mapaluha.... Sana'y maging maayos na Ang lahat kahit bago man lang ako puman*w.

KLEO POV

PATUNGO ako ngayon sa Reyna habang Dala ang sulat na ginawa ni lily para sa kanya ngunit napaisip akong mabuti kung ano ba Ang nilalaman ng liham kaya binass ko ito.

Mahal na Reyna patawarin mo sana ako kung hindi mo na ako makakasama ng matagal. Hindi ko na kayo mapaglilingkuran ni Akie. Ngunit sana ay Lalo mo akong mapatawad dahil sa Isang lihim na napilitan akong itago Sayo ng matagal na panahon. Tungkol ito sayong anak. Inutusan ako ng iyong ama na pat*yin ang Bata pero hindi ito kaya ng aking konsensya. Noong mga panahong iyon ay napabalita na Ang unang Asawa ni Emperador Jacob ay nagkukubli sa Hassan upang magpagamot Kasama Ang inang Reyna. Sa oamamagitan ng kanilang kanang kamay na si Hyun ay nakausap ko ang dalawang Reyna at napagkasunduan naming tatlo na kukupkupin nila ang bata. Ang alam ko ay kaagad na pumayag Ang Emperador at upang maniwala Ang lahat na Ang Bata ay kanilang anak ay iniulat na Ang Reyna ay nagdalangtao kaya nagtago at nanganak na. Ang Bata ay pinangalanan nilang Akie. Oo kamahalan, si Akie ang nawawalang anak ninyo ni Prinsipe Eero! Nakikiusap ako kamahalan! Oras na makarating Sayo Ang sulat na ito, tumakas kana sa impy*rnong palasyong ito at isama mo si Akie! Mamuhay kayo ng tahimik at huwag mo na akong isipin pa"

Si Akie? Anak ng Reyna? Nagulat na lamang ako nang may sandatang tumutok sa leeg ko.

"Ano yang binabass mo?"seryosong tanong ng hari.

"W-wala Po kamahalan. Mauna na ako"Ani ko. Aalis na sana ako nang magsalita siya

"KINAKAUSAP PA KITA ALIPIN!"sigaw niya

"Patawad kamahalan!"Ani ko at lumuhod sa kanyang harapan.

"Ibigay mo sa akin ang sulat!"maawtoridad na Sabi nito.

"Patawad kamahalan ngunit-"

"Ibibigay mo I gigilitan ko yang leeg mo?"tanong niya habang nagdidilim Ang Mukha kaya napilitan akong ibigay ss kanya Ang liham at binasa niya ito.

Pagak siyang napatawa at pinunit ang papel.

"Huwag na huwag makakarating kay Herah Ang tungkol dito! Kung hindi ay mauuna kapa at Ang buong pamilya mo Kay lily! Maliwanag ba??"Galit na Turan niya.

"O-opo kamahalan"nangangatal na sagot ko.

Tinalikuran niya ako pero palihim ko siyang sinundan.

EMPEROR JACOB POV

TINALIKURAN ko na ang alipin at ipinatawag si Mando sa aking silid.

"Ano Po Ang ipag-uutos ninyo kamahalan?"tanong niya.

"Ang batang si Akie... Dukutin mo siya at pasl*ngin sa gitna ng kagubatan!"maawtoridad na turan ko.

"Ngunti kamahalan bakit nais ninyong pasl*ngin ko ang iyong anak?"gulat na tanong niya.

"Huwag ka nang matanong pa kung ayaw mong madamay sa Galit ko!"Galit na Turan ko...

"Masusunod mahal na Emperador!"

They All Abandoned Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon