CHAPTER 21

2K 46 0
                                    

EMPEROR ESTAN/EERO POV

NAGISING ako nung naramdaman kong may maliit na labi na dumampi sa aking pisngi.

"Magandang Umaga ama!"Ang nakangiting pagbati ni Akie. Oo dito siya natulog kagabi dahil natakot siya.

"Magandang Umaga din Akie. Baka hanapin ka ng iyong ina, puntahan mo siya sa kanyang silid"Ani ko kaya lumabas siya sa aking silid upang puntahan si Herah. Sa totoo lang ay nadismaya ako sa nangyari kagabi dahil hindi man lang nasagot ang aking katanungan. Hindi ko din maiwasang mangulila sa naging anak namin ni Herah ngunit aaminin ko na nababawasan Ang aking pangungulila kapag kasama ko si Akie, siguro ay dahil sa magkasing-edad lang sila. Nabalik ako sa ulirat nang may biglang kumatok sa aking silid kaya kaagad ko itong binuksan.

"Kawal, ano ang iyong sadya?"tanong ko.

"Kamahalan, nariritong muli si Lazaro at may nais siyang sabihin sa inyo"aniya.

"Patuluyin siya sa harap ng aking trono"tugon ko bago isinarang muli ang pinto at iginayak ang aking sarili.

Nagtungo ako sa kinaroroonan niya at ng aking trono at naupo.

"Ano ang iyong sadya Lazaro?"tanong ko.

"Naririto ako dahil nais ko sanang humingi ng tulong sayo"aniya.

"Anuman ang hilingin mo ay ibibigay ko kaya magsalita ka"tugon ko.

"Nais kong magtulungan tayo para maghiganti sa kapatid mo"Turan niya.

"Pareho tayo ng iniisip. Gusto ko ding maipaghiganti ang si Ama at si Herah sa taong iyan ngunit paano tayo mag-uumpisa?"tanong ko.

"Unti-unti natin siyang pabagsakin. Bukas na nga pala ang araw ng kasal nila ng babae niya"ang pag-uulat niya na ikinangiti ko ng malaki.

"Saan gaganapin ang kasal? Sa palasyo ba?"nakangiting tanong ko.

"Hindi, sa simbahan mismo! Sa may tapat ng Plaza"tugon niya na lalong nagpalawak ng aking ngiti.

"May plano ka ba?"tanong niya.

"Meron... At tinitiyak kong masosorpresa sila ng husto"nakangising turan ko.

"Ang lahat ba ay patungo sa simbahan?"tanong ko pa.

"Marahil ay ganon na nga tapos magkakaroon din ng munting programa sa ekstensyon ng palasyo na bagong Tayo lamang"tugon niya.

"Malayo ba ito sa mismong palasyo?"tanong ko.

"Oo kamahalan, medyo malayo din"tugon niya

"At Isang bagay pa ay alam mo ba na may mga kawal sa palasyo na hindi tapat sa kapatid mong hari. Karamihan sa kanila ay nais mag-aklas laban sa kanya ngunit hindi nila alam ang kung paano ito gagawin ang iba ay nananalangin pa na bumalik ka na sa palasyo"Ani pa niya na Lalo kong ikinatuwa.

Tila ba sumasang-ayon sa akin ang pagkakataon.

"Ano ang balak mo kamahalan? Babalik ka na ba sa palasyo bukas?"tanong niya pa.

"Hindi na ako babalik doon dahil mayroon na akong sariling kaharian at naririto din ang aking asawa at anak! Ngunit may iba akong plano"sabi ko.

"Ano iyon kamahalan?"tanong pa niya.

"May mga tauhan akong rebelde sa Lanta na pinamumunuan ng kaibigan kong si Felipe. Gumagawa sila ng bomba.. kailangan natin siyang makausap"Ani ko.

"Nais mong silang pasab*gan ng bomba sa kanilang kasal?"tanong niya.

