CHAPTER 29

1.7K 40 0
                                    

HERAH POV

NAKAUPO ako sa trono ng Reyna habang naglalaro si Akie sa harapan ko kasama ang iba pang mga bata.

"Prinsipe Akie alam mo ba galing kami ng Lola ko sa pamilihan? Malapit talaga kami sa isat Isa. Ikaw ba?"tanong ng Isa niyang kalaro dahilan para matigilan Ang aking anak.

"Bakit? Wala ka bang naaalala na masaya kayong magkasama?"tanong pa ng kalaro niya ngunit nanatiling tahimik ang aking anak.

"Mga bata, masyado pa kasing bata si Akie nung nawala ang lola niya. Kung maaari ay ibahin na lamang ninyo ang pinag-uusapan ninyo"Turan ko sa kanila na ikinatango naman nila at nagpatuloy sa paglalaro.

Talagang malaki ang naging epekto ng pangyayaring iyon sa anak ko. Nawawalan siya ng gana tuwing mapag-uusapan o mababanggit ang kanyang Lola. Kasalanan mo ito Jacob!

"Mukhang malalim ata ang iniisip ng aking Reyna?"biglang tanong ni Eero at naupo sa kanyang trono na nasa aking tabi.

"Naaalala ko lamang ang mga naganap"tugon ko.

"Masakit sa dibdib Ang mga nangyari at hindi katanggap-tanggap"aniya.

"Mahal na Emperador at Mahal na Emperatris naririto na po si Lazaro"Ani ni Greco.

"Papasukin siya"utos ko

"Ano ang ginagawa dito ng iyong kapatid?"tanong ni Eero.

"Pinadalhan ko siya ng liham sa pamamagitan ng ating mensahero. Ipinatatawag ko siya"tugon ko.

Pumasok na nga si Kuya at yumukod sa aming harapan.

"Ano ang maipaglilingkod ko sa aking kapatid na Reyna?"tanong niya.

"Mamayang gabi ay may bibisitahin ako sa palasyo ng Lanta. Kailangan ko ng tulong mo kuya"Ani ko na ikinagulat nila pareho.

"Mapanganib ang iyong binabalak Herah!"Ani ni Eero.

"Tama ang Emperador Herah"Ani ni Kuya.

"Kaya nga humihingi ako ng tulong ehh. Tulungan naman ninyo sana ako! Ayokong manatili lamang Dito! Gusto kong maghiganti"ang may halong hinanakit na turan ko.

"Ano ang binabalak mo Herah?"tanong ni Eero.

"Bibisitahin ko ang isa sa mga taong nagpahirap sa akin. Si Zairah! Siya ang una kong kakamustahin! Sisindakin ko siya"seryosong Turan ko.

"Ngunit-"

"Nakikiusap ako sayo Eero!"ang pakikiusap ko.

"Ngunit paano?"tanong niya.

"Kung nakapagpasya kana ay sige. Ako na Ang bahala sa mga kawal!"Ani ni Kuya.

"Ano ang ibig mong sabihin Lazaro?"tanong ni Eero.

"Kagaya ng itinuran ko, may mga kawal na hindi tapat sa iyong kapatid! Pupulingin ko sila at titipunin at Sila ang pagbabantayin ko mamayang gabi upang hindi manganib si Herah. Ako man ay magbabantay din!"Ani ni Kuya.

"Sasama ako"turan ni Eero.

"Ngunit baka mapahamak ka"Ani ko

"Hindi iyon mangyayari dahil hindi naman ako papasok. Hihintayin lamang kitang makalabas! Hindi ako mapapakali kung Ikaw lamang ang paroroon Herah"Turan ni Eero.

"Sige, pumapayag ako"Ani ko.

LAZARO POV

MATAPOS makabalik sa palasyo, ay nalaman kong abala na naman si Emperador Jacob dahil ipinapasyal niya si Zairah sa parke.

"Ipinatatawag mo ako. May kailangan ka ba Hepe?"ang tanong ni Vener na komandante.

"Meron. Tipunin mo ang lahat ng mga kawal na nakatuwang natin sa pagpapasab*g sa palasyo. May mahalaga tayong pag-uusapan. Doon Tayo sa silid na ipinagawa ng hari para sa akin at hihintayin ko kayo roon"ani ko.

They All Abandoned Me Where stories live. Discover now