CHAPTER 35

1.7K 33 0
                                    

LAZARO POV

PABALIK na ako sa aking silid matapos makausap si Laarni. Hindi ko kakayanin kung mawawala siya sa akin at lalong hindi ko kakayanin kung sa mga kamay ko mismo siya mamam*tay. Ano ang aking gagawin?

"Lazaro!"ang malamig na tinig na tumawag sa akin. Ang Emperador.

"Bakit kamahalan?"ang tanong ko sa kanya.

"Maging matapat ka sana sa akin. Si Laarni ay iyong nobya. May kinalaman ka din ba sa tangkang pagl*son niya sa akin?"ang tanong niya. Pinagdududahan ba niya ako?

"Hindi kamahalan! Hindi ko iyon kayang gawin sa inyo ngunit makikiusap sana ako sa inyo! Patawarin mo sana siya at huwag nang ipabit*y pa sa akin. Mahalaga din siya sa akin kamahalan!"ang pagmamakaawa ko.

"Ipagpaumanhin mo Lazaro ngunit hindi ko magagawa ang iyong hinihiling sa akin! Masyadong mabigat ang kanyang kasalanan. At sa totoo lang ay may nais sana akong sabihin sayo kaya kita kinakausap"aniya.

"Ano po iyon kamahalan?"ang nanlulumong tanong ko.

"Suspendido ka muna sa nilolooban ng Isang linggo matapos ang isasagawang pagbit*y bukas. Si Vener ang pansamantalang hahalili sayo"aniya na lalong ikinapanlumo ko ngunit napatango nalang din ako kalaunan. Tinalikuran na niya ako at naglakad siya palayo. Ano ang aking gagawin? Maglalakad na sana ako patungo sa aking silid nang bigla akong tinawag ni Vener.

"Hepe!"ang pagtawag niya at lumapit sa akin.

"Ano iyon Vener?"tanong ko.

"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa! Si Laarni ay naging mabuti ang pakikisama sa mga tao dito at maging sa akin kung kaya nais ko siyang maligtas!"aniya.

"Ano ang ating gagawin Vener? Ano?"ang naguguluhang tanong ko.

"Itatakas natin siya"bulong niya na ikinasang-ayon ko.

"Salamat sa pagnanais mong matulungan kami sa aming suliranin ngunit paano natin ito maisasagawa?"tanong ko.

"Mamayang kalaliman ng gabi ay itatakas natin siya! At pat*yin natin ang mga nakabantay sa likod natin siya idaan at hihingi din tayo ng tulong sa mga kawal na ating mapagkakatiwalaan"aniya na ikinasang-ayon ko.

"Maraming salamat sa pagmamalasakit Vener! Kausapin na natin ang ilan sa mga imperial knight! Nasaan Sila?"tanong ko pa.

"Nasa labas!"aniya kung kaya nagtungo kami roon at kinausap sila.

"Makinig kayo. Si Laarni na aking nobya ay nakapiit at nakatakdang bit*yin bukas. Nais ko sanang hingin ang tulong ninyo! Nakikiusap ako sa inyo! Tulungan ninyo kami ni Vener na maitakas siya"ang pakikiusap ko sa kanila na ikinasang-ayon nila.

"Ngunit paano ito Hepe? Oras na maitakas natin siya ay tiyak na Ikaw ang mapag-iinitan ng Emperador?"ang nag-aalalang tanong ng Isang kawal.

"Huwag ninyo akong alalahanin dahil hindi na ako magpapakita dito sa palasyo matapos ang gabing ito. Tutal ay mapagkakatiwalaan naman ang ating komandante"Ani ko pa.

"Kung iyan ang iyong pasya"ang tugon nila.

Makalipas ang apat na oras ay sumapit na nga ang kalaliman ng gabi at patungo na kami ni Vener sa piitan. May takip ang kanyang mukha at nakaitim na kasuotan upang hindi siya makilala samantalang ako ay simple lamang ang kasuotan at walang takip ang mukha. Tutal ay hindi na din naman ako magpapakita sa kanila matapos nito. Ang mga kawal ay nakabantay sa labas ng palasyo. Pagdating namin sa piitan ay naroroon ang dalawang bantay.

"Sino ang kasama mo Hepe? At ano ang sadya ninyo dito? Tapos na ang oras ng pagdalaw!"Ani ng Isa sa kanila.

"Kayo talaga ang aking sadya!"Ani ko at sinunggaban namin ang dalawa. Nanlaban sila ngunit maya-maya pa ay napasl*ng na namin. Kinuha ko ang susi mula doon sa Isang bantay at binuksan ang piitan.

They All Abandoned Me Where stories live. Discover now