"Hindi Lazaro.... Ang palasyo ang wawasakin natin"Turan ko dahilan para mapatango at mapangiti siya.

"Maglalakbay tayo patungong lanta ngayon din!"Ani ko.

Nagtungo muna ako sa aking silid upang magbihis na pangsibilyan bago lumabas sa aking silid.

"Saan ka patutungo?"tanong ng napakaganda kong Emperatris.

"May importante lamang kaming pupuntahan ni Lazaro"tugon ko.

"Ahh ganon ba? Iimbitahan kasi sana kita na mag-almusal kasama si Akie ngunit may pupuntahan ka pala"dismayadong tugon niya.

"Pasenya kana Lucille kailangan talaga ehh ngunit huwag kang mag-alala babawi ako sayo pagkauwi ko"sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

EMPEROR ESTAN/EERO POV

MATAPOS magpaalam kay Herah ay kinuha ko na ang aking kabayo at ito ang aking ginamit sa aming pagalalakbay ni Lazaro habang siya naman ay may sariling kabayo. Apat na oras ang lumipas bago kami nakarating sa tinutuluyan nina Felipe.

"Kamahalan, biglaan ata ang iyong pagdalaw at bakit kasama ninyo ang komandante ng Lanta?"tanong nito habang may pagtatakang tinitingnan si Lazaro.

"Huwag kang mag-alala Felipe dahil isa siyang kakampi"tugon ko.

"Ngunit paano siya magiging kakampi gayong mataas Ang kanyang katungkulan na pangalawa sa Hepe nila?"tanong pa niya.

"Huwag kang mag-alala Felipe Tama ang sinabi ng Emperador! Hindi ninyo ako kalaban dahil hindi ako katulad ni Emperador Jacob at ng Hepe na mga walang budhi at isa pa ay ako ang nakatatandang kapatid ni Herah"Ani ni Lazaro dahilan para mapanatag si Felipe.

"Kung gayon ay ano ang inyong sadya?"tanong ni Felipe.

"Kaya ba ninyong gumawa ng limang mga bomba?"tanong ko.

"Hindi, sapagkat Ang ilan sa ating mga tauhan ang hindi maganda Ang pakiramdam ngunit may anim na mga nakatabi dito"tugon niya.

"Kung gayon ay mainam"nakangiting Turan ni Lazaro.

Sinabi namin sa kanila ang aming Plano at lahat naman sila ay sumang-ayon. Napag-usapan naming mabuti ang aming magiging mga hakbang.

"Tungkol sa mga kawal namin na nais pabagsakin ang hari ay ako na ang bahalang makipag-usap sa kanila... Kami na din ang kukuha sa mga bomba mamaya at palihim na itatanim sa palasyo bukas habang wala ang Emperador"Ani ni Lazaro na sinang-ayunan ng lahat.

Matapos ang aming pag-uusap ay bumalik ako kaagad sa palasyo habang si Lazaro ay bumalik sa kaharian ng kanyang ama na Isang Duke.

Pagkauwi ay nakita ko si Akie sa kanyang silid na kasama si Herah at masaya silang naglalambingan kung kaya lumapit ako. Umiwas ng tingin si Herah nung nakuta ako. Nagtampo ata?

"Naririto ka na po pala ama!"aniya at niyakap ako.

"Ama, Ina pwede po ba ninyo akong halikan sa pisngi?"tanong niya habang nakaturo sa magkabilang pisngi niya.

"Oo naman"sabay na sagot naming dalawa ni Herah.

Hahalikan na sana namin siya ng bigla siyang umiwas dahilan para maglapat ang mga labi namin ni Herah.

"Akie ano ba??"naiinis na Ani ni Herah sa anak ngunit tinawanan lamang siya nito.

"Huwag mong sabihing papatulan mo ang anak mo ng dahil lang doon?"Sabi ko sa kanya.

Hindi na siya nagsalita pa... Umiwas siya ng tingin sa akin ngayon habang namumula ang kanyang mga pisngi.

They All Abandoned Me Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin