CHAPTER 34

1.6K 33 0
                                    

EMPEROR ESTAN/EERO POV

HALOS isang buwan lamang ang nakalipas mula nang mag-umpisa sa pagsasanay si Herah ay madali na siyang natuto at naging mahusay na siya sa paghawak ng sandata.

"Gumagaling kana Mahal kong Emperatris"ang nakangiting turan ko habang nag-eensayo kami. Naririto din ngayon ang aming anak at naaaliw siya sa panonood.

"Magaling kasi ang nagtuturo"ang nakangiting tugon niya. Lalo siyang gumaganda kapag nakangiti. Talagang hindi ako nagkamali sa pagpili ng mapapangasawa.

"Napakahusay po talaga ninyo ama at ina! Sana maging ganyan din ako kahusay"ang nakangiting turan niya. Unti-unti na rin siyang sinasanay ni Greco.

"Huwag kang mag-alala anak dahil tiyak na mas magiging mahusay ka paglaki mo lalo na't ikaw ang aking tagapagmana"ani ko at hinalikan siya sa noo.

"Tama ang itinuran ng iyong ama anak! Tiyak na magiging mahusay ka hindi lamang sa paghawak ng sandata  dahil tiyak na magiging isa ka ding mahusay na Emperador! Yun nga lang ang isang mahusay na Emperador ay nagmumula sa pagiging isang masunurin na batang Prinsipe kung kaya bawasan mo na ang iyong kakulitan at pagiging masuwayin anak"ang ani ni Herah kay Akie.

"Masusunod po Ina!"ang masiglang turan niya.

"Mabuti kung ganon. Mainam nang hangga't bata pa ang munting Prinsipe, ay maging responsable na siya"Ani naman ni Greco na bagong dating.

LAARNI POV

NAGLALAKAD ako sa may pasilyo ng palasyo nang makita ko ang Emperador na kasama si Clara. Samantalang si Zairah ay nasa kanyang silid. Nasiraan na siya ng tuluyan at hayag na hayag na ito sa buong Lanta.

"Mahal mo din ba ako?"ang dinig kong tanong ng Emperador kay Clara.

"Hindi kita mahal kundi mahal na mahal"tugon ni Clara at hinalikan sa labi ang Emperador. Tama iyan Clara, paibigin mo siya.

"Pakakasalan kita!"ang nakangiting turan ng hari.

"Ngunit paano gayong kasal ka pa sa iba?"ang tanong ni Clara na ikinangisi ng Emperador.

"Wala na siya sa katinuan Clara at hindi na din niya nagagawa ang kanyang tungkulin bilang Emperatris. Kailangan ko ng babaing makakatuwang sa pamamalakad sa palasyo at ang kailangan ko ay ang kagaya mo"ang turan ni Emperador Jacob dahilan para mapangiti si Clara.

"Ganon mo ba talaga ako kamahal?"ang nakangiting tanong ni Clara.

"Oo at katunayan ay hindi lamang ang pagiging Emperatris ng Lanta ang kaya kong ibigay sayo! Magiging Emperatris ka din ng Goshen at ng Tangra"ani pa ng Emperador dahilan para matulala si Clara.

"Bakit Mahal? May problema ba?"ang tanong ng Emperador.

"Wala naman. Pero maaari ko bang itanong kung ano ang plano mo sa Goshen at sa Tangra? Kung hindi mo lamang mamasamain"ang pagtatanong ni Clara.

"Nakipagpulong ako sa Emperador ng Tangra, nagkasundo kami na makipagdigma sa Goshen at sakupin ito at matapos nito ay isusunod natin ang Tangra"ang nakangiting tugon niya.

"Pagtataksilan ba natin ang Tangra?"ang nabibiglang tanong ni Clara. Hindi siya dapat magpahalata!

"Oo upang lumawak ang aking nasasakupan at upang lalong maging makapangyarihan! Bakit? May problema ba Clara?"ang tanong ni Emperador Jacob.

"Wala"tila ba wala sa sariling tugon ni Clara. Napakasama talaga niya! Hindi na siya nakuntento sa kung anong meron siya! Ang dapat sa kanya ay mabura na agad sa mundo bago pa makapaminsala! Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko agad namalayan na nakaalis na sila. Nagulat na lamang ako nang biglang may mga brasong pumulupot sa aking baywang.

They All Abandoned Me Where stories live. Discover now