CHAPTER 20

2.1K 55 0
                                    

EMPEROR ESTAN/EERO POV

SA NGAYON ay ipinaaayos ko parin Ang mga bahagi ng palasyo na napinsala Lalo na Ang ibang mga gusali na gumuho. Samantala ang aking trono at ang trono ng Emperatris ay pansamantalang inilipat Dito sa maliit na kastilyo sa likod ng malaking palasyo. Nakaupo ako ngayon sa aking trono at umiinom ng alak nang lumapit si Greco na humahangos.

"Kamahalan naririto si Felipe Kasama Ang ilan mo pang mga tauhan!"aniya.

"Papasukin mo sila"tugon ko.

Pumasok na nga Sila at nagulat ako sa nakita... Si Dario ay nskagapos at walang Malay.. kinaladk*d nila siya.

"Bakit kayo naririto at ano ang naganap?"walang emosyong tanong ko.

"Mahal na Emperador Ang taong ito! Siya ang taksil! Narinig ko silang nag-uusap ng Hepe ng lanta at tila ba sasabihin niya na Buhay Ang mahal na Emperatris! Napigil lamang Ang sasabihin niya dahil lumapit ako!!"Turan ni Felipe dahilan para magdilim ang paningin ko. Nilapitan ko si Dario at binuhusan ng alak sa mukha at sinamp*l dahilan para magising siya.

"K-kamahalan? A-anong i-ibig sabihin nito?"nangangatal na tanong niya.

"Huli kana try*ydor! Wala ka nang kawala!"Sabi ni Felipe.

"Bakit mo iyon ginawa sa akin?? BAKIT??"nanggagalaiting sigaw ko.

"Hindi ko alam ang sinasabi ninyo! Pakawalan ninyo ako!!"madiing turan niya.

"Huli kana nagbubulasn ka pa??"Sabi ng Isa sa aking mga tauhan.

"Paano mo nagawa ito sa akin?? PAANO??"sigaw ko.

"Bakit? Dahil kinuha mo Ang atensyon ni Axillom para maging kanyang tagapagmana!! At ginawa ka din niyang pinuno namin kahit mas baguhan ka kaysa sa amin BAGAY NA HINDI KATANGGAP-TANGGAP!!"sigaw nito dahilan para magdilim Lalo Ang aking paningin.

"Felipe! Itayo mo iyan at ihanda sa kanyang kamat*yan!"utos ko kay Felipe na kaagad naman niyang ginawa.

Hinugot ko ang aking sandata at akmang sasaks*kin na siya nang may narinig akong bumagsak at nabasag. Napatingin ako sa bandang iyon at Nakita ko si Akie. Namumutla siya at bakas sa Mukha niya Ang takot. Bigla siyang tumakbo palayo.

"Felipe kayo na ang bahala sa taksil na iyan!"Turan ko at hinabol si Akie.

Tumakbo siya Hanggang sa kanyang silid at Doon ko siya inabutan. Niyakap ko siya. Ramdan ko Ang pangangatal ng kanyang katawan.

"Anak, takot ka ba sa akin?"tanong ko.

Hindi siya sumagot at sa halip ay tumango lang.

"Patawad kung kinailangan mo pang Makita iyon"Sabi ko sa kanya.

"Ayokong pumat*y ka ama! Ayoko!"madiing turan niya

"Ngunit siya Ang nagtraydor sa akin! At siya Ang dahilan kung bakit napahamak Ang iyong Ina at muli at gusto siyang ipahamak! Anak nais mo bang mapahamak kaming dalawa ng iyong Ina?"tanong ko.

"Hindi po. Pero pwede po bang iba na lamang Ang gumawa non sa kanya at hindi na Ikaw?"tanong pa niya.

"Si Felipe na ang gagawa. Hindi na ako"sagot ko.

EMPEROR ESTAN/EERO POV

MATAPOS ang pag-uusap naming dalawa ni Akie, ay napag-alaman ko na naisagawa na ni Felipe ang ipinag-uutos ko. Inutusan ko din sila na ilibing sa Malaya ang bangk*y.

Nawala na ang trayd*r sa aming hanay ngunit may Isang bagay ang tumatakbo sa aking isip. Ang tungkol sa anak namin ni Herah. Totoo nga kaya?? Totoo kayang Wala na siya?

"Ipinatatawag mo daw ako kamahalan?"Turan ng Isa sa aking mga tagapayo. Matanda na siya...

