CHAPTER 1

9.7K 132 7
                                    

HERAH POV

MAAGA akong nagising. Hindi ko napansin na nakatulugan ko na pala Ang pag-iyak. Nanliit ako sa nalaman at sa trato nila sa akin. Kaagad akong bumangon at naligo. Nagpadala din ako ng pagkain sa aking silid. MATAPOS maligo at kunain ay inayusan nila ako ng magarsng kasiotan at ipinatong sa aking ulo ang korona. Anong Meron? Ngayon pasisinayaan ang piging para sa babae niya. Ayokong pumunta pero tawag ito ng tungkulin. Ayon sa batas, ang Emperor ay nangangailangan na kumuha ng concubine.

"Ina ano po bang nangyayari Ngayon?"inosenteng tanong ng batang si Akie.

Siya ay anak nina Emperor Jacob at ng dating Emperatris na si Janna na pumanaw dalawang taon na Ang nakalipas. Matapos na makasal kami ni Jacob ay ako na ang itinuring niyang Ina.

"Masyado ka pang Bata para maunawaan Ang lahat Akie. Yannah dalhin siya sa kanyang silid"Ani ko.

Kinuha nga niya ang bata. Dumeretso ako sa gusali kung saan ito gaganapin. Lahat Sila ay nakatingin sa akin.

"Sa kabila ng ganda niya ay nagawa parin siyang ipagpalit"

"Ang Sabi naman ay nadisgrasya na iyan"

Iyan ang mga bulung-bulungan na aking narinig ngunit hindi ko pinansin. Hindi ko mapigilan ang masaktan Lalo na nung nakita ko sila sa unahan. Masaya siya habang sinusubuan ang kanyang kabit habang ako naman ay nakakuyom Ang mga kamao at pinipigilan Ang sarili na mag-eskandalo. Nakakaramdam ako ng panliliit sa ginagawa nila. Pasimpleng sumulyap sa kinaroroonan ko si Zairah. Ngumisi ito na tila ba nang-aasar at sinubuan si Jacob.

Maya-maya pa ay nagsalita na ang hari dahilan para matahimik ang lahat

"Ako'y lubos na nagpapasalamat sa inyong lahat para sa walang hanggang pagsuporta ninyo sa imperial family Lalo na sa akin. Nais ko sanang ipakilala sa inyo ang babaing aking pinakamamahal, at ang tunay na Reyna sa puso ko, si Lady Zairah Bukater"Ang pagpapakilala niya sa kabit niya habang nakatingin sa akin.

Sa nilolooban ng isang taon naming pagsasama ay naging mabuti akong asawa sa kanya. Isang mabuting Ina sa batang Prinsipe na si Akie at Isang mabuting Reyna kung kaya Hindi ko maunawaan kung bakit kailangan kong danasin ito. Nakita ko sina ama at Ang pamilya niya na lumapit at nakipagkamay sa Emperador at sa concubine nito. Sila! Sila ang dahilan kung bakit ko ito dinaranas.

FLASHBACK

NASA loob ako ngayon ng aking silid nang biglang may kumatok.

"Bukas iyan"walang ganang sagot ko.

Bumukas ang pinto at iniliwa nito ang Isang maid.

"Ipinatatawag po kayo ng Duke Prinsesa"aniya dahilan para lumabas ako ng silid at nagtungo ako sa silid ng aking ama. Naroroon din si Liza. Ang aking stepmother.

"Ipinatatawag ninyo ako. Bakit?"tanong ko.

"Ang inang Reyna ay naghahanap ng pangalawang mapapangasawa ng anak nitong hari. At Ikaw ay Isa sa mga magiging kandidata"maawtoridad na Turan ni ama.

"Ngunit maaari akong patayin oras na Hindi ako mapili! Nakikiusap ako Sayo ama!"Ani ko at lumuhod sa harap niya.

"Nakapagbigay na ako ng salita sa kanila at Isa pa mainam nga kung Hindi ka mapili at mamatay ka dahil malas ka sa Buhay ko!!"sigaw niya dahilan para ako ay mapaluha.

Tumayo ako at nagsalita

"Hanggang Ngayon ba ay ako parin Ang sinisisi ninyo sa mga nangyari? O dahil lamang ito sa sulsol ng malanding iyan?"naiiyak na sambit ko sabay turo kay Liza.

Nagulat na lamang ako nung dumampi ang palad ni ama sa aking pisngi.

"Wala kang karapatang magsalita ng ganyan sa aking Asawa! Ako masusunod Herah! Ginagawa ko ito dahil sa pagnanais kong mawala kana sa landas ko! Makakalabas kana!"aniya.

Lumabas ako ng kanyang opisina ngunit nasa may pintuan pala si Lizzy na anak ni Liza sa unang Asawa. Nakangisi ito sa akin.

"Kung ako Sayo ay magdasal kana dahil sigurado ako na hindi ka mapipili at hindi kana magtatagal sa Mundo"nakangising Turan niya Bago pumasok sa opisina ng aking ama at masayang nakipagkwentuhan sa kanila.

END OF FLASHBACK

---

HERAH POV

MATAPOS Ang lahat ay nagtungo ako sa aking silid upang magpahinga. Kasama ko Ngayon si Akie nang biglang may kumatok sa pintuan ng aking silid

"Come in"Sabi ko.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang Isang court lady na si Mayra.

"Mahal na Emperatris, ipinatatawag po kayo ng Mahal na Emperador sa kanyang silid. Nais ka daw niyang makausap"aniya

"Sige susunod na ako"sagot ko.

"Akie Dito ka muna, mag-uusap lamang kami ng ama mo"Ani ko na ikinatango niya.

Kaagad akong lumabas at nagtungo sa kanyang silid. Ngunit nagulat ako sa Nakita nung buksan ko Ang pinto. Nakita ko siya at Ang concubine niya na magkapatong sa kama at mga walang saplot. Nanlambot ako sa nadatnan ngunit hindi ako nagpahalata.

"Ipinatatawag mo daw ako"walang emosyong sambit ko.

"Wala lang. Umalis kana"sagot ng Emperador.

Nakangisi ngayon Ang babae niya sa akin ngunit walang emosyon ko siyang tiningnan Bago ako nagsalita.

"Pinapunta ninyo ako dito para ipakita sa akin ang mga kalaswaan ninyo? Mga h*top!!"Galit na turan ko.

"Lalabas ka o tatawag ako ng imperial knights para ipakaladkad ka palabas?"walang emosyong sambit ng Emperador dahilan para Lalo akong manliit.

Ngumiti ako ng mapait Bago nagsalita.

"Hindi na kailangan dahil hindi ako basurang kagaya ninyo!"Ani ko at dali-daling lumabas.

Habang naglalakad pabalik sa aking silid ay naagaw ng pansin ko ang Isang larawan ni Prinsipe Eero.... Ang una kong nobyo... Ang unang lalaking minahal ko sa dahil sa pag-aakalang iba siya sa lahat... Ngunit mali ako dahil matapos niyang makuha Ang kanyang gusto ay bigla siyang naglaho na parang bula. 

Patakbo akong pumasok sa aking silid at ibinuhos Ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Ina. Bakit po?"tanong ni Akie

Hindi na ako sumagot pa at sa halip ay niyakap ko nalang siya ng mahigpit at nanangis..

They All Abandoned Me Where stories live. Discover now