CHAPTER 31

1.6K 34 0
                                    

HERAH POV

MASAYA akong pinagmamasdan sina Eero at Akie na naglalaro. Hindi ko inakala na makakaramdam ako ng ganitong klasing kasiyahan sa buhay. Noong una akala ko ay kinalimutan na niya ako ngunit nagkakamali ako dahil mahal na mahal niya ako at Isa pa,  hindi ko din inakala na buhay pa pala ang aking anak at nasa piling ko pa mismo. Sa ngayon ay wala na akong ibang mahihiling pa kundi ang makapaghiganti. Nagulat na lamang ako nang biglang may mga brasong pumulupot sa aking baywang.

"Mukhang malalim ang iniisip ng aking Reyna"ang bulong sa akin ni Eero.

"Masaya lamang ako dahil magkakasama na tayong tatlo"tugon ko.

"Pero ako po hindi masaya kasi wala parin akong kapatid"aabi ni Akie.

"Huwag ka nang malungkot anak dahil kagaya ng sinabi ko, hindi ako titigil hangga't hindi ko naibibigay ang iyong gusto"nakangiting turan ni Eero sa anak. Alam ninyo, kung may gamot lamang sa kamany*kan ay hindi tatablan ang Isang ito.

ZAIRAH POV

NAPAKAHIRAP dahil sa mga nangyari sa buhay ko. Nawala sa akin ang aking anak at kahapon ay kinumpirma sa akin ng mga manggagamot na mahihirapan na akong magkaanak. Lumabas ako sa aking silid upang hanapin ang Emperador at habang naglalakad ay nasalubong ko si Laarni na aking lingkod.

"Hoy alipin nakita mo ba ang mahal na Emperador?"tanong ko sa kanya.

"Ahh nadinig ko po na nasa pagpupulong daw"tugon niya.

"Pagpupulong? Tungkol saan?"magkasunod na tanong ko.

"Tungkol daw po sa bagong babae niya"tugon nito na ikinadurog ng puso ko. Kaagad akong nagtungo sa kanyang opisina kung saan siya nakikipagpulong kasama ang kanyang Punong Ministro, mga Ministro at kanyang mga taga payo. Mayroon ding isang babae dito.

"Ano ang ginagawa mo dito Zairah?"malamig na tanong ni Emperador Jacob.

"Hindi ba dapat na ako ang nagtatanong niyan??"nagagalit na tanong ko.

"Lumabas ka dito Zairah. Hindi ka kailangan sa pagpupulong na ito. Mamaya na tayo mag-usap"malamig pang sagot niya dahilan para mapaluha ako.

"Ano ang kasalanan ko sayo para gawin mo sa akin ito?? ANO??"umiiyak na tanong ko sa kanya.

"Mga kawal, ilabas ang Reyna at dalhin sa kanyang silid"ang utos ng Emperador sa mga kawal.

"Hindi na kailangan!"Ani ko at padabog na umalis. Bumalik ako sa aking silid habang umiiyak. Maya-maya pa ay biglang bumukas ang aking silid at iniluwa nito si Jacob.

"Bakit kinailangan mong gawin iyon?"tanong ko sa kanya.

"Mahal kita Zairah ngunit nakasaad sa batas na kinakailangang kumuha ng Emperador ng babae lalo na kung nahihirapan siyang magkaanak sa pamamagitan ng kanyang Reyna"tugon niya.

"Ngunit paano ako?? May damdamin din ako! Hindi ko kakayanin kung dalawa kami sa Buhay mo"naiiyak na Ani ko.

"Wala kang ibang magagawa kundi Ang magsakripisyo alang-alang sa kaharian!"tugon niya.

"Mas mahalaga ba talaga sayo ang kahariang ito kaysa sa akin?"tanong ko.

"Mahalaga ka sa akin ngunit mas binibigyan ko ng prayoridad ang palasyo. Nasa sayo naman iyan kung gusto mong manatili Dito"malamig na turan niya bago umalis.

Parang dinudurog ang puso ko dahil sa narinig ngunit hindi ako aalis dito! Ayoko! Ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa Emperador at magiging impy*rno ang buhay ng babaing iyan dito sa palasyo. Kung si Herah nga na anak ng Isang duke ay nakaya ko, siya pa kaya?

LAARNI POV

LABIS-LABIS akong nagagalak sa mga nagaganap. Sumasang-ayon ito sa aking mga kagustuhan at sa plano nina Eero at Herah. Si Lazaro na aking nobyo ay nagmungkahi sa kamahalan na kumuha ng babae na kaya siyang bigyan ng anak at ipinakilala ni Lazaro si Clara sa Emperador. Maganda siya, matangkad at mahaba ang buhok. Di hamak na mas maganda siya kay Zairah. Hindi man aminin ng Emperador ay alam kong natipuhan niya siya dahil iba ang tingin ng Emperador sa kanya ngunit lingid sa kaalaman ng lahat na si Clara ay Isa sa mga rebeldeng kasamahan nina Felipe na tauhan ni Emperador Eero. Mabab*liw ka ngayon lalo Zairah.