"May Isang bagay lamang akong nais itanong"Ani ko.

"Ano iyon kamahalan?"tanong niya.

"Tungkol sa Isang manghuhula na nagngangalang Cassandra"Ani ko.

Napangiti naman siya bago nagsalita.

"Ang sinasabing manghuhula na nakatira sa kagubatan?? Iyon ay Isang kwentong bayan lamang kamahalan! Bakit mo naman naisipang pag-usapan natin iyan?"tanong niya.

"Wala naman. Ngunit maaari ka bang magkwento tungkol sa kanya? Wala Kasi akong masyadong alam tungkol sa kanya"Ani ko.

"Si Cassandra ay nakatira sa gubat ng Ephraim. Ayon sa sinasabi ng iba ay maganda daw ito at may mahabang buhok! Matangkad din siya at maputi at higit sa lahat ay Isang napakagaling na manghuhula. Ngunit nagpapakits lamang daw ito sa kalaliman ng gabi at pinipili lamang Ang pagpapakitaan"tugon nito.

Alam kong isang malaking kahibangan ang paniniwala sa mga kwento ngunit paano kung subukan ko kaya?

----

KALALIMAN na ng gabi. Oo sadyang hindi Muna ako natulog upang magtungo sa kagubatan. Alam kong isang malaking kahibangan ngunit ayokong maniwala na Wala na ang aking anak. Lumabas ako ng aking silid na nakapang sibilyan nang masalubong ko si Akie

"Saan ka po pupunta ama? Maaari ba akong sumama?"tanong niya

"Kalaliman na ng gabi Akie. Bakit gising kapa?"tanong ko

"Hindi po kasi ako makatulog. Pwede Po ba akong sumama sa inyo?"tanong niya.

"Hindi maaari Akie. Gabi na!"sagot ko ngunit Lalo pa niya akong kinulit.

"Sige na Po ama isama ninyo na ako"naiiyak na Turan niya at niyakap Ang hita ko. Napabuntong hininga na lamang ako Bago muling nagsalita.

"Sige ngunit hindi ka aalis sa aking tabi. Maliwanag ba Akie?"tanong ko.

Sumang-ayon naman siya. Binilinan ko ang mga kawal na walang magsasabing umalis kami. Kinuha ko ang aking kabayo at sumakay. Isinakay ko din si Akie. Pinatakbo ko na ang aking kabayo at Hindi ako tumigil Hanggang sa nakarating kami sa kagubatan ng Ephraim.

"Ama Anong ginagawa natin Dito?"tanong ni Akie.

"Mayroon lamang akong sadya Dito anak"tugon ko.

Itinali ko sa Isang puno Ang Tali ng kabayo at naglakad. Habang naglalakad, ay may narinig kaming panaghoy ng isang babae dahilan para mapayakap si Akie sa aking hita. Natatakot siya..

"Huwag kang matakot anak! Ang Isang Prinsipe ay hindi dapat madaling takutin!"Sabi ko na ikinatango naman niya.

Nagulat na lamang ako nung napatingin akong muli sa aming harapan. May Isang babae, napakaganda niya, matangkad at mahaba ang buhok.

"Kialla kita. Ikaw si Emperador Estan ngunit alam kong hindi iyon Ang tunay mong pangalan"aniya.

"Sino ka?"tanong ko.

"Ako si Cassandra ang iyong hinahanap!"tugon nito.

"Ama natatakot ako sa kanya! Masdan mo! Nakalutang siya!"natatakot na turan ni Akie.

Doon ko lamang napagtanto na nakalutang nga siya!

"Alam ko Ang sadya mo Dito!"aniya at ngumiti.

"Tungkol sayong anak Tama ba ako?"tanong pa niya.

"Tama ka. Totoo bang Wala na siya?"tanong ko.

"Hindi ko na kailangan pang sagutin Ang iyong katanungan dahil nasa piling mo na Ang kasagutan"aniya at tumingin kay Akie Bago siya naglaho.

Nagulat ako sa mga nangyari.

"Ama! Umuwi na Po Tayo! Ayoko na Dito!"naiiyak na Turan ni Akie.

Takot na takot siya at maging ako man ay ganon din Ang naramdaman ngunit napaisip ako... Ano Ang ibig niyang sabihin?

They All Abandoned Me Donde viven las historias. Descúbrelo ahora