CHAPTER 16

2.1K 53 0
                                    

ESTAN/EERO POV

NANATILI akong nakaupo sa aking trono katabi ng aking Reyna habang nakakandong naman sa hita niya si Akie.  Humahangos na lumapit sa akin si Felipe at nag-ulat.

"Mga kamahalan! Kalunos-lunos ang mga naganap sa labas! Maraming nabiktima Ang pagsab*g at karamihan sa kanila ay nagkahiwa-hiw*lay ang mga parte ng katawan! Bukod pa riyan, ang gusali ng agrikultura ay napinsala din ng husto! Ang Entrada ng palasyo ay may pinsala din at mapanganib nang daanan dahil baka bigla itong gumuho!"Ang mahabang Turan nito.

"Ang mga kawal sa labas ay abala sa pagtulong sa mga sugatan upang agad na madala sa pagamutan Ang mga sugatan at ginagalugad din nila ang buong paligid!"Saad pa niya.

"Samahan ninyo Ang Reyna at ang Prinsipe maging ang mga naririto! Dalhin sila sa kabilang gusali ng palasyo at tiyakin Ang kanilang kaligtasan!"utos ko sa kanya.

"Hindi ka po ba sasama?"tanong ni Akie.

"Hindi! Sasamahan ko ang mga kawal na maglibot at tutulong din ako sa mga biktima "sagot ko.

"Ngunit paano kung mapahamak ka??"nag-aalalang tanong ni Herah.

"Huwag kang mag-alala, mag-iingat ako"sagot ko.

"Tayo na Mahal na Emperatris! Mainam kung mailalabas ko kayo agad Dito!"Ani ni Felipe.

"Mag-iingat ka!"Sabi sa akin ni Herah na ikinatango ko.

Lumabas sila sa likurang bahagi ng palasyo. Maging ako man ay lumabas din upang mamasdan Ang naganap sa labas.

EMPEROR JACOB POV

NASA loob ako ng aking silid ngayon at nag-iinom. Ngayon ang araw ng kasal ng Emperador ng Goshen. Nagpadala ako doon ng ilang mga tauhan at mga kawal hindi upang makipagsaya sa kanila, kundi para sorpresahin silang lahat. Biglang may kumatok sa pintuan ng aking silid...

"Bukas iyan"sagot ko dahil Wala akong ganang tumayo.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito Ang aking hepe.

"Kamahalan! Naisagawa na namin ang inyong ipinag-uutos! Binomb* Namin Sila at marami ang puman*w!"aniya na ikinatuwa ko

"Mainam! Tipunin mo ang lahat ng iyong mga Kasama para sa pabuyang ibibigay ko"nakangiting Turan ko

"Huwag mo sanang mamasamain ngunit kamahalan ginagawa mo ba ito dahil sa ginawa nilang pananamb*ng?"tanong niya.

"Hindi lang iyon... Nais kong sakupin ang Goshen at pabagsakin si Emperador Estan!"seryosong Turan ko...

EMPEROR ESTAN/EERO POV

TINULINGAN ko ang mga kawal sa kanilang ginagawa. Tila ba dinidurog ang puso ko sa aking nakikita. Trahedya ang sinapit ng mga taong nais makisaya sa araw mismo ng aking kasal. Ang masakit pa sa damdamin ay Wala kaming nahuli kahit Isang salarin. Maiilap sila. Nadala na ang lahat sa pagamutan at ang mga pumanaw ay nililinis na din ng mga embalaamador. Kaagad na inilagay sa gitna ang watawat ng Goshen bilang Araw ng pagluluksa sa halip na Araw ng pagsasaya.  Mananagot sa akin ang may gawa nito!! Babagsak din siya sa mga kamay ko!

EMPEROR JACOB POV

KATABI ko ngayon si Zairah sa sofa habang hinihimas ang tiyan niya. Oo buntis siya..

"Nananabik na akong magkaroon ng tagapagmanang lalaki"nakangiting Turan ko.

"Nananabik na rin ako sa ating anak kamahalan. Ngunit ayoko sanang maging anak lamang siya sa labas"Turan niya at napatingin sa akin dahilan para mapangiti ako.

"Huwag kang mag-alala dahil oras na hindi na matapos ang pagpupulong na dadaluhan ko ay kakausapin ko naman ang aking tagapayo tungkol sa bagay na iyan"nakangiting sagot ko.

Huwag kang mag-alala Zairah dahil pakakasalan kita, aking Reyna.

"Tayong dalawa ang mamumuno sa buong lanta maging sa Goshen Oras na masakop ko sila"Turan ko pa.

"May itatanong lamang sana ako sayo"aniya.

"Ano iyon?"tanong ko.

"Ikaw ba ang nag-utos na manggulo sa araw ng kasal ng Emperador ng Goshen?"tanong niya.

"Oo. At Oras na bumagsak sila ay mas magiging makapangyarihan akong Emperador at Ikaw ang Empress ko"Sabi ko at niyakap siya at naramdaman ko din ang pagyakap niya sa akin pabalik.

LAZARO POV

MAGKAHAWAK kamay kami ni Laarni habang naglalakad sa may pasilyo ng palasyo nang makita ang Emperador at ang babae nito na naglalambingan dahilan para maalala ko Ang aking kapatid. Nasasaktan ako kapag nakikita kong Masaya ang mga h*yop na ito. Hinila ko si Laarni at nagtago kami sa Isang tabi at pinakinggan ang pinag-uusapan nila.

Tayong dalawa ang mamumuno sa buong lanta maging sa Goshen Oras na masakop ko sila"narinig kong sabi ng Hari.

"May itatanong lamang sana ako sayo"ani ni Zairah.

"Ano iyon?"tanong ng Emperador

"Ikaw ba ang nag-utos na manggulo sa araw ng kasal ng Emperador ng Goshen?"tanong ni Zairah

"Oo. At Oras na bumagsak sila ay mas magiging makapangyarihan akong Emperador at Ikaw ang Empress ko"sabi ng Emperador sa maland*ng babae niya.

Siya pala ang may kagagawan ng pagsab*g.  Nung umalis na sila ay lumabas na kami sa aming pinagtataguan at naupo sa Isang tabi.

"Ganon pala talaga Kasama ang ating Emperador ngunit Lazaro kailangan nating magtahimik tungkol sa bagay na ating natuklasan. Hindi ito kailangan malaman ng mga lingkod o ng kung sino pa man dahil maaari tayong mapahamak!"kinakabahang sabi ni Laarni.

"Tama ka"matipid na sagot ko.

Tama ka hindi ko ito dapat ipagkalat sa palasyong ito... Kailangan ko itong ipaalam sa Emperador ng Goshen...

They All Abandoned Me Where stories live. Discover now