ZAIRAH POV

KALALIMAN na ng gabi at hindi parin ako makatulog dahil sa mga nangyari. Hindi ko mapigilang maiyak muli dahil sa mga nangyayari hanggang sa may narinig akong mga tawa sa labas ng aking silid kung kaya nilabas ko ito at muli akong nagulat sa nakita, si Herah!! Nakaitim na damit siya at belo. Nakakatakot ang hitsura niya¡!!!

"Kamusta Zairah? Ang balita ko ay b*liw na b*liw daw ang Emperador sa babae niya?"nakangising turan niya.

"H*YOP KA!! KAILAN MO BA AKO TITIGILAN?"sigaw ko.

"ahahahahah hindi pa ako tapos sayo"nakangising saad niya.

"SI HERAH!!! NARIRITO SIYA!!"natatakot na sigaw ko dahilan para mapatakbo siya. Hindi ko alam pero nagkaroon ako ng lakas ng loob na habulin siya ngunit napatigil ako sa may tapat ng silid ng Emperador nang may narinig akong mumunting mga ung*l. Parang dinudurog ang puso ko at hindi ko mapigilang muling maiyak.

"Ahahahha"ang nakakalokong tawa niya mula sa direksyon na tinakbuhan niya kung kaya may naisip ako. Kinatok ko ang silid ng Emperador.

"KAMAHALAN!! KAMAHALAN!!"tawag ko habang patuloy sa pagkatok.. maya-maya pa ay pabagsak na bumukas ang pinto at nakita ko siya. Nakita ko din ang babae niya sa loob ng kanyang silid. Ngumiti siya sa akin.

"Bakit mo ako inaabala Zairah??"tanong niya.

"Si Herah! Nakita ko siya na nanakbo hanggang Doon" ani ko at itinuro ang tinakbuhan niya. Doon ko lang napansin na may kawal pala sa tabi ng tinakbuhan niya.

"Kawal! Anong sinasabi nito na nakita daw niya si Herah! Totoo ba?"tanong ng Emperador.

"Kamahalan, kanina pa ako naririto ngunit wala akong Herah na nakikita at paano ko naman siya makikita gayong pat*y na siya?? Isang bagay pa ay ang pagsigaw at pagtakbo lamang ng Mahal na Emperatris ang nakita ko"Ani pa niya.

"SINUNGALING!!"sigaw ko.

"INABALA MO AKO NG DAHIL SA KAB*LIWAN MO?? AYOKO NANG MAUULIT PA ITO!!"ang nanggagalaiting sigaw ng Emperador bago pumasok muli sa kanyang silid.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak hanggang sa ako ay nakatulog.

KINABUKASAN

LAZARO POV

NANGGALING dito si Herah kagabi upang muling sindakin si Zairah at muli naman siyang nagtagumpay at ngayong umaga ay patungo ako sa Opisina ng Emperador dahil ipinatatawag niya ako. Kumatok ako sa pinto at kaagad naman itong bumukas at iniluwa ang Emperador.

"Ipinatatawag mo daw ako kamahalan?"tanong ko.

"Pumasok ka muna dito"aniya kaya pumasok ako at isinara ang pinto ng kanyang opisina.

"Tungkol saan at nais mo akong makausap?"tanong ko.

"Nais ko lamang humingi ng payo sayo tungkol kay Zairah"aniya.

"Ano ang tungkol sa Mahal na Emperatris?"tanong ko.

"Kung anu-ano na ang kanyang nakikita at naririnig. Ano ang dapat kong gawin? Ayokong sabihin ito ngunit tila ba nagkakaroon na siya ng sakit sa isip?"tanong niya.

"Ang mga may sakit ay nangangailangan ng gamot at manggagamot kamahalan"tugon ko.

"Ano ang ibig mong sabihin? Kailangan kong ipagamot siya?'tanong niya.

"Ayoko sanang makialam ngunit ito ang makabubuti kamahalan. Oras na lumala ang kanyang kondisyon ay malalaman ito ng lahat"tugon ko.

"Talagang Mahal na Mahal mo siya"nakangiting turan ko.

"Pero dalawa na sila "aniya.

"Ano ang ibig mong sabihin?"tanong ko.

"Si Clara, mukhang naiibigan ko na din siya. Silang dalawa ni Zairah ay parehas kong minamahal"aniya.

"Mabalik tayo sa usapan. Ano na ang balak mo kamahalan?"tanong ko pa.

"Wala na akong iba pang magagawa kundi ang ipagamot siya"tugon ng Emperador..

They All Abandoned Me Donde viven las historias. Descúbrelo ahora